VI- Basketball

4.8K 274 248
                                    

"Ate nasa gym po si Kuya Lorenzo"

"Sebastienne nasa gym di Lorenzo"

"Pre, Acozta, nasa gym si Lorenzo" Tinapik pa nito ng mahina ang balikat ko bago naglakad palayo.

Alam kong halos magdikit na ang kilay ko sa pagtataka habang naglalakad papasok ng Univ. Kanina pa kasi bawat madadaanan ko ay isa lang ang sinasabi. Naririndi na ako dahil sa wala silang tigil at paulit ulit.

"Ate Sebastienne, nasa gym po si kuya lorenzo" Sabi ng lalaking estudyanteng kasalubong ko. Dahil sa inis ay tinawag ko ito bago pa makaalis.

"Anong meron?" Tanong ko ng mukhang natigilan pa siya.

"P-po?" Hindi ko siya sinagot at tinignan lang. Mukhang na gets nia naman ang ibig kong sabihin kaya nagpatuloy ito.

"P-pinapasabi po ni Kuya Lorenzo na nasa gym daw po siya" Automatic na napakunot ulit ang noo ko dahil sa sagot nito.

"Sinabi sayo?" Tanong ko.

"Sa lahat po."

"Ha?"

"Pinapage nia po kanina sa buong school na pag nakita raw po kayo ay sabihing nasa gym siya" pag uulit nia sa sinabi kanina.

"Bakit daw?" Anong trip ng lalaking yun?

"H-hindi nia po s-sinabi" Utal na sagot nito na nag iwas pa ng tingin. Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kanya.

"S-sabi n-nia po e b-baka hindi nio raw po siya mahanap dahil wala daw po kayong phone kasi..."huminto ito at parang nahihiya pang magsalita kaya napataas ang kilay ko dahil dun.

"Ano?" Utos ko dito. Mukhang nagdadalawang isip pa siya pero nagsalita rin.

"Wala daw po kayong phone k-kasi taga b-bundok at hampas lupang b-bitch daw po kayo." Paputol putol ang boses nito na parang ayaw pang ituloy ang sasabihin.

Hindi na ako nakapagpasalamat dahil nung marinig ko yun ay agad akong tumalikod at mabilisang naglakad papuntang gym.

Lorenzo, Magdala ka na ng manok dahil kakaway kana kay San Pedro.

Wala ni isa akong pinansin o tinapunan ng tingin sa mga nakakasalubong kong bumabati o di kaya ay sinasabi kung asan si Enzo. Hindi ko alam kung gaano ko kabilis narating ang gym sa pagmamadali dahil nangangati na ang paa ko. Namalayan ko nalang na naglakad na ako papalapit sa lalaking parang tangang palakpak ng palakpak e wala namang kausap.




"See that? That's my baby right there bro. Go baby! That's my b—-" Hindi nia na natapos ang sasabihin dahil nakapada na ito sa sahig.


"Aray. Putangina. Sino yun? Ga—" Sigaw nito na nakaupo na sa sahig. Nanlalaki ang mata nitong nakatingin sa akin na agad namang sumingkit ng makilala ako. Mukhang galit.


"Tanginamo, Sais. Bawas na bawas na ang lifespan ko sayo. Balak mo bang basagin ang bungo ko?" Singhal nito ng makabangon at tumayo sa harap ko. Hinihilig hilig pa ang ulo. Binigyan ko kasi siya ng round house kick sa likod.

"Yun nga ang plano." Sagot ko lang dito.

Mukhang hindi nia naman nagustuhan.
Itinaas nito ang kamay parang balak ilapat sa akin pero hindi nia magawa kaya kagat na kagat nito ang ibabang labing nagsusuntok sa hangin saka humarap sa dingding.

"Sorry Camera" Natawa ako ng malakas dahil iniligay pa nito ang dalawang kamay sa dingding at ipinatong ang ulo na parang sumasambang ng nakatayo. Gago ampota. Yang ang trippings.


"Para kang tanga diyan." Natatawa kong sabi dito. Mukhang may balak pa siyang rumebat na di lang natuloy dahil sa boses ni ate chanel.


"Lorenzo, come here! Sub for me!" Tawag nito kay Enzo na siya namang ikinalingon ko sa gawi nito. "Omg! Hi, baby! You're here!" Baling nito sa akin habang kumakaway at may whistle sa bibig. Ngumiti lang ako ng unti saka kumaway pabalik.

Mistakenly FreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon