Chapter 18

45 4 0
                                    

His father

Natahimik ang table. Walang gustong magsalita nang may pumasok sa eksena.

"Oh Levi, you're here." Napalingon kami sa nagsalita. A man entered the dining hall at lumapit sa amin. Tumayo si Caius at magalang na yumuko. Tumayo din ako at yumuko sa kanya.

His father smiled lightly and patted Caius' shoulder. He looked at me and smiled.

"You must be Ellixianna Davis." He motioned his hand for a hand shake na tinanggap ko naman. "I'm Arnold Herris, Levi's father. Please to finally meet you." I smiled at him.

Umupo na rin ito sa harap na upuan habang sine-serve na sa 'min ang dinner.

"Kaano-ano mo si Julio Davis?" Panimula ng tatay nito.

"He's my uncle po." Magalang na sagot ko dito.

"Oh? I thought he's your father. He's really good at business. I heard that Hak Davis also help him on their company. How is Hak anyway?"

"Mabuti naman po. He's preaparing for his flight papuntang New York para makatulong kay Uncle sa business doon."

"That's great. Imagine that at a very young age. I'm really glad that my son choose you as his fiance." Napatingin ako kay Caius.

Nakatutok lang ito sa plato niya. Nagsimula na din kaming kumain habang tanong naman ng tanong ang Papa nito.

"Ikaw ba hija, may balak ka din bang mag manage ng isa sa mga kumpanya ng ninong mo?" Umiling ako sa sinabi nito.

"Actually po, wala po akong plano sa buhay ko. Siguro along the way matutuklasan ko 'yon. Lalo na ngayong magpapakasal ako." Nabaling ang mata ko kay Caius ng tumingin ito sa 'kin. Ngunit binaba niya rin ang tingin sa pinggan.

"That's unusual. But I like you for my son. I would like to meet your Uncle about this. He'll surely be happy also."

"Sure thing po." But I'm really not quite sure about Hak. He'll be furious. Nakikita ko na ang magiging reaksyon nito. Pero andito na, at wala na 'kong magagawa.

"Where's your parent anyway? It's better to discuss the wedding along with them." Napatingin ako sa tanong nito. Napatingin din ako sa mga kapatid ni Caius.

Nakatingin sila sa akin at mukhang naghihintay din ng sagot. Maliban kay Maeve na kumakain lang. I already expect this question pero iba pa din pala pag tinanong na sakin.

"I don't know my mother. And my dad already passed away." Sabi ko dito habang deretsong nakatingin sa Papa ni Caius.

Nasa tabi ko si Caius at nakatingin lang din sakin ngunit pinanatili ko ang tingin sa ama nito. Mabilis na nabaling ang mata ko sa kanya ng makita ko ang maliit na pagbuka ng bibig nito.

He mouthed the word sorry. Nag-iwas agad ako ng tingin at kumain.

"I'm sorry young lady. But may I know–" naputol ang sasabihin ng tatay nito ng magsalita si Quille.

"Papa. Am I also gonna get to marry?" He asked out of nowhere. Mr. Herris looked at him.

"All of you will. And make yourself find a bride sooner Quille. You're 24 kaya dapat na mas maaga ka kay Levi. Talk to your mom. She'll definitely find you a bride." He pouted saka kumain na lang.

He basically diverted the topic. Dahil sa totoo lang. 'Di ko kayang ikwento sa harap nila ang tungkol kay Dad. Ilang taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon nasa isip ko parin ang lahat.

"How about me?" Singit ni Saveena. Sumeryoso ang mukha ng tatay nila.

"You just turned 18 Saveena. Ang isipin mo sa ngayon ay ang pag-aaral mo. Marami ka pang kailangan matutunan." Tumango si Saveena sa sinabi ng ama.

Natapos ang dinner na ang pinag-uusapan ay tungkol na sa business. Napansin ko din ang pananahimik ni Caius.

"You should stay for the night. The mansion have so many space for guests. Ihatid mo na si Ellixianna sa guest room Caius." Tumango si Caius at tumayo na.

"And Kill, ihatid mo na din si Eve. She look sleepy." The girl pouted.

"I wanna sleep on Ian's roommmm." Pagmamaktol nito. Mapagkakamalan mong kapatid siya ng kuya ni Caius dahil bukod sa maliit din siya, bata din siya kung umasta.

Binuhat siya ni Killian ng pa bridal style saka nauna ng umalis sa dining hall. Tumayo na din ako nang nagsimula ng maglakad palayo si Caius.

Tumapat ako sa paglalakad nito habang ang kamay ay nasa likod.

"Why are you suddenly so silent?" Tanong ko dito. 'Di niya 'ko sinagot. Hanggang sa huminto kami sa tapat ng pintuan. Nauna siyang pumasok at sumunod naman ako.

"I'll take spare clothes of Sav para makapagpalit ka." He said. Umupo ako sa malambot na kama.

"Give me your shirt." I said. He looked at me in confuse.

"Why?"

"It's more comfortable. I love oversized shirt pag gabi. And also an spare boxer." Mahina itong napailing.

"Wait here." I saluted at him nang lumabas na ito. Humiga ako sa kama.

Kanina habang nasa hapag. Caius is so behave. Ni 'di nga siya nagsasalita e. I wonder kung ganoon ba talaga siyang umasta. Or is he scared of his father?

Zephyr.

Devil's Disguise [Series Two] (✓)Where stories live. Discover now