Chapter 28

5.9K 501 92
                                    

NAGSIMULA NA ang bidding. Siya ay umalis muna sa kanilang mesa para hanapin si Sixto na dapat ay narito para mag-bid. Gusto raw nito ang sculpture ng warrior princess na gawa sa bronze. Iyon na ang susunod na ipapa-bid. This auction is not just an ordinary event. Tama ang kanilang brand manager na mga prominenteng indibidual sa iba't ibang panig ng mundo ang dadalo sa event na ito. Nalulula siya sa presyo ng mga artwork. Opening price pa lang ay ang taas na. Hindi lang iyon, hindi peso ang ginagamit na currency kundi US dollar. Hindi niya talaga maunawaan kung bakit may mga taong gumagastos ng ganoon sa isang simpleng bagay lang. Pero sabagay, hindi naman kasi siya artist at wala siyang hilig sa arts. May kanya-kanya naman talagang obsession ang mga tao.

Nabalingan niya ang terrace, napangiti nang matanaw si Sixto at Bruce mula nakabukas na glass door. Kapwa nakatayo ang dalawa sa may balustre, magkaharap na nag-uusap habang may kanya-kanyang hawak na baso ng alak. Sa titig palang ng dalawa sa isa't isa habang nag-uusap ay mararamdaman na sa hangin ang intimacy sa dalawa. Kung may makakakita tiyak na pagdududahan ang dalawa lalo na ng humarap si Bruce sa labas habang si Sixto ay pumuwesto sa likuran ni Bruce. Inihawak nito sa pasamano ang isang kamay habang ang hawak na baso ay dinala sa bibig at inisang lagok ang laman. Halos mapatili si Beatrix sa kilig nang ilapit ni Sixto ang labi sa tainga ni Bruce kasabay nang pagdiin ng katawan nito sa likod ni Bruce. Ang kamay ni Bruce ay napahawak sa gilid ng balakang ni Sixto. Natitiyak niyang dinidilaan ni Sixto ang tainga ni Bruce habang ipinaparamdam ang matigas na bagay sa pagitan ng hita nito. Ganyan ang ginagawa sa kanya ni Romulus, eh.  Ang lalandi ng mga ito.

Panget naman kung iistorbohin niya ang dalawa sa hook-up session ng mga ito. Nagpasya siyang bumalik na lang sa loob. Pero sa pagpihit ni Beatrix para sana bumalik sa loob ay natigil nang makita ang ama ni Bruce na naroon, kunot ang noo na nakatingin sa direksyon kung saan naroon sina Sixto at Bruce.

"Shit!"

Sa kabila ng paglukob ng takot ay nagawa naman ni Beatrix na paganahin ang utak sa dapat gawin. Mabilis na naglakad si Beatrix patungo sa terrace. Malaking gulo ito kapag nalaman ng papa ni Bruce ang relasyon ng dalawa.

"Stop flirting!" sita ni Beatrix sa dalawa sabay hila kay Sixto palayo kay Bruce.

"Nandito si Tito Cesar, kapag hindi niyo tinapos kalandian niyong dalawa malalagot kayo."

"What? Si papa?" Agad na hinanap ni Bruce ang ama at nang masipatan ay nagmura ito. Agad na nagkunwaring hindi nito nakita ang ama at humarap kay Beatrix. Yumakap si Beatrix kay Sixto nang makita ang paglapit ng ama ni Bruce sa kanila. Ipinaikot niya ang mga braso sa baywang nito mula sa tagiliran. Tahimik ang tatlo habang hinihintay ang tuluyang paglapit ng ama ni Bruce.

"Bruce?"

"Fuck!" mura ni Bruce nang marinig ang pagtawag ng ama. Bakas sa mukha ang nerbiyos na nararamdaman nito ngayon.

"Relax," utos niya kay Bruce at ngumiti sa ginoo.

"Hi, Tito Cesar, nandito rin po pala kayo?" Bumitaw siya kay Sixto at bumeso sa ama ni Bruce.

"Nandito ka pala, Beatrix."

"Opo! Sinama po ako ng boyfriend ko." Iniyakap niyang muli ang isang braso sa baywang ni Sixto.

"This is my  boyfriend, Sixto. Love, this is Tito Cesar, Kuya Bruce's father."

Umiling si Cesar at marahang natawa, kapagkuwan ay inilahad ang kamay. "It's nice to meet you again, Sixto."

Mabilis na inilapag ni Sixto ang baso sa pasamano at agad na inabot ang kamay ng ginoo. "Likewise, sir." Na-meet na ni Sixto ang parents ni Bruce noon sa Baguio.

"Nandito ka, Papa?" si Bruce na hinila nang bahagya ang bowtie na para bang nasasakal ito niyon.

"Ang Ninong Ed mo, niyaya akong magtungo rito. Alam kong pupunta ka rito kaya naisip kong hanapin ka. May nakapagsabi sa akin na narito ka."

A Vidente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon