Chapter 36

27 3 2
                                    

Past unfold.

"Take her away, ako na ang bahala dito. Pipigilan ko sila." Nagmamadaling sabi ng isang babae sa asawa nito. May tama na ito ng bala sa tiyan pero sinusubukan parin niyang tumayo.

"No, hindi kita iiwan dito. Please Athena, halika na." Nagmamakaawang sabi ng isang lalaki. Karga-karga ang anak nitong babae na naguguluhan sa kung anong nangyayari.

"Are you nuts!? Hindi ko kayang ilagay kayo sa peligro, so go." Sabi ng babae at mahinang pinagtutulakan ang asawa.

"Hindi, kung ganon, ako ang magpapaiwan dito. Tumakay kayo ni Zephyr." Desedidong sabi ng lalaki.

"At anong kaya mong gawin? Go and make our daughter live, show her the world, 'yun na lang ang hiling ko. So don't be stupid enough Carious." Umiyak ang lalaki

The man hugged her wife for the last time. Nalagyan pa ng mantsa ng dugo ang lab gown nito bago mabilis na tumakbo palayo.

Umalingaw-ngaw ang sunod-sunod na putok ng baril ng makalabas sila sa bahay.

"Cover your ears, love." Naiiyak na sabi ng lalaki.

"Where're we going? Mother's there, right?" Nagtatakhang sabi ng bata.

"Just do as I say, little one." Sumunod ang bata sa sinabi ng ama.

"No hard feelings Athena, trabaho lang din." Nakangising sabi ng babae.

"Paghihiganti ba 'to sa nangyari sa asawa mo?" Athena asked in sarcasm. Dahil alam niyang 'yun ang dahilan hindi lang dahil trabaho.

"Hm, let us say yes, you killed my husband. He's married to me but he loves you. I endure the pain na makita siyang nasasaktan because you choose a stupid scientist over him. Pero tinanggap ko. Mahal ka niya, but for you to kill him. Walang kapatawan ang bagay na 'yun." Nangangalaiting sabi ng babae.

Nakasalampak na sa sahig si Athena at puno ng dugo. She smirked.

"He said he'll take my daughter, what do you expect? Walang kapatawaran din sa'kin ang bagay na 'yun, Venus." Athena said.

'Di na napigilan ng babae at pinaputukan niya ito. Napahiga si Athena sa sahig. At sa huling pagbukas ng mga mata nito ay nakita niya ang mag-ama niyang tumatakbo palayo. Kahit na malayo na ang mga ito ay napangiti siya sa isiping makakaligtas ang mag-ama.

'I did great, and I have no regrets. I love you Elli.' She said at the back of her head and slowly closed her eyes.

"Find the girl." Utos ng babaeng nagngangalang Venus.

Hinalughog nila ang buong bahay pero walang nakita ang mga tauhan nito.

"Negative, madame." Inis na naitapon ni Venus ang baril na hawak nito.

Devil's Disguise [Series Two] (✓)Where stories live. Discover now