XXIX- Captain SSA

5.1K 196 373
                                    

Nang makauwi ako ay walang senyales ng mga pakakalat kalat na tao sa sala. Si Enzo kasi ay pinatawag sa mansion nila habang ang dalawa pa ay wala akong ideya kung nasaan. Hindi ko nalang binuksan pa ang mga ilaw at umakyat na sa hagdan. Papasok na sana ako sa kwarto ng mapansin kong bukas ang ilaw sa kwarto ni Zero.

Lumakad ako papalapit at binuksan ng buo ang nakaawang niyang pinto. Gumalaw ang mata niya patingin sa akin at binalik din agad sa kausap sa laptop. Palagay ko ay nasa klase siya kaya tahimik akong naglakad at umupo sa kama.


"Las ranas son muy comunes aquí. Creo que no sería un problema para mí adquirir uno. (Frogs are very common here. I think it would not be a problem for me to acquire one.)"


Nilibot ko ang paningin para pagmasdan ang kwarto niya. Kahit sinong pumasok ay makikita agad ang pagiging artistic nito dahil sa mga paintings na nakasabit sa pader na siya mismo ang nagpinta. Nagpalakad lakad ako hanggang sa mahinto sa sariling  bookshelves na puno ng mga libro. Sa pinakataas ay nakahilera ang iba't ibang klase ng rubik's cube at puzzles. Zero is a genius; a total gifted. Hindi nga lang para sa kanya.


Lumingon ako dito at palagay ko ay pinanonood niya rin kanina pa ang mga galaw ko. Itinango nito ang ulo kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at humiram ng isang Megaminx at polyhydron cube.


Umupo ako sa sofa at nakadekwatrong sumandal. Ginulo ko ang dalawa at pagkatapos ay sinimulang iayos ulit. Kumunot ang noo ko dahil natapos kaagad. Ginulo ko ulit ng maigi at hindi gaya kanina ay sinabay ko na sa magkabilang kamay.

Kalagitnaan ay bigla namang umugong ang mahinang tawa ni Zero dahilan para lingunin ko siya.


"Perdón. Me distraje. (Sorry. I got distracted.)" Paumanhin nito sa kausap.


Tinagilid ko ng bahagya ang ulo at pinagmasdan siya. Halatang nagpipigil ang tawa nito na mukhang hindi na nakatiis. Tinuro niya yung nasa kamay ko at sinenyasan akong maglaro nalang. Ganun nalang ang ginawa ko hanggang sa matapos siya.

Binaba lang nito ang mga gamit at nagtungo sa bookshelves niya.

"Si esos dos son demasiado fáciles para ti, entonces deberías haber elegido este. (If those two are too easy for you, then you should have picked this one.)" Sabi niya at ihinagis sa akin ang Pentamix na sinalo ko naman.


Pinagmasdan ko lang yun at inihagis hagis sa ere. Nang magsawa ako ay tumayo na at ibinalik ang mga kinuha ko sa dating pwesto. Sinigurado kong nasa dating ayos ang mga ito bago sumampa ulit sa kama para tabihan siya. Umipod naman siya lalo patabi sa akin at sumandal sa balikat ko.


"Why are you here? I thought you'll not be home tonight because you're gonna get laid." Ngising sabi nito na ikinangiwi ko.


"Please, 'wag mo 'kong igaya saiyo, Sabrina Eris." Agad na lumukot ang mukha niya na pinagkibit balikat ko lang.


"Actually, I wanna ask you about something." Umayos siya ng upo at hinintay ang sasabihin ko. "Remember when you first saw my Girlfriend? You acted like how you did the first time you saw me." Hindi naman ito umimik kaya inabot ko yung sketchpad niya at ipinatong sa legs niya. "You said something like you had thoughts before na she was the love of your life..... And that night, I didn't know if it's because I was just drunk or you do really have a sketch of my woman in there."


Wala naman siyang naging reaksyon at nakipagtagisan ng tingin sa akin na sinagot ko lang din ng walang kahit anong emosyon. Sa huli ay siya rin ang sumuko at binuklat isa yung pahina ng sketch pad niya. Doon ko lang din napansin na iba't ibang klase yun at tila nasa ibang panahon. Nagdaan pa ang ilang guhit ng babaeng walang mukha hanggang sa makarating sa sketch ng sarili ko.


Mistakenly FreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon