XXI- Acquaintance Night

6.1K 321 378
                                    

"Woooop, what...is happening?"


Pinasadahan pa nito ang kabuoan ko na ipinagkibit balikat ko lang at binuksan ang ref para kumuha ng malamig na tubig. Kita ko naman sa peripheral vision ko ang pagkunot ng noo nito. Parang tanga.


"Sais!" Di na nga nakatiis ang lintek at hinampas ang likod ko para sumusobsob ng sobra yung labi ko sa tumbler.

Inis akong hinarap siya at nagpunas ng labi hanggang baba.


"Ano ba?" May kalakasang tanong ko na sinagot niya ng nagdududang tingin dahil sa naniningkit na mata.


"You woke up early." Tinaasan ko naman siya ng kilay.

Woke up early ampota. Hindi kamo ako natulog. Matapos kong manggaling sa bahay ni Miss Savierro ay umuwi na kaagad ako. Kaso lang ay hindi ako magkatulog at pasikat na rin naman ang araw kanina ay pinili ko nalang mag jogging at magpahabol sa aso sa labas.


Saktong kauuwi ko lang ng maging si Enzo at umagang umaga ay may sapak.


"You woke up early." Ulit niya pa.


"Oh? Dapat ba ay namatay na ako sa pagtulog?" Sarkastikong tanong ko. Lalo namang sumingkit ang mata niya kaya natawa ako. "Tabi nga. Magluluto ako." Hinawi ko siya paalis.


"You woke up early, you're sweating early in the morning, you laughed, sarcastic, and now you're going to cook." Nagbilang pa ito sa kamay kaya pinukpok ko siya ng sandok. "At ngayon nananakit kana ulit."


Natawa nalang ako dahil para siyang tanga. Sa aming dalawa ay mukhang siya ang walang tulog. Umagang umaga, sabog ampota.


"Tabi nga, tukmol." Natatawang pag papaalis ko dahil nakaharang ito sa daan.

Hindi naman siya nagsalita at umupo nalang sa tapat ng kitchen counter habang nakahalumbabang pinanonood ako. Hindi ko nanaman maiwasan ang matawa dahil nakasimangot ito.


"Lord, anong gusto mong breakfast?" Ngiting tanong ko.


"Aaaagh. Ano ba? Stop shining! Kaaga aga." Iniharang pa nito ang braso sa mukha at saka umatras, Natanga na. Haha


"Ano nga?" Natatawang tanong ko na lalong ikinasimangot niya.


"Wala. Tangina magpapalamon ako sa sama ng loob. Ako na ang almusal." Nagdabog pa siya at inumpog ang noo sa harap.


Inilingan ko nalang at nag suot ng apron. Hindi ko na sana papansin kaso ay mukhang bata itong inihiga ang ulo sa counter at naglalaro ng nahuli niyang langgam.


"Ano bang napanaginipan mo?"


"Paano mo alam na dahil sa panaginip?" Mukhang nagulat pa siya kaya umiling ako.

Hindi na dapat siya magtaka dahil sanay na ako. Tuwing ngkakaganyan siya pagkagising ay matik na dahil yan sa panaginip.


"Bangungot sais. Pucha."


Inipon ko nalang ang mga rekados na kailangan sa pag gawa ng Mac and Cheese at sumenyas na magpatuloy siya.


"Hinahabol daw ako ng maraming babae..." hinintay ko siyang magpatuloy kaso mukhang iiyak na. "Tapos kamukha lahat ni Sandro."


Dahil doon ay hindi ko na napigilan ang mapahagalpak ng tawa. Tinignan niya naman ako ng masama at binato ako ng takip pero hindi ako tumigil.


"Iba na yan. Ano pa nangy—-"


"Wala na. Basta. Kingina." Asik nito na ikinangisi ko lang.

Mistakenly FreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon