I- First Encounter

9.2K 355 259
                                    

(Sebastienne's POV)

Pasipol sipol akong naglalakad sa mahabang pasilyo ng Building 1 papuntang registrar dahil kukunin ko yung Schedule ko for this sem. Hindi ko kasi agad nakuha kahapon dahil tinamad akong pumasok. Sino ba namang matinong estudyante ang papasok ng first day diba? Tsk. Magastos sa pamasahe at mahal ang gasolina.

Kanina ko pa napapansin ang mga tingin ng mga kapwa ko estudyanteng madadaanan ko. Sa totoo lang e kanina pa ako nagtataka, mula kasi nung makapasok ako ng gate ay hindi na nagbago. May problema ba sa suot ko? E naka black longsleeve polo na hindi nakasara ang dalawang butones sa taas, fitted khaki pants and brown leather loaf shoes naman ako. I'd say pretty decent for 2nd day of school. Lumilinga linga pa ako pero lahat naman ay kagaya kong naka sibilyan din.

Hindi ko nalang sana papansinin at diretsong maglalakad ng may sumapok sa ulo ko na muntik ko pang ikadapa. Putangina

"Sais, bakit ka nakayuko? Masakit ba ulo mo?" Tanong ng walang hiya ng makitang nakayuko ako. Nagpipigil kasi ako ng inis dahil ang sakit ng ulo ko. Ang bigat ng kamay.

"Enzo, gusto mo?"

"Ang al—"

"Sumabog mukha mo?" Putol ko agad sa sasabihin pa nito. Nangangati ang kamay ko kaya hindi ko na hinayaan pa itong makasagot at agaran na sinapak.

"Aray. Tangina. Ang hardcore. Nadislocate ata panga ko" Nakangiwi niang tanong sa akin.  Natawa naman ako dahil talagang hindi ako nag kontrol. Kitang kita ko pa ang bakat ng kamay ko sa mukha nia.

"Hala. Napano yang pisngi mo? May umaway ba sayo? Pucha. Sino?" Kunwaring nag aalala kong tanong. Pambawi lang sa kanina. Kung di nio kasi naitatanong, ang magtanim ng sama ng loob ang libangan ko.

"Sandali... Ramdam ko parin yung palad mo. Daig ko pa nag swimming. Fresh pa sa pakiramdam" parang tangang sabi nia. Tinukod pa talaga ang kamay sa pader.

Gusto ko sanang tumawa ng malakas kaso tinamad ako kaya naglakad nalang ako ulit paalis. Hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na itong nakalapit sa akin at sinukbit ang braso sa balikat ko. Tsk hindi lang pala sa bahay nila ito pabigat. Pati sa akin.

"Bakit hindi ka pumasok kahapon? Nagkanda uuwi tuloy agad ako kalagitnaan ng first subject" ani nia na may kasama pang nguso. Ano raw? Umuwi?

"Umuwi? Diba sabi mo pumasok ka kahapon?"

"Kaya nga. Kaso nung hindi kita nakita nung pumasok na ang prof, e patago akong lumabas tapos umuwi na" simpleng paliwanag nia na para bang simpleng bagay lamang ang ginawa nia.

Tunay naman iyon. Si Lorenzo Co ang pinaka matalik kong kaibigan. Kindergarten palang ay magkasama na kami kaya hindi na bago sa akin ang ganitong eksena.

Mas clingy pa sa clingy ang lalaking ito. Pag hindi ako pumasok sa isang araw ay hindi rin siya pumapasok. Kung ano mang trip ko ay trip niya rin. Kung hindi ko nga lang alam ang hilig nia sa pag didisenyo ng mga imprastraktura ay iisipin kong hanggang ang kurso sa kolehiyo ay nakasunod siya sa akin. Pareho kasi kaming Freshmen sa Architecture Department.

Kung may magsasabi nga sa akin noong Kinder ako na magiging bestfriend ko ito ay masasapok ko. Unang pagkikita kasi namin ay drinowingan nia ng tite ang uniporme ko. Hindi naman ako nagpatalo kaya sinulatan ko ng pagkalaki laki ang uniform niang nasobrahan sa puti. Nagsuntukan pa kami nung araw na yun dahil isa siyang spoiled motherfucking brat.

"Lutang ka na diyan? Nasa harap na tayo ng registrar. Sabi ko naman kasi sayo wag na tayo pumunta dito. Yung schedule ko nalang sana ang pinaphoto copy mo" May bahid ng inis ang tono niya pero tinulak pa rin naman ako papasok ng office. Sa tanga lang

Mistakenly FreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon