XXVIII- Seaside

4.9K 215 378
                                    

Naghintay ako ng ilan pang segundo pero ni isang salita ay wala itong naging sagot. Sa halip ay nakayuko lamang siya at hindi parin tinatanggal ang kamay sa manibela.

Nang mapansin ko ang isa niyang kamay na handa na para paandarin ulit ang sasakyan ay marahas kong hinila ito sa kwelyo hanggang mailabas ang ulo niya sa bintana.

"Urghh..." daing nito.

Binalak kong tanggalin ang sumbrero gamit ang isa ko pang kamay pero hindi pa man ay mabilis nitong napigilan at hinawakan ng mahigpit ang pulsuhan ko. Pero tila mas malakas ako dahil ng mabilis kong iikot ang kamay ko ay natanggal agad ang pagkakahawak niya. Ginamit ko iyon para mabilis na tapikin ang sumbrero paalis at sabunutan ito patingala. Itinagilid ko ng bahagya ang ulo at walang emosyong pinagmasdan ang kabuoan ng mukha nito.


"¿Quien te envio? (Who sent you?")" Tanong ko.


Bahagyang kumunot ang noo nito kaya napagtanto kong hindi niya naintindihan. Hindi na ako umimik pa at itinulak ulit ito papasok saka ko binuksan ng buo ang pinto at sapilitan siyang ibinaba. Hindi naman ganun kalakas ang pagkakahila at salya ko pero napasalampak ito sa daan. Agad akong lumapit at bago man niya maihagis ang buhangin sa akin ay nasipa ko na ito sa mukha. Tsk. Lumang tactic.


"Mierda." Natigilan ako dahil sa boses nito at idagdag pang yun ang madalas kong sabihin.


Ginamit nito ang panandaliang pagkatigil ko para itukod ang kamay sa lupa at sipain ako sa tagiliran. Hindi ko na yun nailagan kaya napaatras ako at dumaing ng kaunti. Mierda.


"Putangina. Lahat nalang ba ay alam mo?" Tanong nito habang nagpupunas ng mukha.


Binasa ko ang ibabang labi at saglit na hinawakan ang tagiliran ko. Ngumisi ito ng parang nagmamalaki kaya napangiwi ako at pinagpag ang damit ko. Buti nalang may jacket. Sa ilalim pa naman ay damit na bigay ng binibini ko.

May talento ata ako sa pamimikon kahit hindi ko intensyon dahil ang ngisi ay napalitan ng matigas at galit nitong ekspresyon. Lumapit ito sa akin at mabilis akong binigyan ng round house kick sa mukha. Sinangga ko yun gamit ang kaliwang braso. Napaatras ako sa lakas hanggang sa mapasandal ako sa sasakyan nito. Hindi man lang ako hinayaang makabawi at nag simulang paulanan ng suntok. Tanging pagsangga lang ang nagawa ko. Pwersahan ako nitong hinila sa braso at inilayo sa kotse. Mierda.

Binuksan nito ang pinto pero bago pa man siya makasakay ay sinipa ko na agad sa likod na ikinasubsob niya sa pinto. Dumaing ito pero hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at hinila ito sa kwelyo. Umamba ito ng tuhod pero siniko ko yun pababa at binigyan ng malakas na suntok sa mukha. Sinara ko muna ang pinto bago siya sipain sa tiyan ng maraming beses.

"Ughhh" Umubo ubo pa siya at itinukod ang kalawang siko para tulungang makabangon ang sarili.

Pinanood ko lang itong maghirap tumayo pero masyadong matagal at naiinip na ako. Ipinasok ang isang kamay sa bulsa at yumuko para magkapantay kami. Hinila ko ng mahigpit ang buhok niya at iniharap sa akin. Kahit pa puno ng dugo ang labi nito maski ang lupang kinalalagyan ay matapang at matigas pa rin ang ekspresyon ng mukha.


"Kakasuhan kita!" Sigaw nito. Ilang segundo pa bago nag sinked in sa utak ko kaya tinignan ko ito ng nagtataka. "Nagmamaneho lang ako pero ang lakas ng loob mong mang abang. Bagong modus niyo ba 'to?"


Ngumisi pa ito na unti-unti ring nabura ng hindi magkaroon ng kahit anong espresyon ang mukha ko. Kung lingid sa kaalaman ko ang pagsunod nito sa amin 'pag labas pa lamang ng Unibersidad ay magdadalawang isip pa ako kung tama ba 'tong ginagawa ko. Akala ko nung una ay nagkataon lang talagang kahit saan kami dumaan at magpunta ay naroon ang sasakyan nito pero ang simpleng kutob ay hindi ko pwedeng balewalain. Maski kasi ang suot niya ay parang sa cliché na palabas. Lahat ay kulay itim. Sinong hindi makakapansin? Tsk.


Mistakenly FreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon