Chapter 47

18 1 0
                                    

Death

Matagal na 'kong naniwala na wala nga talagang perpekto sa mundo. Sa dami ng nangyari sa'kin. Sa dami ng mga pinag-daanan ko. Maybe this not a challenge anymore, this is my punishment. For I don't know what reason.

I fished on my phone nang maramdaman ang pag vibrate nito. I looked at the caller for a seconds and didn't answer the call. I also shut it down. It's Camilla again. And I don't mind her business anymore, wala naman na siyang kailangan ipaalam para sa'kin tungkol kay Caius. She's just going to bug me.

Napatigil sa pag iyak si Neji dahil doon.

"Bakit mo pinatay?" Tanong nito habang nagpupunas ng luha. I just shrug at him. Hindi naman ito nagsalita.

"Thank you Nej. And I'm not just thankful. I'm really really thankful." Sinsero kong sabi.

"Huwag kang ganyan. Nasa moving stage na 'ko. Baka mahulog ako kakaganyan mo." I chuckled on what he said.

"You should have done to, months ago." Natatawang sabi ko.

"Naging kasalanan ko pa." He mumbled. I smiled on him. Nanatili kami ng doon ng ilang minuto bago siya nagyayang bumaba. Maayos na rin ang mukha niya. Kahit mediyo halata paring umiyak siya.

"Anytime pwede akong maging third party sa inyo ni Pres. Payagan mo lang ako." Mahina ko siyang siniko dahil sa sinabi niya.

Nasa corridor na kami nang makita kong bukas ang pinto ng dorm kung saan kami nanggaling. Kahit ang pinto ng dorm ni Ziah ay bukas.

Mabilis kaming lumapit ni Neji. Nadaanan namin ang room ni Ziah at doon ako agad pumasok habang si Neji naman ay nasa katabing room. Walang tao sa room at wala ring marka na pinasok ang loob. Agad akong lumabas at pumasok sa katabing room.

Naabutan ko si Ziah na andoon kaharap ang mga kasama ko kanina. Hindi sila nagmukhang nakainom.

"Where is Phy-" Natigil si Ziah nang makita ako sa likod ni Nej. Agad siyang lumapit sa'kin at hinila ako palabas.

"What the- what's happening?" Tanong ko habang kinakalagkad niya 'ko. Nakasunod na rin ang mga kasama namin.

"Basta, sumama ka na lang." She said panically.

"What? Can you just tell me what the hell is happening Ziah? You're making me panic." Nakarating kami sa gate na hawak parin niya ng mahigpit ang kamay ko.

"As so am I Phyr. 'Di ko alam kung paano sasabihin sayo so just come with me." Pumara ito ng taxi. Ganon din ang ginawa ng mga kasama namin.

Tahimik kami buong byahe nang mangunot ang noo ko dahil pumara siya sa harap ng hospital. Mabilis siyang nagbayad at bumaba. Sumunod lang ako dito.

"Sham Devi." Sabi niya sa nurse na nasa front desk. Tila nabingi ako sa sabi nito. The nurse gave a number na hindi ko na naintindihan.

Maingay sa loob ng hospital pero wala na 'kong naririnig. Nandidilim na rin ang paningin ko. Hanggang sa makarating kami sa isang room at naabutan sa labas non si Pierre kasama si Camilla. Pierre is sitting on the ground while Camilla is leaning on the wall habang nakapamewang.

Bago pa kami makalapit ay lumabas ang doktor galing sa pinto na nasa harap nila. Umiling ang doktor na naging dahilan ng pagkatigil nilang dalawa.

"How about the baby?!" Tila hinging pag-asang sabi ni Camilla.

"The baby's gone." She gasp on what the doctor said.

Nakatulala lang silang dalawa nang mapansin nila ang presensya namin. Nabaling ang tingin nila sa'min. Mabilis na lumapit sa'min si Camilla.

Sa tahimik na hallway ng hospital na 'to ay malakas na narinig ang malakas na paglapat ng kamay niya sa pisngi ko.

"H-How can y-you be like this Zephyr Ellixiana." Hindi niya masabi ng maayos dahil sa nanginginig niyang katawan. Patuloy na bumubuhos ang luha sa mga mata niya habang galit na nakatingin sa'kin.

I emotionlessly stared back at her. Lumapit sa kanya si Pierre at hinawakan ang braso nito. Hindi din alam kung ano gagawin kay Camilla.

"You bitch. You always answer my calls dahil alam mong tungkol sa putanginang lalaking 'yon ang sasabihin ko. Pero ngayong wala ka ng mapapala sa'kin tungkol sa kanya hahayaan mo na lang." Lahat ng sinasabi niya ay pumapasok sa isip ko papunta sa puso ko. Nahihirapan na 'kong huminga habang nakatingin ng deretso sa mga mata niya. Ito ang unang beses na makita ko si Camilla na ganito.

"How can you be so cruel Ellixiana. T-That goddamn c-call. . .is about Sham. K-Kung sana sumagot ka l-lang." Hirap na hirap na sabi nito.

"Cam, it's not her fault. Stop putting the blame on her." Singit ni Pierre.

"Bakit?" Masamang binalingan siya ng tingin ni Camilla. "Bakit hindi Pierre? Siya lang ang pinapakinggan ng lahat. Siya ang nasusunod. Kung sana andoon siya. Kung sana sinagot niya. Kung sana inalaman niya ang dahilan ng tawag na 'yon. Sana nakaligtas pa si Sham. The fuckers never listen to anyone aside from this bitch, Pierre." Nangangalaiting turo niya sa'kin.

She turn her gaze on me. Humagulgol na ito sa harap ko. She's so vulnerable right now. Ibang iba sa Camilla na nakilala ko.

"That call-"

"Camilla stop." Pigil ni Pierre sa kanya pero wala siyang naririnig.

"We're on our way back home. From this same hospital Zephyr-"

"C'mon Camilla, shut up!" Sigaw na ni Pierre sa kanya.

"She's having her check up Ellixiana. Because Sham is pregnant. Your sister is fucking pregnant." Nanlabo ang paningin ko sa sinabi niya. Pierre cursed at napasabunot na lang sa buhok niya.

"She's 3 weeks pregnant. Hindi pa niya kayang sabihin sayo Phyr. She doesn't want to be a burden. You suffered enough. At hangga't hindi ka pa tuluyang nakakalaya sa nakaraan mo, hindi siya magbubukas ng kinabukasan sa harap mo." She said between her sobs.

"I was with her. But I can't do anything. A group of men is tailing us. I'm the one who's driving. Pinilit ko siyang huwag lumaban but she insisted. I called Pierre at sinabing magtawag ng back ups. But the conquerors only listens to you. Those fuckers abandon the one who take care of them for all the years you're not around."

"We run out of gas. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nagsising tamad ako. We tried to fight as much as we can. But that fucker didn't even have mercy on her. He killed her Zephyr. And the baby didn't survive. They kept me alive to tell you about this. Your sister is gone, forever." Nanghina siyang napaupo sa sahig habang walang tigil sa pag iyak.

Tanging ang malakas na iyak niya lang ang naririnig. Ni 'di ko naramdaman na kasama na namin sila Kira. Kira is sobbing habang pinapatahan siya ni Acean. Si Ziah naman ay nasa gilid lang at umiiyak. Neji's just silent pero ramdam mo ang bigat na nararamdaman niya. Habang si Shin ay nanlalaki ang matang nakatingin lang sa'min. Pierre is sitting on the side habang tahimik na umiiyak.

"Who are the culprit." I asked kahit na isang daang porsyento akong sigurado kung sino.

"The Devi."

And that's were every feelings on me died.

Zephyr.

Devil's Disguise [Series Two] (✓)Where stories live. Discover now