Chapter 33

7.2K 546 84
                                    

NAGTUNGO SI Beatrix at Romulus sa opisina nito. Nagpa-deliver ito ng pagkain at doon sila manananghalian katulad ng madalas nilang gawin noon. Kapag nagtutungo siya sa opisina ni Romulus ay madalas siyang dumaan sa private elevator diretso sa loob ng opisina ni Romulus kaya karamihan dito ay hindi talaga siya kilala. Paglabas ng elevator ay isang foyer ang dadaanan. May pinto sa north direction na patungo sa opisina habang ang pinto naman sa west ay pinto ng silid.

"Doon tayo," iginiya siya ni Romulus sa pinto ng opisina palabas sa foyer at patungo sa isa pang pintong nasa west—ang silid kung saan ito nagpapalipas ng magdamag kung minsan lalo na kung maraming trabaho at ginagabi. Fully-furnished ang silid na ito. Parang isang condominium. Naroon na ang lahat na kakailanganin. Kahit lutuan ay meron dito.

Pagpasok ay pagkain sa mesa ang agad niyang nakita. Wala namang nagbago sa ayos ng silid. Ganoon pa rin. Open floor plan ang konsepto ng silid kaya makikita ang lahat ng area at sulok sa isang paghagod lang ng paningin sa paligid na siyang ginagawa niya ngayon. The pad's decor and furnishings are suited for a single man, and it has a masculine interior design style. The living room has leather furniture and an entertainment system. The bedroom has manly bedding in dark colors and sophisticated decor throughout for a stylish apeal.

Natigilan si Beatrix, hindi maiwasan ang marahas na pagsinghap nang makita ang bagay na gustong-gusto niyang makuha sa auction. Wala sa loob na humakbang si Beatrix patungo sa dingding na malapit sa may kalakihang kama, kung saan nakasabit ang painting. Tumigil siya sa mismong haparan ng painting hustong marating ang lugar. Namamanghang pinagmasdan iyon. Hindi siya makapaniwala na makikita ang painting na ito sa panahon na ito at ang siyang nagmamay-ari rin ay ang parehong tao sa nakaraan. Destiny.

Lumipat ang tingin ni Beatrix sa isa pang painting na katabi niyon. Ang portal painting.

"Why did you buy this painting?" tanong ni Beatrix kay Romulus habang nakatitig sa painting.

"Hindi ko intensyon. The old man in the shop insisted. Babalik raw sa akin ang babaeng mahal ko kapag binili ko iyan. He told me that that painting belongs to me."

"He's weird," usal niya. Konektado kaya ang lalaking iyon sa buhay nila? Given that Heironimos is a well-known artist, he can actually fetch billions for this artwork. She learned that collectors tried to find more of his artwork but they failed. Tatlong painting lang nito ang makikita sa buong mundo—ang dalawang painting na ito at ang isa ay painting ng isang babae na pinaniniwalaang ina ni Heironimos dahil sa titulong demigod's mother. Ang sinasabing painting ay matatagpuan ngayon sa Louvre Museum. Nagtataka ang marami kung bakit tatlo lamang ang likha nito. She knows. Mahahalaga lang sa buhay nito ang ipinipinta at mga bagay na pumupukaw sa intetes ito; iyon ang ina nito, siya at ang lugar kung saan siya nito lihim na pinagmamasdan.

"Ipininta ka ng Heironimos na iyon na ganyang lang ang saplot? Paano't pumayag ka?" He was now directly behind her. His body lightly brushed against her back, causing a tingling sensation to form in her tummy. Beatrix smiled and leaned back, comfortably resting her small back against his solid torso. She relished the warmth emitted by his body as it slowly wrapped around her like a warm blanket.

"He told me that I'm beautiful and he wanted to paint me. I proposed that he should paint me in my undies to add some sensuality to his artwork. Ang ganda 'no?"

Lumapat ang kamay ni Romulus sa kanyang baywang. "Nag-kiss kayo?" kapagkuwa'y tanong nito.

Mas lalong lumapad ang ngiti ni Beatrix sa pagbalik alaala. "Yeah. He kissed me." Humigpit ang hawak ni Romulus sa kanyang bawyang, narinig niya ang pagtagis ng mga ngipin nito.

"At masaya ka. Masayang-masaya ka ngayon. I could sense your emotion." Nabura ang ngiti sa labi ni Beatrix sa nahimigang hinanakit sa boses nito.

"Guwapo ba 'yang Heironimos na 'yan?" Hindi makapaniwalang pumihit paharap at tumitig kay Romulus. Nakasalubong ang mga kilay nito habang madilim ang awra. Unti-unti siyang muling napangiti.

A Vidente Where stories live. Discover now