PROLOGUE

105 4 0
                                    


PROLOGUE

DAX' POV

Mahirap ang buhay.

Marami namang tao sa mundo pero bakit kailangang isa ako sa parurusahan ng Diyos na magkaroon ng ganito kahirap na buhay?

"Hoy, Allen! Aba! Kukupad-kupad ka‽" sigaw ng magaling kong ate. Panigurado eh nakabihis na 'yun ng pamasok at nakapagluto na rin ng agahan, ako na lang talaga ang kulang.

Napabuga na lang ako ng hangin saka walang ganang lumabas ng kwarto. Walang kailangang buksan at isara na pinto. Hawi-hawi lang ng kurtina.

Bumungad naman sa akin ang nakataas ang dalawang kilay habang nakapameywang na ate ko. "Aba! Ba't nakapantulog ka pa rin? Ha‽ Male-late na tayo, Allen!"

Halatang gigil na si Ate pero wala talaga akong gana. "Ate, pwede bang bukas na lang ako pumasok?"

Mas lalo pang umangat ang nakataas niyang kilay. "At bakit?" Buti na lang at mas huminahon ang pananalita niya.

Akala ko buwanan niya na eh.

Bigla niyang idinikit ang likod ng kamay niya sa noo ko. "Hindi ka naman mainit ah. Ba't ayaw mong pumasok?"

Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya saka sumagot. "Medyo masakit kasi yung katawan ko, 'Te."

Narinig ko siyang bumuga ng hangin kaya ako napalingon sa kaniya. Napailing naman siya saka tumalikod. "Oh s'ya sige. Magpahinga ka na muna. Nakahain na ang almusal. Dito ka lang at pagkauwi ko, may dala na akong gamot, ha?"

Tumango naman ako naman sinusundan siya papuntang kusina. Mas matanda lang ng isang taon sa akin si Ate Alliah pero kinailangan niyang maging ama't ina sa akin dahil maaga kaming iniwan nila Mama at Papa.

"Kapag nagutom ka at 'di mo kayang magluto, mag-text ka na lang kay Aling Marie at mangutang ng ulam, may kanin naman na eh. Babayaran ko na lang pag-uwi ko," wika niya pa habang may tinatype sa telepono niya. Bigla namang tumunog yung akin nang saktong inangat niya ang tingin niya sa akin. "Ayan, napasahan na rin kita ng load."

Huminto muna ako sa pagkain. "Lamats, 'Te."

Napailing na lang siya saka muling napabuntong hininga. "Len, 'wag ka naman kasi masyadong magpagod pagka-uwi mula school. Hinahayaan lang kitang mag-barker kasi sinabi mo naman sa aking kakayanin mo, at dahil medyo kapos na rin tayo. Pero 'wag naman sobra, ha?"

Tumango na lang ako para hindi na humaba ang usapan. Mabait naman talaga si Ate eh. Kasi kung hindi siya mabait edi noon pa lang pareho nang pariwara kaming dalawa.

Seryoso pa ring nakatingin sa akin si Ate. "Mahalaga pa rin ang pag-aaral, Len. Tandaan mo. Kaya lang naman tayo walang binabayaran sa school natin ay dahil sa scholarship. Kaya please lang, i-prioritize mo pa rin ang pag-aaral mo."

Muli akong tumango. "Opo, Ate. Sige na. Kaya ko na ang sarili ko, 'Te. Male-late ka na oh." Sabay turo ko sa lumang orasan namin.

Napailing na lang si Ate saka kinuha ang backpack niya at baunan. "Geh na nga. Basta mag-ingat, Allen ha?"

"Ikaw ang mag-ingat, Ate. Ikaw ang lalabas eh." Inikutan niya lang naman ako ng mga mata kaya 'di ko napigilang mata. "Ingats, Ate!" Kinawayan niya na lang ako saka siya tuluyang lumabas.

Sumunod naman ako para isabit at i-lock ang pinto saka bumalik sa pagkain. Ilang saglit lang ay natapos na ako saka ko hinugasan ang pinagkainan namin ni Ate.

Akmang babalik na ako sa kwarto ko para sana magpahinga katulad ng sinabi ko kay Ate, nang biglang tumunog ang telepono ko. Telepono talaga ni Papa 'to noon. Tapos yung gamit ni Ate eh telepono ni Mama.

Napabuntong hininga na lang ako. Tatlong buwan na rin simula nang mamatay sina Mama at Papa. Alam kong nahihirapan si Ate—hirap na hirap pero hindi niya ipinapakita sa akin kasi... kasi ate siya. Kailangan niya raw maging matatag para sa aming dalawa.

Pareho naman na kaming nasa legal na edad. Si Ate ay twenty-one at nasa ikatlong taon ng kolehiyo dahil accelerated. Ako naman ay twenty at nasa unang taon. Buti na lang lang at pasok naman ang grado namin ni Ate sa scholarship ng Night Sky Academy kaya sobrang laking bawas nun sa gastos namin.

Mga wala na kasing pakealam sa amin ang pamilya ni Papa dahil anak sa labas si Papa ni Lolo kaya galit sa amin ang totoong pamilya ni Lolo. Sa side naman ni Mama ay—wala na sila. Matagal nang yumao si Tatay at Nanay, mga magulang ni Mama. Tapos nag-iisang anak pa siya.

Muling tumunog ang telepono ko na nagpabalik sa aking wisyo. Ilang beses pa akong napakurap bago bumangon at umupo sa kama.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

From: Norman

Pre, ano na? Ayaw mo pa rin bang sumama sa amin? Malaki-laking gimik 'to, pare.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Muli akong napabuntong hininga. Alam na alam ko kasi kung ano ang tinutukoy niya. Isang beses ko lang iyon ginawa at sobrang laki ng pagsisisi ko. Pakiramdam ko ay sobrang laking kasalanan iyon at paniguradong hindi matutuwa sina Mama at Papa kung buhay pa sila.

Tapos si Ate pa. Paniguradong lagot ako kay Ate kahit na ginawa ko 'yun noon para sa amin—para sa kaniya.

Muling tumunog ang telepono ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

From: Norman

Dax, sinasabi ko sa'yo. Malaking tulong ito sa inyo, pre. Mababayaran niyo na rin ang utang niyo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Napabuga naman ako ng hangin. 'Yang utang na 'yan na naman. Tatlong buwan mula nang mamatay sina Mama at Papa sa aksidente, at tatlong buwan na ring hinahabol si Ate ng inutangan nila Papa noon para sa hospital bills ni Mama noon.

Akmang magpapadala na ako kay Norman ng pagtanggi sa alok nila nang bigla akong may marinig na kumakatok sa pinto.

Agad akong tumayo saka maingat na naglakad papunta sa sala, malapit sa pintuan. Laking pasasalamat ko nang mapansing nakasara pa rin ang mga bintana at kurtina, hindi ako nakikita rito sa loob.

"Wala ata riyan yung magkapatid," rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

Tumigil naman ang pagkatok. "Aba lintek naman. Kailan ba nila babayaran 'yun‽ Kapag punong-puno na si Boss?" Napatigil ako sa paghinga nang makilala ko ang boses ng lalakeng iyon saka maintindihan ang pinag-uusapan nila.

"Hayaan mo na. Sa ilog na lang sila mapupunta. Palutang-lutang." Narinig ko pang nagtawanan ang dalawang lalake bago tuluyang nakalayo na.

Saka lang ako nakahinga nang maayos at nagmamadaling bumalik sa kwarto ko kung saan ko naiwan ang telepono ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

To: Norman

Sige. Sasama ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sorry, Ma, Pa.

Sorry, Ate. 

15 What Ifs [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang