XV- Truth or Dare

5.8K 299 326
                                    

"Cassie 'di ka muna papasok sa school." Bungad ni Enzo ng makababa ako.


Hindi ko naman siya pinansin at dumiretso nalang sa Ref. Kumuha lang ako ng malamig na tubig at naupo sa tapat ng kitchen counter. Pinanood ko lang itong maghalo ng kung ano mang niluluto nia.


"Okay kana ba? Wag na muna tayo pumasok." Sabi nia pa. Kumuha ito ng kutsara at tinapat sa bibig ko. "Lasahan mo." Nilasahan ko iyon at napangiwi ako. Nginang alat.


"Tabi." Hinawi ko siya at ako ang tumapat sa stove. Sabi ko na nga ba at magsasayang lang to ng pagkain. Tsk.


"Hoy ako na. Baka mabinat ka." Akma pa siyang lalapit ng iharap ko ang sandok dito. "Sabi ko nga ikaw na." Pagsuko nia at naupo sa upuan ko kanina.


"Okay na ako. Ni hindi ko nga alam na lagnat pala yun." Sabi ko para kumalma siya.


Turns out may eksplenasyon pala ang Sensya sa lahat. Kaya pala ang bigat bigat nung pakiramdam ko nung mga nagdaang araw ay dahil sa nilalagnat ako. Hindi ko naman alam, dahil ganun talaga ako pag nagkakasakit, namamalayan ko nalang na gumaling na. Akala ko e mood swings lang at dala lang ng pagkawala ni Miss. Lintek. Malandi lang pala talaga ako legit.


"Sure?" Paniniguro nia na tinanguan ko lang.


Makalipas ang pag rerepair ng luto ni satanas ay natapos ko rin. Pinalayas ko si enzo sa upuan ko at inutusan itong haluin yung niluluto. After 3 mins ay sabi ko patayin nia na pero sa halip ay tinakpan nito yung niluluto. Umalis pa siya at nagkakalkal sa taas.


"Ano yan?" Tanong ko dahil may dala itong bagong kutsilyo. Hindi nia ako sinagot at naglakad lang papunta sa kalan. "Patayin mo na." Utos ko.


"Sige." Sagot nia at pinagsasaksak yung takip. Hindi naman ako makapaniwalang tinignan ito. Sa inis ko at binato ko siya ng kutsara. "Aray. Sabi mo patayin ko!" Reklamo pa nito.



"Oo at ikaw isusunod ko." Sagot ko at ako nalang din ng nagpatay ng stove. Utak ng lintek na to, kulang sa turnilyo.


"Chill. Dapat kasi turn off." Pagtatama nia sa akin na para bang robot siya na ni common sense ay wala.


"Tsk."




Nang matapos kaming kumain ay mabilisan lang din akong nagbihis at dumiretso na sa Univ. Pinark ko lang ng maayos si Sixto at naglakad na papunta sa unang subject namin ngayong araw.



"Sure kabang okay ka lang talaga?" Tanong pa ulit nito.


"Oo. Pag hindi ka tumigil, hindi na." Sagot ko. Napasimangot naman ito kaya ngumiti lang ako.


Kumatok kami sa pinto dahil nakasarado na. Late kasi kami ng tatlong minuto. Binuksan naman yun ni Sir at nilakihan ang pagkakabukas para makapasok kami. Maglalakad na sana ako papunta sa upuan ko ng magsalita ito.


"Miss Acozta? Aren't you supposed to be in your new class?" Tanong ni Sir na ikinakunot ng noo ko.


"Come again, sir?"


Sa halip na sumagot ito agad ay may kinuha ito sa table. Binuklat buklat nito ang papers na sa tingin ko ay naglalaman ng list of students.


"This." Lumapit ako para makita pa lalo yun. Nakabura ang pangalan ko doon at may naka dikit na notice na nagpalit ako ng schedule at prof.


"Saan po ito galing?" Tanong ko.


"It has been issued earlier by the registrar." Sagot nia. Taka naman akong tumingin dito. "Aren't you informed?" Tumango lang ako. "Then you should go to the registrar office, there must be a mistake. Don't worry I won't mark you absent today." Ngiting sabi ni sir.


Mistakenly FreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon