Chapter 34

7K 507 72
                                    

[IKINAKAHIYA mo talaga ako?]

Napabuntonghininga pero nangingiti niyang isinilid ang phone sa bag matapos mabasa ang text ni Romulus. Hindi na niya ito ni-reply-an pa. Ang sabi niya ay hindi muna siya rito sasabay sa pananghalian. Sasabay siya sa mga coworkers niya at gusto nitong sumabay na lang din sa kanila. Hindi siya pumayag dahil nakakahiya. Tiyak na makakaagaw lang sila ng atensiyon at tiyak maiilang lang din ang mga katrabaho niya na kasama nila sa iisang mesa si Romulus. Hindi na rin maganda ang impresisyon sa kanya ng ibang employee dito sa kumpanya. Kalat na sa buong building, hindi na lang sa department nila ang ugnayan nila ni Romulus. Hindi sa nahihiya siya sa relasyon nila ni Romulus pero kasi may nobya si Romulus bago siya pumasok sa eksena at hindi alam ng lahat ang totoong kuwento sa kanila ni Romulus.

Buhat ang tray na naglalaman ng pinili niyang ulam ay tinungo niya ang mesa nila. Tumabi siya kay Xena habang si Brian ay tumabi naman sa kanya. Inayos niya ang pagkain sa kanyang harapan at ibinigay kay Krizzy na nasa kabilang bahagi ng mesa sa katapat niya ang tray para ipatong sa iba pang tray. Beef broccoli ang kanyang ulam na binili niya dito sa cafeteria habang ang iba sa mga katrabaho niya ay lutong-bahay. Mukhang masasarap. Katulad ni Krizzy ng nanay nito ang laging naghahanda ng pagkain niya. Iba talaga kapag kasama ang magulang. Nami-miss na niya ang parents niya. Kinausap niya ang kanyang mama tungkol sa plano na iluwas ang mga ito sa Manila pero ayaw pumayag. Gusto talaga ng mga ito na manatili sa Baguio.

"Oh, ayan na, baka naglalaway ka na." Malapad na napangiti si Beatrix nang lagyan ni Krizzy ng igado ang kanyang plato. Masarap ang mga baon nito. Luto raw ng nanay nito.

"Salamat! Ang bait mo talaga," she giggled. Sa halip na ang biniling ulam ang kainin ay ang ulam na bigay ni Krizzy ang una niyang kinain. Nagsimula na rin ang ibang kumain.

"Puwede ba akong makiupo?" sabay-sabay na napabaling ang lahat sa taong lumapit sa mesa. Nang mapagsino iyon ay tila tumigil ang oras at maging ang kanilang kilos ay natigil. May ilan pa sa kasama niya ay nakasubo ang kutsara at hindi na nahugot pa sa pagkabigla. Siya ay ganoon din. Natigil siya sa pagkilos pero ang puso niya ay tila gustong lumukso palabad ng kanyang ribcage.

Tumikhim si Romulus. "Maaari ba?" ulit nito at iyon ang pumukaw sa pagkakatulala ng lahat.

"Sige po, sir...puwede po!" sabay-sabay at tarantang sabi ng kanyang mga katrabaho. Inalis ni Krizzy ang mga magkakapatong na tray na nasa dulo ng mesa, ibinigay iyon sa katabi at ipinasa naman sa katrabahong lalaki na nasa kabilang dulo ng mesa. Hindi umupo si Romulus sa kabilang bahagi kung saan may bakante. Natuon ang paningin nito kay Brian.

"Puwede bang diyan na lang ako, Brian?" Brian's lips formed an 'O' shape, surprised and amazed that Romulus knew his name.

"Gusto ko lang sana na katabi ang fiancèe ko." Her heart was in her throat upon hearing what Romulus said. Ang kanyang mga kasama sa mesa ay higit pa ang pagkamangha.

"Si-sige po, sir!" nautal si Brian sa pagkataranta. Itinulak nito ang sariling pagkain patungo sa kabilang bahagi ng mesa. Nagmadali ito sa pagtayo.

"Here, sir. Have a seat."

"Thank you, Brian."

"Maliit na bagay, Sir."  Inilapag ni Romulus sa mesa ang tray. Si Brian ay lumipat ng upuan sa tabi ni Krizzy. Sinimulang ayusin ni Romulus ang pagkain sa harapan nito at habang ginagawa iyon ay nakatitig ang lahat dito. Napansin ni Romulus ang ginagawa ng mga empleyadong pagtitig.

"Let's eat," anito. Nabalik ang sandaling pagkawala sa huwisyo ng mga ito at muling ipinagpatuloy ang pagkain. Kung ang mga kasama niya ay nakabawi sa pagkabigla hindi siya. Nakatulala lang siya rito. Matamis na ngumiti sa kanya si Romulus.

A Vidente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon