Chapter 12

6.6K 397 19
                                    

"Hi, Javiah!" Tumili ang bata nang makita si Beatrix. Nagpumilit itong lumapit sa kanya habang karga ng yaya. 

"Come to Ninang." Bago pa man makuha ni Beatrix ang bata ay lumapit na si Fhergus na agad kinuha si Javiah. 

"Papakainin ko lang," ani Fhergus na pilit ngumiti sa kanya bago inilayo ang bata. Nawala ang ngiti sa labi ni Beatrix. It's not rocket science to understand that Fhergus is stopping her to come close to Javiah, at dahil iyon sa mga nangyayari sa kanya this past few days. It hurts her. Nakita iyon ni Luna na kakalabas lang mula sa kusina. Agad nitong sinundan si Fhergus na nagtungo sa likod lang dingding ng sala, sa play area ni Javiah. 

"What's that, Fhergus?" Narinig niyang ang nangangastigo ni Luna sa asawa. 

"I'm sorry. I'm just protecting our child." Kontrolado ang boses ni Fhergus, iniiwasan na marinig niya, but still she heard it.

"Protecting from whom? From Beatrix? Hindi niya sasaktan si Javiah. Fhergus, it's Beatrix."

"I know, Luna. Pero may problema sa kanya ngayon. Alam rin natin na hindi niya kayang saktan si Romulus pero nasasaktan niya." Napahugot nang malalim si Beatrix. Tama naman si Fhergus. She won't argue with that. 

"Please, Mon Chou. Huwag nating pagtalunan 'to. I can't risk Javiah." Beatrix took a step back before turning and heading for the main door. He grabbed the jamb of the door. It saddened her that this had to happen. Javiah, her favorite baby, must keep a safe distance from her due to the danger she poses. Hanggang kailan ito ganito? Paano kung mas lumala pa? Kung bakit ba kasi hindi gumagana ang abilidad niya sa pagkita sa hinaharap sa sarili niya. Kung makikita man niyang magiging banta nga siya sa mga mahal niya, siya na mismo ang lalayo. Sa isipang iyon ay naninikip ang kanyang dibdib. Napupuno ng kalungkutan ang puso niya. Ipinikit niya ang mga mata kasabay ng pagdaloy ng luha sa kanyang pisngi. 

"Beatrix." Agad niyang pinahid ang luha nang marinig si Luna mula sa kanyang likuran. Sa pagbaling niya ay malungkot na mukha ni Luna ang bumungad sa kanya. 

"I'm sorry." Bigla na lang siya nitong niyakap. 

"It's okay. I understand. Fhergus was right. Tingin ko dapat ko munang layuan si Javiah." Bumitaw siya mula sa pagkakayakap kay Luna. 

"Mahirap na. Baka nga mawala na naman ako sa sarili manganib si Javiah." She's not offended by Fhergus decision. Ganoon din tiyak ang gagawin niya sa sarili niyang anak. Nalulungkot lang talaga siya sa mga nangyayaring ito.

***
BAHAGYANG gumalaw ang mata ni Beatrix mula sa pagkakataon sa iPad patungo sa estudyanteng lumapit sa mesang kinauupuan nila ni Luna at Missy sa library. Isa ito sa mga estudyante na nakasaksi sa pangyayari kahapon. Sinigurado ni Faro na walang naaalala ang mga nakasaksi patunay iyon kaninang pagpasok niya na wala namang naging issue. Kahit si Missy ay mukhang walang maalala. Kahit pa si Baltazar na pilit niyang iniiwasan dahil baka magkagulo na naman. Wala rin itong maalala. Pero hindi pa rin niya magawang maging kampante. Kinakabahan pa rin siya. 

Nahigit niya ang kanyang paghinga nang bumaling ang babae sa kanya. Ngumiti ito nang makitang nakatingin siya. Umalis din agad ito nang lumapit na ang kasama. Nakahinga siya nang maluwag sa relibo dahil doon. Everything seems normal. Ang kanyang nararamdaman na lang ang hindi normal.

"Ahhhh!" Yawning, Missy stretched her arms upward, calming her stress muscles. 

"I'm hungry," anito na ibinaba ang kamay sa tiyan at hinaplos iyon. 

"Halika. Bumili tayo ng pagkain," pagyaya ni Beatrix. Bumaling siya kay Luna. "Dito ka muna."

"Okay," nakangiti nitong tugon.

A Vidente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon