Chapter 26

33 4 0
                                    

Teammates

Naisipan kong bisitahin na lang ang booth na ginawa nila. Coffee booth ang naisipang gawin ng grupo. Mababasa ang Akatsuki's sa entrance ng booth.

Pumasok ako saka umupo sa isa sa mga silya doon. Dalawang silya sa bawat isang maliit na mesa. May lumapit sa'king lalaki. Akala ko ay lumapit siya sa akin para kunin ang order ko pero ilang segundo siyang nakatayo lang sa tabi ko.

"Um, myembro ka ng Gliding hawk hindi ba?" Nahihiyang tanong nito sa'kin.

Nakasuot sila ng kapa na pareho ng kapa na nasa Naruto. Ang theme din ng loob nito ay kapareho ng logo ng Akatsuki. Blood clouds.

"Oo, bakit?" Takhang tanong ko. Kumamot siya sa batok bago ako sinagot.

"Nagkulang kasi sa tao." Mukhang alam ko na kung saan ang tungo ng sinasabi niya. "Nakita kita kaya–" I cut him off bago pa niya matapos ang sasabihin.

"Fine." Pag sang-ayon ko. Mukhang nagulat pa siya sa agarang pag snag-ayon ko pero nang makabawi ay ngumiti rin at tumango. Tinalikuran ako nito kaya sinundan ko siya. Nagpunta kami sa likod ng booth. May maliit na mga locker. Binuksan nito ang isa saka may kinuhang damit. Inabot niya ito sa'kin.

"Pwede kang magpalit dito. Aantayin na lang kita sa counter. Salamat." Tumango ako saka kinuha ang damit. Lumabas naman ito. Sinuri ko ng tingin ang binigay niya.

Black turtle neck long sleeve shirt. Black slacks. And a cape with the Akatsuki logo.

Sinuot ko ito saka inayos ang aking buhok. Napapansin ko ang mabilis na paghaba nito. Pero 'di pa naman naabot ang batok ko.

Napahawak ako sa batok ko. He always do kiss it. Napailing ako saka lumabas na lang at pumunta sa counter. Naabutan ko 'yung lalaking lumapit sa'kin.

"Um, okay lang ba kung ikaw ang taga welcome sa mga customers? Wala kasing tao sa gano'n e. 'Di rin namin alam na maraming papasok." Nahihiyang sabi nito sa'kin.

Nilibot ko ang tingin sa loob ng booth. Lahat ng customers ay babae. May mga nakikita pa 'kong humaharot sa mga waiters namin.

"Oh, siya ba 'yon?" Tanong ng isang bagong dating na lalaki. Base sa suot nito ay ka-grupo namin siya. Lumapit siya sa'kin at inakbayan ako.

"Tol, ito ang kailangan para mas maka-attract tayo ng customers. Pagbigyan mo ang mga hiling nila. 'Di ka na lugi d'on. Saka mga babes din 'yan. Minsan lang 'to. Good luck bro." Tapik niya sa balikat ko saka ngisi.

Nabaling ang tingin ko sa lalaking lumapit sa'kin kanina. Napakamot na lang ito sa ulo at napangiwi ito.

Naglakad na lang ako sa entrance ng booth. Ako rin ang kukuha ng mga ticket bago makapasok sa booth.

"Welcome to Akatsuki's. Please enjoy your stay." Pagwelcome sa mga pumapasok. Matamis nila akong nginingitian na sinusuklian ko naman. I know girls too much.

"Excuse me mister." Napalingon ako sa nagsalita. Nakatingin ito sa'kin. Nakaupo siya sa isang table kasama ang isang kaibigan nito. Lumapit ako sa kanya.

"How can I help you, my lady." I politely said. She blushed at my address.

"Such a gentlemen. Anyway, you're disserts and sweets are new to me. Gusto kong subukan pero nagdadalawang isip din ako dahil baka 'di sakto sa taste ko. Can you do me a favor?" Malambing na pananalita nito.

"Sure, my lady." I said with a smile.

"Taste it for me, I trust your taste." She said sabay tingin sa'kin mula ulo hanggang paa.

"Sure." I said and leaned on the table. Mababa ang mesa kaya tinungkod ko ang kanang kamay dito. Kukunin ko na sana ang tinidor sa tabi ng plato nito nang pigilan niya ang kamay ko.

"Let me do you also a favor. Well, it's also a favor for me. Hayaan mong subuan kita." She sweetly smiled. Tumango ako at hinayaan siya.

She sliced on the cake and motioned his hand para subuan ako. I looked at the cake and shifted my gaze on her. Dahan-dahan kong sinubo ang pagkain. She blushed.

"It's delicious." I said. She smiled and nodded.

Bumalik na 'ko sa pwesto ko kanina at nagtrabaho. Kaya imbis na maghanda sa game bukas, napagod ako kaka-welcome sa mga customers.

Gabi na nung nakatapos kami. Ako na lang ang nagboluntaryong magsasarado ng booth. Nagpapalit ako ng damit nang biglang may pumasok. Agad akong naalerto at sasapakin na sana ang biglang pumasok nang makita ko kung sino ito.

"Caius." Banggit ko sa magandang pangalan nito. Bumaba ang tingin ko sa suot niya. Pareho ito ng costume na ginamit ko.

"What... are you doing here?" Takhang tanong ko dito. Lumapit naman siya sa'kin at binuksan ang locker na nasa tabi ko. Inalis niya ang kapang suot.

"I saw you helping there. And I must say, you're really fond of girls aren't you?" He said habang abala sa pagtupi ng kapa at binabalik sa locker. Binaling ko na lang din ang tingin sa ginagawa.

"Kinda. Why are you dressed like that anyway? Anong team ka nga ba?" Takhang tanong ko.  Hinubad ko ang suot na damit. Okay lang din dahil naglalagay ako ng bandage sa dibdib para maging flat chested.

"Obviously, Gliding hawk."  Gulat akong napabaling sa kanya. He looked at me with a smirk.

"Ba't 'di mo sinabi?" Gulat paring tanong ko.

"You didn't ask." Mataray na sabi nito at inirapan pa 'ko.

"Sa bagay, nakalimutan ko rin naman itanong." Kibit balikat ko. Though it's still shocking. 'Di ko inexpect na magka-team kami.

"You know," Pambibitin nito sa sasabihin. Binaling ko ang tingin sa kanya ngunit natigilan ako ng napakalapit ng mukha nito sa'kin.

"I was jealous." Walang prenong sabi nito. 'Di parin ako makagalaw. Nilapit niya pa lalo ang kanyang mukha kasama ang katawan nito. Ang lapit namin sa isa't isa. He's topless as so am I. Ang natitirang saplot sa pang-itaas ko ay ang bandage.

"You're really good at making me jealous. Mapa-babae o lalaki Elli. You're really doing good." Mapang-akit na boses na sabi nito. I'm still statued.

"Do me a favor too. Let me be your man." 'Di na 'ko nakapag-react nang siilin ako nito ng halik.

Sinandal niya ako sa locker. I felt his touch on my waist. Nilapit nito ang katawan ko sa kanya. My hands are leaning on his board chest. I was panting for breath nang bitawan nito ang halikan. Napasubsob pa 'ko sa dibdib nito sa paghahabol ng hininga.

"Don't make me jealous again. It's fvcking driving me insane baby."

Zephyr.

Devil's Disguise [Series Two] (✓)Where stories live. Discover now