Chapter 23

6.4K 477 85
                                    

KINAILANGAN NI Beatrix ilagay ang palad sa kanyang dibdib para subuking kalmahin ang tibok ng kanyang puso na mukhang trumiple ang tambol nang makasakay siya ng sasakyan. Tahimik na pinaandar ni Romulus ang sasakyan. Hindi ito nagsalita. Marami siyang gustong sabihin pero hindi niya magawang isatinig man lang kahit simpleng salita. Paano niya sisimulan? Ano ba ang sasabihin niya gayong hindi niya alam ang mga nangyari sa panahong nawawala siya? Naririnig niya ang marahas na paghinga ni Romulus. Kita niya sa dilim ang tiim nitong mga panga. Ang palad nito ay mahigpit ang hawak sa manibela. Tuwid ang upo na mas lalong nagbibigay sa kanya ng matinding takot. Malayo sa dati na relax lang lagi.

"Saan kita ihahatid?" halos lumukso ang puso niya palabas mula sa kanyang ribcage sa malagong nitong boses.

"Ahm..." Saan nga ba? Wala siyang bahay sa siyudad. May kakilala naman siya, dating mga kaklase sa pinasukang unibersidad pero hindi naman tamang bigla na lang siyang susulpot ng walang pasabi at sasabihing makikituloy. Hindi naman puwedeng mag-hotel siya. Too expensive. Baka maubos agad ang dala niyang pera na galing pa sa ipon niya. Ibinigay niya ang halos lahat ng ipon niya sa bangko sa kanyang ina para sa therapy ng kanyang papa habang ang kaunti ay dala niya para gamitin sa binabalak na paghahanap ng trabaho. Kapag nakahanap siya ng trabaho ay balak niyang dalhin dito sa Manila ang kanyang papa. Baka mas magandang dito na lang magpagamot.

For now, she needs a budget-meal place to stay and a motel is what she needs for tonight.

"Ahm...sa madadaanan na lang nating lodge." Sana ay wala pa silang madaanan. Gusto pa niyang makasama si Romulus. Hindi pa niya nagagawa ang pakay niya.

"Wala kang tutuluyan?" tanong nito. Nanatili ang tono nito. Matigas.

"Wala pa. Mula Baguio dumiretso ako sa opisina mo. Sabi kasi sakin ni Tita Natasha one week ka ng nandito kaya naisip kong magpunta na lang dito."

"Bakit?" He's so cold.

"Ahm...gusto lang sana kitang makausap."

"Bakit?" Ikinuyom ni Beatrix ang mga kamay.

"To...to say sorry." Sinabi niya iyon kasabay nang pagpigil ng kanyang paghinga. Natakot siya sa sariling ibinigay na dahilan. To say sorry? Not just that. She wants to see him. Wala na siyang narinig pa mula kay Romulus. Ang pananahimik nito ay indikasyon na wala itong interes pa sa paghingi niya ng tawad at higit lahat ay sa kanya. Ano pa ba ang aasahan niya? Matapos niya itong saktan noon aasahan pa ba niyang magkakapuwang pa siya sa puso ni Romulus. Tapos natagpuan na nito ang mate nito.

Inihinto ni Romulus ang sasakyan sa tapat ng isang hotel. Medyo malapit lang ito sa Lua Azul. Madalas silang mag-check-in dito noon at kumain. May pupuntahan siguro rito. Bumaba si Romulus habang siya naman ay nanatili lang sa loob at pinanood ang pag-ikot nito sa sasakyan. Itinapon nito ang susi sa valet. Nilinga nito ang sasakyan. Sa kanya nakatitig. Alam niyang malinaw siya nitong nakikita kahit pa heavy-tinted pa ang sasakyan. Isa iyon sa abilidad nito bilang isang Lycan. Bumuntonghiniga ito bago lumapit at binuksan ang pinto ng front seat.

"Ayaw mo bang lumabas?"

"Ha?"

"Sabi mo wala kang tutuluyan."

"Ha?" Muli lang niyang tanong. Malinaw kasi ang sabi niya na sa lodge lang siya ibaba at hindi sa five-star hotel. Isa ito sa pinaka-expensive na hotel sa bansa. Twelve thousand ang pinakamababang kuwarto bawat gabi habang isang daang libo mahigit naman ang pinakamahal. She's broke right now and she can't afford to stay here.

"Ahm...puwede bang sa lodge na lang. I can't afford to stay there," pag-amin niya.

"You will not stay here that long, right?"

A Vidente Where stories live. Discover now