II- Top Archer

6.3K 331 194
                                    

Maaga ako nagising dahil maaga rin naman ako nagkatulog. Ang maganda lang kasi sa pagiging ako ay hindi ko nararanasan mag puyat kaka overthink. That's my biggest flex.
6:50 palang. Ang unang klase ko for today ay mamaya pang 9:30. Gayunpaman ay pinili ko paring bumangon.

Muntik pa akong mahulog sa kama dahil sa gulat. Saktong ibababa ko palang sana kasi ang paa ko ng mapansin ko ang nakahandusay na lalaking topless sa baba ng kama ko. Bakit sa sahig nakahiga ang isang to? Patay na ba siya?

Dahil pinaglihi ako sa tender loving care, tinungtungan ko siya saka naglakad papunta sa pinto. Bago pa ako makalabas ay narinig ko pa siya.

"Aray! Tangina, ano yun? Sino yun? Mamamatay ako ng maaga sa bahay na to"

Naglakad ako papunta sa kusina. Carbonara nalang siguro ang lulutuin ko. Dahil maaga pa naman kaya hindi ko kailangang magmadali. Dahil andito si Enzo ay good for 7 persons ang lulutuin ko. Patay gutom kasi ang isang to. Kung hindi lang talaga siya naghahatid ng grocery dito ay baka pati siya isama kong pakuluan.

"What's for breakfast?" Tanong nia ng makaupo siya sa kitchen counter.

"Bakit ka sa sahig natutulog?" Hindi ko pinansin ang tanong nia dahil makikita nia rin naman mamaya. Sayang laway.

"Sa tabi mo talaga dapat kaso wala pa atang trenta minutos e sinipa mo ako pababa. Tinamad na rin ako bumangon kaya hinayaan ko nalang" Kahit nakatalikod ako ay alam kong nakanguso siya.

"Dito ka kasi natutulog. Wala kabang bahay? Kung nahihiya ka sa pamilya mo kasi pabigat ka, e dapat sa akin din" Ngising pang aasar ko ng makaharap ako.

Hindi na mana talaga bago sa akin ang gantong eksena. Parang bahay na rin naman nia ito. Kaya nga nagmamalay nalang ako e kasabay ko na siya maglakad o di kaya nakikiain sa tabi ko. May sarili na rin siyang kwarto dito. Siya ang nagdesisyon na hinayaan ko lang kasi wala rin naman gagamit ng mga vacant room na yun.

"Bahay ko rin to ha. Wag kang feeling" Ako pa talaga? Nahiya ako. Tinuloy ko nalang paghihiwa ng sibuyas. Hindi na sana ako iimik ng mapansin ko itong naglalatag ng picture ng iba't ibang babae sa counter. Pucha alam ko na to.

"Ayoko." Wala pa man ay alam ko na agad kaya sumagot na ako.

"Hindi. Tignan mo tong isa. Maganda, mukhang expensive. Doctor daw to. Ito namang isa, anak ng senador" Tinuturo nia pa yung mga picture na hindi ko naman tinapunan ng tingin.

"Eto. Anak ni Mark Vil—"

"Pass"

"Eto. Kapatid ni Jon—"

"Hard pass"

"Si mark tahimik la—"

"Premium pass"

"Pota ka puro ka pass. Naka default na ba yang bunganga mo" Natatawa niang tanong bago ihagis pataas yung mga pictures.

"Para ka kasing tanga. Hindi nga ako interesado. Saka bakit ba puro babae yang mga yan?" Tanong ko kahit alam ko na mana ang sagot.

"Because Men. are. trash." Hinarap pa nito ang palad sa akin na para bang pinatatahimik ako. Hindi ko na napigilan ang matawa.

Based on experience kasi. Gaya kasi kanina e, may pinakilala siya sa aking lalaki. Dahil bored ako at wala namang mawawala sa akin noon e pumayag na ako. Nanood kami ng Horror Movie sa sinehan. Kalagitnaan ata ng movie e binalak akong halikan na hindi lang natuloy kasi may kamay na gumumos sa bibig nia. Nang lingunin ko ay si Enzo pala ang salarin, naka salamin pa talaga siya ng kulay pink. Gigil na gigil itong kinukurot yung bibig ng pinakilala nia. Kung hindi ko pa nga siya nahila palabas e baka nakagawa na kami ng sariling horror movie dun. Inis na inis siya kaya hanggang sa facebook at twitter ay nadala nia. Nalaman ko nalang na magdamag pala itong nagpara share at tweet na #MenAreTrash. Yun na rin ang una at huling date kuno ko sa lalaki.

Mistakenly FreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon