XXII- Together

6.4K 343 436
                                    

Ilang segundo pa ang lumipas hanggang sa tuluyan ng maglaho ang sasakyan niya sa paningin ko.

Hindi ko na napigilan pa ang pag alis nito dahil sa bilis ng pangyayari. Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong makapagtanong kung bakit at ano ang mali sa gabing ito para ganoong sagot ang matanggap ko.

Napatingala nalang ako at napangiti ng mapait dahil kahit inaasahan ko na ito ay hindi parin naging dahilan yun para mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko. Humugot ako ng malalim na hininga at pinilit ihakbang ang binting parang ngayon lang naramdaman ang pagod.

Sa pag-abante ko ng isa ay may malambot at madulas na bagay akong natungtungan. Lumingon ako sa sahig at dahan dahang yumuko para pulutin ang isang piraso ng tulips na ngayon ay sira na ang kalahating parte. Pinulot ko yun at pinagmasdan.


"One chance, Acozta. Waste it, and I'll hunt you to the end of this globe."


Wala na akong sinayang ni isang segundo pa at mabilisang isinuot ang helmet ko at sumakay kay Sixto. Pinaandar ko na ito ng mabilis paabante at binaba ang isang binti bilang alalay sa mabilisang pag drift pabalik.

Nag pump ako ng dalawang beses at binaybay ang daan palabas ng Parking Lot. Binilisan ko pa lalo ang takbo dahil hindi ko pa rin matanaw ang sasakyan nito. Huminga ako ng malalim at bumuga ng malakas.


Tangina, I need to talk to her. May pakiramdam ako na kapag natapos ang gabing to na hindi ko man lang nabago ang huling tagpo ay marami ng magbabago.

I can't and won't let that happen, not now that I'm fully aware she feels the same way. I'm almost there.... We're almost there.


Ilang minuto pang pag mamaneho saka ko naabutan ang kotse niya. Huminto lang ito ng saglit sa gate ng subdivision at bago pa man maibaba ulit ng guard ang harang ay mabilisang nalusutan ko na. Narinig ko pa itong sumigaw pero hindi ako huminto.

Malapit na siya sa bahay niya kaya pinabilis ko pa lalo ang takbo at nilampasan. Hindi ko na siya binigyan ng tyansang maipasok ang sasakyan sa garahe dahil iniharang ko na doon ang motor ko.

Bumaba ako at tinanggal ang helmet ko. Bumukas din ang kotse niya at iniluwa doon ang binibini kong namumula ang mata. Bakas ang pagkagulat sa mukha nito na nauwi sa pagtataka.


Ngumiti ako ng maliit na ikinapikit niya at iling.


Base sa reaksyon niya ay alam kong may ideya na siya kung bakit ako nandito. Naglakad ako papalapit ng hindi tinatanggal ang tingin sa kanya. Kita ko ang paglunok at pagtangkang patigasin ang ekspresyon ngunit ang mga mata nito ay hindi pinayagan yun.


Nagtangka pa itong pumasok ulit sa sasakyan pero sinarado ko yun. Itinukod ko ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya at tinuon ang atensyon sa mukha. Lalo naman siyang umatras at parang kasalanan ang madikit sa akin na ikinakirot ng dibdib ko.


Sandaling lumambot ang ekspresyon niya ng lingunin ako. Tumitigas pa lalo ang pagsasalpukan ng ngipin ko sa pagpipigil ng mga luhang namumuo sa mata ko. Nasasaktan ako at kahit saan ako lumingon ay walang makapag tanggal nun.


"Ac—"


"Why are we hurting this much?" Mahinang tanong ko bago yumuko. "Why do I have to suffer like this?"


Mistakenly FreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon