Chpater 6

9.7K 485 36
                                    

APOY. SIGAW. AMOY ng mga nasusunog na laman. Iyak ng bata, lumuluha, ang mga kamay ay may pilit na inaabot. Tila nagmamakaawa na alisin mula sa natutupok na bahay hanggang sa lamunin iyon ng malaking apoy. 

Humahangos na nagmulat si Beatrix. Panaginip. Masamang panaginip. Sinapo niya ang noo at umungol nang nakaramdam ng kirot na para bang galing siya sa pag-inom ng alak nang nagdaang gabi. 

Pamilyar ang panaginip na iyon. Huling dalawin siya ng ganoong klaseng panaginip ay mahigit dalawang taon na ang nakakaraan. Hindi niya alam kung simpleng panaginip ba iyon o masamang pangitain. Huwag naman sana. Pero ang bata sa panaginip niya. Sino ang batang iyon? Malabo ang mukha. Hindi niya maaninag pero batid niya ang takot nito. Alam lang niya umiiyak. Pilit na inaabot ang isang tao para tulungan ito.

Beatrix diverted her eyes to the open sliding window as she heard a disturbance outside. The curtain was opened on both sides, allowing frigid air to flow into the chamber. Last night, the window was still shut, if she recalled correctly. It was most likely opened by her mother. She stood up after removing the blanket that had been concealing her body. She slipped on her slippers and walked over to the window to see what was going on outside. When she spotted Romulus outdoors, diligently cutting wood, her brow knit together in awe. Suot lang nito ay isang itim na joggers at walang pang-itaas. Itinapon nito ang palakol sa lupa. Bumaon ang talim niyon. Kinuha ni Romulus ang malaking putol na katawan ng puno. Itinaas iyon sa ere at pagkatapos ay malakas na ibinagsak sa hita na itinaas. Nagkabiyak-biyak iyon. Bumagsak ang iyon sa lupa habang ang ilang piraso ay hawak nito.

"Romulus!" Sa ekspresyon ng mukha nito ay mukhang nagulat sa pagdating ng kanyang ama.

Namaywang ang kanyang daddy sa harapan ni Romulus. "Nandadaya ka!" 

Binitawan ni Romulus ang hawak na kahoy. Isinama sa mga nasibak na. "Hindi po, dad. Last na naman iyon kaya minadali ko na." Napatawa si Beatrix habang naiiling. Bakit naman kaya pinagsibak ng daddy niya si Romulus? Kagabi ay hindi ito nakapuslit sa silid niya. Hinintay niya pero nakatulog na lang siya ay hindi na pumasok pa si Romulus. Hindi marahil nalusutan ang kanyang ama.

Lumabas siya ng silid at nagtungo sa banyo. Iisa lang ang banyo rito. Walang banyo sa bawat silid. Nag-ayos lang siya ng sarili bago muling lumabas. Nasa kusina si Manang Perla at may inaayos sa tray. Percolator at mug.

"Beatrix, gising ka na pala. Pumunta ka na sa terasa. Doon daw kayo mag-aalmusal." 

"Si Romulus po nag-almusal na?" 

"Naku, hindi pa! Ayon nasa likod, nagsibak matapos magluto ng agahan. Ang sipag na bata." Dama niya ang paghanga at pagmamalaki sa boses ni Manang Perla habang nagkukuwento.

"Siya po ang nagluto?" 

"Hmm! Mahusay palang magluto si Romulus. Nakapakusuwerte mo sa kanya." Of course. Masuwerte talaga siya kay Romulus. Lahat ng katangian na maaaring hanapin ng babae o standard ng isang babae sa isang lalaki ay na kay Romulus na. 

"Ako na po magdadala niyan." Kinuha niya mula kay Manang Perla ang ham at bacon na nasa rectangular plate at siya na ang nagdala sa terasa sa bandang likuran kung saan naroon sina Romulus at ang kanyang papa. Inilagay niya ang dala sa mesa kasama ng iba pang pagkaing nakahanda na roon. Nakangiti niyang pinanood ang dalawa. Wala na rin pang-itaas ang kanyang ama at siya ng nagsisibak ng kahoy.

"Hindi lahat ng bagay ay dapat ginagamitan ng inyong kakaibang abilidad. Mas maganda sa pakiramdam pa rin ang ginagawang normal ang lahat lalo na ang napakasimpleng bagay," pangangaral ng kanyang ama kay Romulus. Natuon ang kanyang paningin sa likod ng kanyang daddy, sa malaking pelat na bakas ng isang trahedya sa nakaraan. Mahaba iyon. Mula sa kaliwang balikat pababa sa gulugod. Ayon sa kanyang mommy ay na kuryente raw ang kanyang daddy. Nasunog ang balat nang dumikit ang isang open wire sa likod nito. 

A Vidente Where stories live. Discover now