FOURTH WHAT IF

39 3 0
                                    


FOURTH WHAT IF

"What if ang taong nagawan mo ng mali ang siyang magpapabago ng takbo ng buhay mo?"

~ Anonymous

~~~

DAX' POV

Nang sabihin ko kay Tita Evelyn ang tungkol sa utang, si Ate lang talaga ang iniisip ko. Kailangang mailayo si Ate sa delikadong mundo, lalo na kung dahil sa utang na 'yan.

Pero hindi ko naman naisip na ganito ang mangyayari. Sinong mag-aakalang nakasakay kami ngayon sa isang magarang sasakyan tapos pa punta kami sa mala-palasyong mansyon ng matalik na kaibigan ni Mama?

"So... In which year are you both now?" rinig kong tanong ni Tita Evelyn.

Nang lingunin ko siya ay nakatingin pala siya't nakangiti sa amin. Ako na ang sumagot. "First year po ako tapos third year na po si Ate."

"And which course?" Nakangiti pa rin ang ginang.

"Psychology po," sabay na sagot namin ni Ate.

Halata naman ang pagkamangha sa mukha ni Tita Evelyn bago umimik. "My Khiena is taking architecture, while my Ericson is—" Bahagyang natigilan ang ginang at biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha niya bago napabuntong hininga.

Nagtaka naman ako sa inasta niya kaya naman balak ko na sanang magtanong nang bigla siyang tumingin sa labas ng bintana at ngumiti saka nag-anunsyong nandito na kami.

Agad akong tumingin sa labas ng bintana saka namangha sa itsura ng bahay—palasyo. Kaya lang ang pagkamangha ko ay agad napalitan ng pagtataka hanggang sa mapalitan na nga iyon ng takot at kaba.

I-Itong mansyong 'to...

"Dax, aren't you gonna come with us inside?" Napabalik ako sa wisyo dahil sa boses ni Tita. Pinilit ko munang pakalmahin ang sarili ko bago ako ngumiti saka tumango at bumaba na rin ng sasakyan.

Hinatid muna kami kanina ni Tita Evelyn sa bahay namin para iwan doon ang groceries at ipasok muna sa ref yung mga karne para hindi masira. Nagpalita na rin kami ng damit ni Ate kesa naman kahiya-hiya kaming mukhang nakapambahay na pupunta sa bahay ni Tita. At isa pa ay hiniling din kasi ni Tita na makita ang tinutuluyan namin ni Ate para raw masigurado niyang ligtas ang kapaligiran at mapapalagay ang isipan niya kung sakaling hindi pumayag si Ate na sa mansyon niya kami pansamantalang manirahan hanggang sa magtapos kami ng kolehiyo.

Habang palapit kami nang palapit sa bahay—este palasyo ay pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko. Para akong malamig na pinagpapawisan at bahagya pang nanginginig ang mga kamay ko. Buti na nga lang at sa likuran ako nakapwesto nila Ate at Tita eh. Kundi baka manghinala si Tita.

"Len." Agad kong hinanap ang boses ni Ate na siyang malayo na pala sa akin. Mukhang natigil ako sa paglalakad dahil sa nerbyos.

Pinilit kong ngumiti saka mabilis na sumunod sa kanila. Nang makarating kami sa engrandeng sala nila ay hindi ko maiwasang mamangha.

Kulay puti ang karamihan ng kagamitan doon. Simula sa sofa set, sa coffee table, sa bookshelves, sa shelf sa ilalim ng TV, at ultimong ang chandelier at picture frames na nakasabit sa pader ay kulay puti. Mangilan-ngilan lang ang makikitang kulay itim. Ang ganda niyang tingnan.

Oo nga at nakarating na ako rito sa bahay—este mansyon na ito pero hindi ko nagawang usisain ang buong kabahayan. Palibhasa ang puntirya ko noon ay pagnanakaw at nakatoka ako sa kwarto ng may-ari ng bahay—Teka nga!

15 What Ifs [COMPLETED]Where stories live. Discover now