Chapter 19

46 4 0
                                    

Representative

"So, who would be our representative?" The adviser asked the class. Wala naman akong interest sa ganon, since alam kong kailangan na naman kami sa preparation ng event.

"How about Mr. Guerero? Siya din naman ang pambato last year." My classmate suggested. Sumang-ayon naman ang iba.

"Okay, so our class first representative is Mr. Guerero. What about the others? Since dalawang representative sa bawat grade level." The teacher said.

"Wala bang suggestion sa section first?" Tanong ng isa kong kaklase.

"The adviser of first section made us make the decision." Sabi ng guro.

"I suggest Mr. Herris. Wala namang bawal pag kumuha tayo sa section nila." Sabi ng isa. Kahit na nagulat sa sinabi nito ay 'di na lang ako nag-react pa.

"He can't. He's the President at half of the event ay siya ang magma-manage aside sa mga teacher na naka asign." The teacher again said.

"Then let Mr. Davis join at least. Tapos naman siguro ang gawain niya as the Secretary. The officers can handle it." Sabi ng isang estudyante sa aking likod.

Nagsitanguan naman ang ibang estudyante.

"We'll have to inform the President. Since sakop niya ang officers. We can't just decide dahil baka kailanganin niya ang Secretary niya." The adviser said. Pinatawag nito si Prez sa isang estudyante. Ilang segundo lang din ay pumasok si Caius sa room namin.

My heart beat again like it's not on it's usual phase. Sa sobrang bilis nito ay feeling ko may karera sa loob.

Dumeretso si Caius sa harap habang nakapamulsa. Umupo naman ako ng maayos.

"They want your Secretary as the representative of the up coming event Mr. Herris. Pero 'yon ay kung papayag ka. Since under mo si Mr. Davis." Pagkausap ng guro sa kanya.

I felt my heart beat stopped for a second nang tumingin ito sa dereksyon ko.

"That's fine. He already did his part." Sabi niya habang nakatingin parin sakin. Walang nagbibitaw sa 'min ng tingin nang magsalita ulit ang guro.

"So we're all set. Mr. Davis and Mr. Guerero is the representative of fourth grade. This is next week kaya be prepare. Dismissed." Sabi ng teacher. Nagsitayuan na rin ang mga kaklase ko.

"Officers, proceed to the SSG office." Sabi ng nasa speaker. Sa boses pa lang ay alam ko ng si Vice 'yon.

Napatingin ako sa harap ng makitang andoon pa rin si Caius. Kinuha ko ang gamit ko saka na lumapit sa kanya.

"Is it really fine?" I asked nang makalapit ako. Nagsimula na din kaming maglakad papuntang SSG office.

"Yeah? Why? Don't you wanna join?" He asked. I just shrugged.

"'Di naman sa ayaw ko. Baka lang din kailanganin ako sa preparation." I said.

"Hindi na. Your job is done, kaya ang atupagin mo ay ang pagiging representative." Tumango na lang ako.

Pumasok kami ng SSG office at nadatnang andoon na ang lahat at kami lang ang hinihintay. Napadako ang tingin ko kay Neji. Nakikipagtawanan lang siya kina Covas nang mapatingin ito sa amin.

Magkatinginan lang kami nang naglakad si Caius sa harap ko kaya napabitaw ang tingin ko kay Neji.

This is awkward.

Sumunod na lang ako kay Caius saka umupo sa resignated chair ko.

"So, as you all probably know. The selection of Mr. ABS ay next week na." Panimula ni Vice. Nakatayo din ito sa harap ng white board at may hawak na pental pen. Sinusulat niya ang bawat important word.

"And since fixed na din ang mga activities na meron sa event na 'yon, ang kailangan lang natin ay preparation." Pagpapatuloy nito.

Si Neji, Shin at si Covas ang asign sa decoration ng gymnasium kasama ang dalawa pang officer. And two more officer ay naka-asign sa lights and projector. Vice bilang emcee and the rest are asign for the food. Aside me and Caius.

Sabi nila ay malaking tulong na daw 'yung ginawa ko nung last. And also, representative ako kaya 'di pwedeng kasali ako sa preparation. While Caius, isa siya sa mga judge ng sinasabing event.

Pagkakinabukasan din ay ang start na ng practice. Walking like a man is not that hard. Siguro ay awkward lang sa part ko. But the teacher who is asign sa practice namin ay sinasabing maganda ang pag rampa ko.

But I'm really not myself sa tuwing practice namin dahil palaging nanonood si Caius. Walang araw ng practice na 'di ko siya nakita.

Nakaupo siya sa bleachers sa tuwing magpa-practice kami sa gymnasium. Nakatayo at nakasandal sa pintuan tuwing nasa training room kami nagpa-practice.

Kaya 'di ko alam kung tama ba ang lakad na ginagawa ko. Lalo na sa tuwing nakikita kong nakatingin siya. Masyado na siyang nakaka-concious.

Bukas na ang event. May tatlong attire kaming susuotin. The formal, sports, and national attire. Nasabi ko na din kay Uncle ang about doon and my attire is already done. Ang problema ko na lang ay ang presentation.

Kailangang may presentation ang bawat representative. And Guerero and I are discussing about it.

"How about we sing?" He suggested.

"Marunong ka?" I asked.

"No? But I can play guitar, kaya ikaw ang kakanta." Napaisip naman ako sa sinabi nito.

"Marunong ka bang mag-piano?" Tanong ko.

"Yes, why?"

"Then I'll play guitar while you play the piano." I said.

We practiced the song I am going to sing nang matapos ang last practice namin sa pag rampa. Wala din si Caius sa practice na 'yon. Siguro ay naging busy na din siya sa wakas.

Pagdating ko sa dorm ay pasalampak akong nahiga sa kama ko.

"Tired?" Muntik na kong mahulog sa higaan ko ng marinig ko ang boses ni Caius. Napatingin ako sa kanya. Nakasandal ito sa head board ng kama niya habang nagbabasa.

"Exhausted." I said.

"Sit." Sabi nito at umupo sa kama ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Kung maka 'sit' siya kala mo naman aso ako.

Sa huli ay umupo din ako. Pumwesto ito sa likod ko at sinimulang masahiin ang batok ko. Napapikit ako nang maramdaman ang nakaka-relax na pagmasahe niya.

"Pwede ka ng magtayo ng massage parlor." I commented. I heard him chuckled kaya napangiti ako.

"This service is only for you." 'Di ako nakapagsalita sa sinabi niya. Pareho kaming natahimik.

Agad akong napalayo sa kanya ng halikan na naman nito ang batok ko. Masama akong napalingon sa kanya. He just smirked.

"M-Maliligo lang ako." I said at 'di na siya inantay pang makapagsalita at umalis na sa kama. Mabilis akong pumasok sa CR at ni-lock ang pinto.

Mariin akong napapikit. And I smiled.

Zephyr.

Devil's Disguise [Series Two] (✓)Where stories live. Discover now