THIRTEENTH WHAT IF

36 3 0
                                    


THIRTEENTH WHAT IF

"What if the two of you were really for each other but choose to not listen to the beat of your hearts, instead you choose what's best and for everyone even if it means losing the path you both craved for each other's embrace?"

~ Claire Amancio

~~~

DAX' POV

"Isa." Inaasar ko na lang talaga siya para naman umamin na.

"No."

Ay! Matindi talaga 'to oh. "Dalawa."

"I said no." Bakit ba kasi no?

"Tat—"

"I think I like you romantically!" bigla niyang sigaw.

Dahan-dahan namang nawala ang nagbabalak na ngiting pang-asar ko at napalitan iyon ng dahan-dahang lumalaki na mga mata.

Hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin niya. Hinintay kong bawiin niya't sabihing nant-trip lang siya pero hindi 'yun nangyari.

Naguguluhan at gulat ako sa nangyari pero mas gulat ako sa nararamdaman ko.

Bakit hindi ata ako nabo-bother?

Bakit parang mas natuwa pa ako kaysa sa nandiri?

Bakit ganito ang reaksyon ko?

Lalake siya at lalake rin ako. Hindi ba mali ang magkagusto sa kaparehong kasarian?

Pero bakit kapag tinitingnan ko siya parang hindi naman mali?

Bakit ngayong kasama ko siya at sinabi niyang gusto niya ako eh parang gusto kong magwala sa saya kasi ang sarap sa pakiramdam?

Tiningnan ko siya ulit. Pareho kaming gulat, mukhang hindi niya rin inaasahang sasabihin niya ang bagay na iyon. Mukhang katulad ko ay naguguluhan din siya.

Kung babalikan ko ang nangyari, isang linggo niya akong iniwasan at hindi kinausap, paniguradong gulong-gulo siya noong panahong iyon.

Pero kasi hindi pa rin tama sa mata ng karamihan ang magkagusto sa kapwa lalake.

Paano na lang ang pamilya ni Eric na itinuring na rin akong parte nila?

Paano na lang ang pagtrato at pagtingin sa akin ni Tita Evelyn?

Baka magalit siya at hindi lang sa akin, kung hindi kay Eric. Ang ipinakiusap niya lang sa akin ay kaibiganin ang anak niya at hindi umabot sa ganito.

Paano na lang kung mag-iba ang trato niya kay Eric kapag nalaman niya ang tungkol dito?

Npabalik ako sa wisyo saka tiningnan si Eric. Alam kong ito ang unang beses na titingnan ko siya nang malamig pero wala akong choice.

Hindi pwede itong nararamdaman niya. Hindi pwede itong nararamdaman ko. Kaya habang maaari, habang pinagdududahan pa rin naman niya ang nararamdaman niya, dapat ay lumayo na ako.

Tama. Hindi na dapat akong magpakita pa. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto saka walang lingon-lingong lumabas ng mansyon nila.

Hindi ko malaman kung pano ako nakasakay ng jeep, ng tricycle, kung paano ako nakapaagbayad ng pamasahe, basta nakita ko na lang ang sarili kong nakatayo sa tapat ng bahay namin ni Ate. Saka lang ako napalingon sa pinanggalingan ko at nainis sa sarili ko.

Nangako ako sa kaniya. Nangako akong nasa tabi niya lang ako. Na hindi ko siya iiwan. Na hindi na ulit siya magiging mag-isa, pero itong ginawa ko? Itong pagtalikod ko't walang sinabing kahit ano?

15 What Ifs [COMPLETED]Where stories live. Discover now