XXX- Exordium

10.9K 301 576
                                    

"No. You should now better! Alam mo ng may nobya, kine-kerengkeng mo? Asan ang utak mo?"


"Alam mo na namang ikaw ang girlfriend at inuuwian, wagas ka pa rin makapambintang? Nasaan ang tiwala mo?" Sigaw nito kaya napangiwi ako.


"Ang tigas ng mukha mo. Pinayagan lang kitang mapalapit, e' sinobrahan mo na? Saan kaba galing na planeta? Simpleng distansya hindi mo magawa?" Hindi na maalis ang ngiwi ko ng magbalak ulit magsalita ang isa.


"I just wanna remind you that before you came into the story, I was here first. I witness everything. How pathetic you are to say all these to---"

*PAAAAAAK*


"ANDDDDD CUT!!!!" Napangiwi ako ng matapos bigyan ng mukhang tunay at malakas na sampal ng bida ang kaaway niya ay saka lang inihinto ang roleplay.

Sakit ng pisngi para sa grades.

Buong klase ng UTS ngayon ay tanging roleplay lang ang ginagawa. Ipinatong ko nalang ang kamay sa armrest at lumingon sa labas ng bintana. Sinimulan ko ng bilangin ang mga dahong nahuhulog sa ibaba at paminsan-minsang nagtatakip ng tainga dahil sa taas ng boses ng nasa unahan. Lumingon ako sa likod para silipin si Enzo pero mukhang mahimbing ang tulog niya dahil nakanganga pa.

Sarap buhay, porque ang role ay taga Good morning and Thank You lang.


"Seb!" Kinalabit pa ako nito sa braso at inginuso ang nasa unahan at si Enzo.

Hindi nalang ako umimik at tumagilid ng upo para sipain ang upuan ng nasa likod. Nagising naman agad siya at mabilis na tumayo.


"That's all. Thank you, Sir! We are the group 4!" Mukhang kinabisa pa nito ang kakaunting sasabihin dahil namumula ang matang mabilis na bigkas niya. Hayop na participation 'yan.


Wala namang angal ang mga ka grupo niya at masayang nag bow pa. Nang umugong ang palakpak at papuri galing sa mga tao sa loob at pati kay Sir ay bahagyang napangiwi ulit ako.


"What a wonderful performance group 4! From the beginning to the end, every scene was intense and entrancing." Papuri nito na halata ang pagkawili sa mukha. Psych profs really are something.


"Class dismissed." 'Yun lang ang sinabi nito at lumabas na.


Nagsitayuan na rin ang mga kasama pa namin at nauna ng makipagsiksikan lumabas. Hinintay ko munang maubos bago isukbit ang bag sa balikat at lumabas na rin kasabay ng nagpupunas-punas pa ng bibig na si Lorenzo.


"Nakakapagod mag aral. I demand an academic freeze." Tila pagod at stress na sabi niya.

"Wala ka namang ginawa kundi magpabuhat sa grupo natin." Sagot ko.

"Ulul. Tanginamo, naghila ka lang ng kurtina kanina bago magsimula akala mo eh ang dami mo ng ginawa." Sarkastikong rebat niya at tinulak pa ako pagilid. Lintek.

Hindi na ako sumagot at pinaikot nalang ang mata. Isinampay naman nito ang braso sa balikat ko at dinagdagan ang problemang pasan-pasan ng balikat ko.


"Gutom ako. Tara sa cafe—-Araaay! Anak ng lintek!" biglang pagdaing nito at humarap sa likod. "Ano ba, ate? May regla nanaman ba yang utak mo? Inang 'to." Singhal nito kay ate chanel matapos siyang matamaan ng lata ng coke sa ulo.


"Where do you think you're going? Lolo has been calling you since last night! I know I've already told you countless times that we have an important meeting today." Mataray at nakapamewang nitong sabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mistakenly FreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon