Chapter 20

5.9K 383 47
                                    

For clarification lang po. The name Ares and Kratos are the only real from Greek Mythology but the back story in the previous chapter isn't. It was inspired by the God of War game pero walang anak na Hieronimos si Kratos, walang mahiwagang punyal. Pati na rin ang ibang details dito chapter na ito is base from my imagination na lang din. Kaya rin ako natagalan mag-update kasi nagdadalawang isip ako kung pwede ko bang gawan ng back story ang mga god base sa gusto ko. Baka kasi hindi, pero may mga writer naman na gumagawa nito—like yung dapat na goddess ginagawa nilang god tas nagkaanak sa mortal. Making a good god into villain. So, I think pwede naman yata kaya ginawa ko na para ma-justify ko lang ang character ni Hieronimos at Celtici. Again, name lang ng god ang base sa mythology but the back story is not. But if you think po na hindi yon pwede just let me know, so I could revise it or gawa na lang ako ng sariling gods na balak ko sanang gawin nung una kaso naisip kong gumamit na lang ng gods sa greek mythology. At first hindi talaga ako naglagay ng name ng gods, inilagay ko lang is diyos ng digmaan kaso ayon nag-decide na lang akong gumamit ng names.

Just let me know if I break the rules too much! Thanks!

***

NAMAMANGHA si Beatrix kung paanong ang maliit at tila ordinaryong punyal ay nagiging espada. Ang punyal na iyon ay pag-aari ni Ares na naging pag-aari ni Kratos matapos nitong mapatay si Ares. Hindi raw nagagamit ang espada na iyon ng hindi karapat-dapat.   Ang punyal na iyon ay gawa ng panday na si Vulcan, ang diyos ng apoy at siyang magtatakda ng karapat-dapat na mag mamay-ari ng punyal. Naglakad paikot sa kanya si Hieronimos hanggang sa huminto ito sa kanyang likuran, halos dumikit ang katawan nito sa kanyang likod. Ramdam niya kung gaano kalapit ang katawan nila sa isa't isa.

"Kailangan mong matutunan ang pagpapalabas ng iyong kapangyarihan, Celtici, sa iyong kagustuhan. Hindi dapat nakadepende sa emosyon mo ang paglabas ng kapangyarihan mo." Ipinikit ni Beatrix ang mga mata. Sinubukan niyang ibigay ang buong konsentrasyon sa nais gawing pagpapalabas ng kapangyarihan pero talagang nahihirapan siya. Isinandal niya ang likod sa katawan ni Hieronimos at pinikit ang mata.

"Hays! Bigyan mo kaya ako ng isang halik sa labi baka sakaling maging epektibo ang ginagawa ko." Dahil sa hindi pagtugon ni Hieronimus ay nagmulat siya ng mata at nilingon ito. Nasa gilid ng kanyang mukha ang ulo nito kaya halos magdikit ang labi niya sa pisngi nito. Marahang bumungisgis si Beatrix. Inalis ang pagkakasandal sa likod nito at hinarap si Hieronimus. Napatawa siya nang makitang namumula ang balat nito. Inabot niya ang magkabilang pisngi nito at pinisil.

"Ang cute-cute mo talaga." Binitawan niya ang pisngi ni Hieronimos at pinalagpas ang paningin nang may marinig na mga yabag ng kabayong paparating. Si Baltazar ang sakay ng isang kabayo na kulay chestnut. Agad siyang humakbang, nilagpasan si Hieronimos.

"Baltazar." Tumakbo siya pasalubong kay Baltazar nang makababa ito ng kabayo. Nagyakap ang dalawa. Natuon naman ang atensiyon ni Baltazar kay Hieronimos.

"Siya nga pala, si Hieronimos. Hieronimos ang kanyang tunay na pangalan...siya naman si Baltazar, kasama kung napadpad dito." Hindi inalis ni Baltaza ang puno ng pangambang mga mata kay Hieronimos. Agad naman niyang nakuha ang inaalala nito.

Muli na namang may mga yabag ng kabayong paparating. A slim man is riding a white and black breed horse with her mouth and nose covered with black cloth. Nang makalapit at maihinto ang kabayo ay saka nito hinila ang tela pababa hanggang sa humantad ang pamilyar na magandang mukha nito.

"Barbara, ano ang ginagawa mo rito at bakit ganyan ang suot mo?" Sigurado siya sa tono ni Baltazar ng pangangastigo. Ang yamot na nakita niya sa mukha ng babae ay napawi. Pigil na ngiti ang bahagyang gumitaw sa labi nito nang tumingin ito kay Baltazar. Tila ba maganda sa pandinig nito ang mga salitang itinapon ni Baltazar. Mapagkakamali itong isang lalaki sa suot nitong riding wear na mas angkop para sa lalaki. Nakatagpo ang blonde nitong buhok sa top hat. Ang kurba ng katawan ay itinago rin ng itim na wool frock coat at waistcoat.

A Vidente Where stories live. Discover now