XXV- Complete

5.6K 253 655
                                    

"Yes, Miss Acozta. Do you want me to repeat myself?" Masungit na tanong ni Miss Savierro.


Umiling lang ako at naglakad papunta sa unahan. Nang matapat ako dito ay inabot nito ang marker sa akin na pilit ang ngiting kinuha ko nalang. Kaso ay unang hila ko ay mahigpit ang pagkakahawak niya kaya sa pangalawang beses ay napilitan akong hilahin na ikinalagapak nun sa white board. Kung kailan kasi hinila ko ay saka nito niluwagan ang hawak. Mierda.


"Are you angry, Miss Acozta? Nagdadabog ka ba?" Taas kilay na tanong niya. Humarap nalang ako sa board at sinagutan ang tanong niya.


"No, Miss. I'm kind of feeling grateful instead. This is the 7th time na tinawag niyo po ako. I feel so nurtured right now." Sagot ko rin at binalik sa kanya yung marker.


"You're very much welcome. You may sit now but if you want to answer this remaining 13 questions, just tell me. After all, this is student-centered learning"

Ngumiti pa siya kaya napasinghap yung mga kaklase ko habang ako ay nagpaskil nalang ulit ng pekeng ngiti at bumalik sa upuan.


"Mag jowa ka pa ng professor tas may sapak. Napapala mo." Bulong ni Enzo sa likod ko na mukhang sobrang lapit ng bibig sa batok ko.


Hindi ko nalang pinansin at tinuon ang atensyon sa harapan. Nasa klase kami ngayon ni Miss Savierro kaya nabalik nanaman ako sa reyalidad. Sa mga oras na to ay siya si Miss Savierro na pinanganak lang para magalit sa akin at hindi ang Binibini kong daig pa si Boots sa pagka clingy.


"Miss Aco—-"


"Miss, baka gusto nio na rin pong dalhin ang apelyido ko. Mukhang gustong gusto niyo po eh." Pamumutol ko agad ng akmang tatawagin niya nanaman ako.


Nakarinig ako ng mahinang tawanan habang ito ay pinaningkitan ako ng mata. Pinatigas niya ang ekspresyon pero hindi nakatakas sa akin ang pagpula ng pisngi. Tinaas ko lang ang kilay ko at tumingin ng inosente.


"Miss, kung ayaw niyo po. Pakitabi, ako na po." Sigaw nung nasa bandang hulihan dahilan para umingay nanaman ang tawanan.


Mabilis namang tumaas ang isang kilay ni Miss at tumigas ang ekspresyon. Pinagkrus pa nito ang braso sa dibdib at walang emosyong tinignan yung nagsalita na ikinatahimik nito. Pagkatapos ay ako naman ang binalingan niya kaya umiwas ako ng tingin at kunwari ay nag mu multiply sa kamay. Mierda.


"Sais, 7x6?" Tanong ni Enzo. Dahil nakatingin pa rin sa akin ang nasa pinakaunahan ay pinagpatuloy ko ang pag kwenta.

"42 pre." Pinakita ko pa yung daliri ko.


Pagkatapos kong sumagot ay umupo nalang ako ng diretso. Hindi na rin ako nagloko pa dahil baka palabasin nanaman ako ni Miss Savierro. Humarap na rin naman ito sa board at sinimulan ulit ang mag discuss.


Mula pa kanina ay ilang beses na lumabas ang pangalan ko sa bibig niya. Hindi ko alam kung nananadya ba ito gay'ong alam niyang hindi ako nakapag aral kagabi dahil nag binge watched ako ng Stranger things. Alas kwatro na ako nakatulog dahil kahapon lang naman ako nawili sa palabas. Idagdag pa na hindi ko siya nirereplyan mula nung makauwi siya. Hehe


Pasensya, mahal ko. Kaugali mo man si Vecna ay hindi pa rin kayo pareho. Babawi ako sa sunod... kapag tapos na palabas.


"Miss Aco—-"


*tok tok tok*


Naputol ang pagtawag niya ng may kumatok sa pinto. Naglakad ito papunta sa pinto at binuksan yun para bumungad ang ngiting ngiting si Miss Lee.


Mistakenly FreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon