XXVI- Sports Fest

4.8K 242 601
                                    

"Ayoko nga. Mag mo motor ako para metchy metchy kami ni Sais!" Pabalyang tinanggal pa niya ang kamay ng dalawa sa parehong braso.

Sumandal nalang ako kay Sixto at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib at pinanood silang tatlo. Kanina pa kami dapat nakaalis kaso ay ayaw ni Enzo gumamit ng kotse kaya walang masakyan ang dalawa.


"Jusko naman. Sige, mag motor nalang tayo." Mukhang nauubusang sabi ni brylle. Tumingin ito sa akin na ikinataas ng kilay ko. "Wala, doon ka sumakay kay Sais. Dito ako sa tukmol na to."


Akmang lalapit sa akin si Zero pero umiling ako. Nagkibit balikat lang siya at balak hilahin ang helmet pero nailayo ko na. Padabog na nagpapadyak siya ng dalawang beses na ikinangisi ko lang.


"Tanginang mag pinsan na to. Mga be, nagkakaintindihan ba kayo? Jusko ang tamad magsalita ha." Singit ni brylle.


Hindi na ako sumagot at umayos ng tayo. Isusuot ko na sana yung helmet ng may pumigil sa braso ko. Umiling iling pa ito at nagpa padyak pero pinalungkot ko ang mukha at dahan dahang tinanggal yun.


"HAHAHAHAHHAHAA gago ang dramatic niyo. Hayop na mga to." Humagalpak pa ng tawa si Enzo at naghanap ng ibabato sa amin.


"Yan ang trippings. Walang words." Pa iling na sabi ni Brylle.


Hindi ko na sinakyan pa ang trip ni Zero at nag suot na ng helmet. Tinanggal ko na sa pagkaka stand si Sixto at magmamaneho na sana paalis kaso ay humarang ito sa daan.


"Selfish prick. I don't have anything else to ride on." Lumingon pa ito sa motor ni Enzo sa likod.


"I'm going to pick up my girlfriend." Tumaas ang kilay niya pero wala naman akong paki alam. Nag pump ako ng isa para unalis kaso ang lintek ay namewang lang. "Move."


"Ay wow. Forda girlfriend ang ferson." Singit ni bryll at ngumisi pang tinabihan si Zero.


"Ehem. Sebastienne Six, kanino ka lang?" Pinatigas niya pa ang boses at humarap kay zero.

"Kay Mameh Reese lang." maarteng sagot ng isa.

"Anong pangalan ko?" Singit ni Enzo.


"Reese pi ughh." Pinagdikit pa niya ang parehong hintuturo sa tapat ng dibdib. Mierda.


Pinaikot ko nalang ang mata at pinihit ang grip. Mabilis namang gumilid ang dalawa para hindi masagasaan. Hahampasin pa nga sana ako ni bryll ng bag niyang pang lola kung hindi lang ako nakalayo na. Lalakas mang asar pukingina.


Narinig ko pa silang sumigaw pero hindi na ako huminto. Nagmaneho nalang ako ng mabilis papunta sa subdivision ng binibini ko. Naiiyak na natatawa ako kapag pumapasok sa isip kong naka-uwi na talaga ang dalawa pa. Kumpleto na kami at wala ng hinihintay pa. Buhay ko nalang ang bawas. Mierda.


Pagkarating ko sa tapat ay in-stand ko muna si Sixto at nagtanggal ng helmet. Pinagpag ko muna ang damit ko kahit wala namang dumi bago i type bago susi-an ang gate. Sinara ko yun ulit at ang front-door naman ang binuksan. May susi ako bawat pinto ng bahay. Di niyo kaya.


"Hon, you're early." Mukhang nagulat pa siya pero lumapit din at humalik sa pisngi ko.

Niyakap ko siya sa bewang at lumingon sa relo ko. Mag a-alas nuebe na. Alas otso sakto ay dapat nasa school na kami. Gayunpaman ay hindi na ako nagsalita at binigyan siya ng magaang halik sa labi.


Mistakenly FreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon