Chapter 26

5.9K 460 61
                                    

HINDI tuminag si Beatrix mula sa pagkakahiga para tingnan kung sino ang pumasok. Matamlay talaga ang buo niyang katawan. Matapos niyang mag-almusal ay muli siyang nahiga. Bumangon lang ng dumating ang pagkaing pina-deliver ni Sixto para sa kanyang pananghalian at bumalik rin sa kama hindi para matulog kundi para umiyak. Kahit ayaw niyang umiyak hindi niya mapigil. Dalawang tao lang ang labis na nagpapalungkot sa kanya. Si Hieronimos at Romulus.

"Hindi ka nga kumain." Nang marinig ang ibang boses sa inaasahan ay noon mabilis na luminga si Beatrix. Bumangon siya nang makita ang taong naroon.

"Kuya Bruce." Tuluyan nitong sinara ang pinto, naglakad patungo sa kama at tila naiiritang niyuko siya.

"Hanggang kailan ka magiging ganyan?" Beatrix drew the blanket up to her neck, clutching it tightly to cover her entire body, and drew her legs up to her chest. She focused her gaze on the bed while leaning back on the restboard. Marahas na nagpakawala si Bruce ng marahas na paghinga. Hinila ang silyang malapit at naupo roon.

"Hindi mo makukuha si Romulus kung magmumukmok at iiyak ka na lang, Beatrix."

"Wala na. He found her mate already. Hindi ko na siya mababawi pa."

"Shut up, Beatrix! Hindi ko sana isinakripisyo ang sarili para lang makabalik ka rito." Noon nag-angat ng tingin si Beatrix kay Bruce. Naguguluhan sa sinabi nito.

"Kamatayan ang naging parusa sa akin dahil sa hindi pagsunod sa batas ng Citania. Hindi roon natapos ang parusa. Ang kaluluwa ko...walang katapusang naglakbay ng maraming taon. Imagine this...wandering aimlessly in a desert, a forest, in the snow, under scorching sunlight, and through storms. Nakakaramdam ng paghihirap katulad ng isang buhay na tao, lalo na ang paghihirap ng damdamin dahil hindi mawala sa isipan ang masamang karanasan...pagkatapos ay bigla na lang akong magigising na nakakulong na sa katawan ng batang sanggol na lalaki at ang masaklap ay hindi nawala ang memorya ko. Hindi napalitan ang pagkatao ko kundi ang katawan lang. My soul was trapped in this soldier's body."

"What the hell are you talking about?" Kumalas ang mga braso niya mula sa pagkakayakap sa kanyang mga binti at nakakunot ang noong tumitig kay Bruce.

"Pahalagahan niyo ang isa't isa sa panahon ngayon. Medyo magiging complicated ang relasyon niyo sa hinaharap. The exact words you said more than two hundred years ago...two hundred sixty-four years to be exact." Napatulala si Beatrix habang pilit na inaalala ang mga sinasabi ni Bruce.

"I've been wondering what it meant. Ginulo ng sobra ang isip ko ng mga sinabi mong iyon."

"Flavia," manghang usal ni Beatrix nang maalala ang engkuwentrong iyon. Tama. Si Flavia. Ito ang babaeng Citania, ang babaeng mandirigmang nakitaan niya ng pangitain. Nangyari nga.

"Kumusta, Beatrix? Long time no see." Tumaas ang sulok ng labi nito.

"Hindi mo naman sinabing ganito pala kakumplikado ang magiging ugnayan namin ni Sixto. Parehas kaming nasa katawan ng isang lalaki."

"Nangyari nga. Ikaw si Flavia." Hindi siya makapaniwala. Isang babae pero nasa katawan ng isang lalaki.

"Oo. Nangyari ang pangitain mo. Hindi ko ito gusto...noon. Ngayon kasi tingin ko may purpose pa talaga ako sa mundong ito. Lalo na sa 'yo at kay Heironimos na ngayon ay si Romulus na...siraulong iyon, sarap ng buhay. Walang maalala sa nakaraan. Hindi man lang naalala na may isa siyang kaibigan na nagdusa dahil sa kanya." Hindi naman ito mukhang galit. Ang mga mata nito ay makikitaan ng kislap.

"Ano ang ibig mong sabihin? Bakit ka naparusahan? Sino ang nagparusa sa 'yo?"

"E di ang mga diyos na siyang nagdidikta sa kung ano ang dapat gawin ng mga Citania. Ang mga Diyos na nagbigay ng sumpa kay Hieronimos."

A Vidente Where stories live. Discover now