Chapter 19

5.3K 386 29
                                    

MATAGUMPAY NIYANG naipakita kay Romulus ang ugnayan nila sa hinaharap. Masaya siyang ang naipakita niyang scenario sa lalaki ay iyong mga paboritong tagpo nila ni Romulus. Iyong nagpi-picnic sila. Iyong magpapalipas sila ng oras sa ilalim ng punongkahoy, nakaupo siya sa pagitan ng hita ni Romulus habang kulong siya sa mga bisig at iyong ipinagluluto siya ni Romulus.

Ang kaso ay hindi niya alam kung ano ang naramdaman ni Romulus matapos niya iyong maipakita. Wala itong naging komento. Umalis din ito kagabi at hindi na bumalik pa ngayong araw. Hindi niya alam kung ano ang plano nito. Kung itutuloy ba ang balak na pagpatay sa kanya o ikukunsidera ang malalim nilang ugnayan sa hinaharap. Umaasa siyang sana ay ang huli.

Inalis niya mula sa pagkakasabit sa dingding ang kanyang kapa at isinuot iyon. Pupunta siya sa sapa para hintayin si Baltazar. Matapos niyang maayos ang sarili ay pumihit siya patungo sa pinto. Sa pagbukas niya niyon ay natigilan si Beatrix nang mapagbuksan ang isang lalaki. Hindi niya ito kilala. Hindi naman ito ang ama o kaya ay kapatid ni Celtici.

"Magandang umaga." Hindi niya tiyak kung angkop pa ba ang bati niyang iyon sa oras. Umaga pa ba o lumagpas na. Hindi niya matukoy sa pamamagitan ng panahon. Pero maganda ang panahon. Mainam sa pamamasyal.

"Celtici," mahina pero matigas ang sambit nito sa pangalan niya. Hindi niya ito gusto. Hindi niya ma-sense ang positive vibe mula rito.

"Mukhang aalis ka?" Humagod ang tingin nito sa kanyang kabuuan. Nagtagal ang paningin nito sa kanyang paa. Sa pagkakalukot ng balat sa noo nito mukhang nauusisa ito sa kanyang Gucci sneakers. Ipinasok niya sa laylaywan ng kasuotan ang isang paa at kung maaaring ang dalawa ay ginawa na niya.

"Mamamasyal lang sa may batis." Bumalik ang tingin nito sa kanyang mukha.

"Maaari ko bang malaman kung ano ang pakay mo sa pagparito?"

Gumalaw ang mga mata nito sa paraan na nag-iisip ng idadahilan. "Wala naman...bilang pinuno ng Elysian tungkulin kong matiyak ang kaligtasan ng lahi." Oh, he's the leader of Elysian.

"Maayos ako rito."

Bumaba ang paningin nito sa suot niyang talisman. Instinctively she held it.

"Pinunong Tavora." Lumagpas ang paningin ni Beatrix sa lalaki at ang lalaki ay agad mamang pumihit paharap sa bagong dating, ang kapatid at ama ni Celtici.

"Alaric," bati ng pinuno.

"Pinasyalan ko lang si Celtici para makita ang lagay niya."

"Huwag kayong mabahala, pinuno. Katulad ng napagkasunduan hindi aalis si Celtici rito hanggang sa pagsapit ng kanyang kaarawan.

Tumango ito. "Mabuti." Muli siyang binalingan ng lalaki, bumagsak ang paningin sa hawak pa rin niyang talisman at kapagkuwa'y sa kanyang sapatos, muli ang pagkunot ng noo nito.

"Tutulak na ako," anito na tumitig sa kanyang mukha. Tipid niya itong nginitian. Nang tuluyan itong umalis ay pumasok muli siya sa bahay kasama ang dalawang lalaki. May dala itong pananghalian. Mabuti naman. Hindi pa siya kumakain at sawang-sawa na siya sa pagkaing niluluto niya na may hindi maintindihang lasa. Ang hirap pang bumuhay ng apoy. Sinubukan niyang gumamit ng kapangyarihan pero walang epekto. Ewan ba niya, lumalabas ng wala sa kontrol ang kanyang kapangyarihan at hindi naman mapalabas kapag kailangan. Paano niyang ipagtatanggol ang sarili at ibang karapat-dapat ipagtanggol kung ganitong wala siyang kontrol sa sariling kakayanan.

Nilagyan siya ng pagkain sa platong kahoy ng kapatid ni Celtici at inilagay sa tapat niya. "Kumain ka ng marami. Nangangayayat ka."

"Salamat," aniya na hinawakan ang kutsara at sinimulan iyong kainin.

A Vidente Where stories live. Discover now