V- Lies and Ride

5.2K 275 329
                                    

"Daan muna tayo sa locker. Iwan ko lang tong bag" Aya sakin ni Enzo.

Tumango nalang ako kasi balak ko rin naman yun. Naglakad nalang kami papunta sa Architecture Building. Nakakapagod mag dala ng bag kahit pa isang binder at alcohol lang ang laman nito.

"May laman ba bag mo? Bakit walang bukol yan?" Tanong nia habang pinalo pa yung bag ko na nagpa abante sa akin. Bigat ng kamay.

"Meron."

"Talaga? ano?" Tanong nia pa na parang di naniniwala.

"Sama ng loob." Maikling sagot ko. Narinig ko naman itong tumawa. Hindi ko nalang pinansin.

Naglakad kami papunta sa locker room na diterso lang ang tingin. Himala nga dahil walang binabati si Enzo pabalik. Parang wala lang itong naririnig at tahimik lang na sinasabayan ako maglakad.

Nang makarating na kami ay tumindig muna ako at inalala ang pin ko. Ano nga yun?

Hindi ko pa rin maalala kaya nauna ng magbukas ng locker si Enzo. Hindi pa man tuluyang nabubukas ay mga mag sihulugan ng mga papel sa baba na kinamura nia.

"Pucha! Ano to?" Taka at medyo inis na sabi nito habang nakahawak pa rin sa pinto ng locker at nakatingin sa mga papel na nagsihulugan sa baba.

Hindi ko napigilan ang matawa ng malakas na ikinasama ng mukha nito. Mukhang may idea na ako kung ano yung mga yun. Masyado kasi itong friendly kaya hindi malabong makatanggap siya ng ganyan. Love letters pa nga.

Tatawa tawa akong nilalagay ang pin ko. Kailangan ko lang pala tumawa para maalala ko. Pero ganun nalang ang gulat ko ng matanggal ko ang lock ay kusa itong magbukas.

"HAHAHAHAHAHAHA Gago. Pakyu! Tawa ka pa ha!" Pabalik na asar nito habang tahimik lang akong pinapanood ang naglalagang iba't ibang kulay ng papel sa harap ko.

Kagaya ng kanya e puno rin ang locker ko ng kung ano anong papel at may iba pang pictures. Hindi ako siguro kung love letters ito kaya yumuko ako at pumulot ng isa. To my dearest archer. Napangiwi ako dahil dun. Ano kami elementary?

"Tara na. Hayaan mo na yan. May maglilinis niyan" Sabi nito at saka ako hinawakan para itayo. Tinanggal ko lang ang kamay nito at nagsimulang pulutin ang mga Love letters sa sahig.

"Don't be a Jerk. Pulutin mo lahat yan" Utos ko dito. Wala ako na receive na sagot kaya nagsalita ulit ako.

"These letters may seemed corny and funny, pero feelings and efforts ang ipinanggawa diyan, Lorenz. The least you can do is appreciate or respect all of that" Seryoso at mahaba kong sabi dito. Hindi ito nagsalita at pinulot nalang ang mga letter nia sa sahig.

Pinupulot ko ito isa isa at pinagpapatong patong ng maayos. Pansin kong iba't ibang design at kulay. Wala naman akong nararamdamang inis o kung anong masamang pakiramdam hindi gaya pag nilalapitan o sinusubukan akong kausapin. Sa katunayan ay medyo magaan nga ngayon. Nai imagine ko kasi ang nararamdaman nila habang sumusulat ng ganto. Must be nice to feel and have all of that.

Nang mapulot ko lahat e nakasalansan kong itong ipinasok sa loob ng locker ko kahit pa wala akong balak basahin. Saglit ko pa itong tinignan saka napa iling bago sinara.

"Tara na." Aya ko dito saka sinukbit nalang ulit ang braso sa bag ko. Sa huli ay hindi rin namin nailagay ang bag dahil wala ng espasyo sa locker namin.

"Gusto mo ba bigyan din kita ng letter?" Nakangiting tanong ni Enzo bago ako inakbayan at tinodo talang ibigay ang bigat sa akin. Tinanggal

"Pass. Yung notes ngang binigay mo, sa halip na may matutunan ay lalo lang akong na bobo" Asar ko dito. Tunay naman. Tinalo pa nia ang doctor sa sulat.

Mistakenly FreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon