EPILOGUE

61 4 0
                                    


EPILOGUE

DAX' POV

Mahirap ang buhay.

Pero bibigyan at bibigyan ka naman ng rason ng Diyos para patuloy pa rin na lumaban. Nandyan ang pamilya, ang mga kaibigan, ang mga taong mahal ka, at ang mga taong mahal mo.

Bibigyan at bibigyan ka ng Diyos ng rason para lumaban pa rin sa hirap. Depende na nga lang sayo kung tatanggapin mo 'yun o hindi.

Kasi ako? Pinili kong lumaban. Worth it silang ipaglaban eh.

Nandyan si Ate kong hindi ako sinukuan at patuloy pa ring lumalaban para sa amin magkapatid. May pagkamataray nga lang pero damang-dama ko naman ang pag-aalaga at pagmamahal niya sa akin. At ngayon, hindi na lang ako ang inaalagaan at minamahal niya, kundi pati ang girlfriend niya.

Nandyan na rin ngayon ang pamilyang Klein. Si Khiena na nagin kaibigan ko na rin at parang kapatid. Madalas niya akong tulungan pagdating sa artworks na project sa school, at sa totoo lang ay ang laking tulong niya. Kaya nga nagsisimula na akong maniwala sa practice makes perfect eh. Curious na nga lang ako sa love life niya. Kinwentuhan kasi ako nun na may crush siya sa babaeng kaklase ko, kaya lang lately ay naguguluhan na siya dahil nagkakaroon na rin siya ng feelings sa boy bestfriend niya. Gulo talaga ng mundo.

Si Tita Evelyn naman ay mas lalong naging nanay-nanayan namin ni Ate. Lagi siyang nandyan para i-provide ang kailangan namin, bagay man o kausap. Siya rin ang tumulong na magkaroon kami ng simpleng sari-sari store ni Ate. Maganda naman ang takbo ng mini business namin ngayon at hindi na kinakailangan ni Ateng bumyahe nang bumyahe lalo pa't fourth year na siya.

Tapos si Eric. Ang napaka-busy kong kayamanan. Sunod-sunod ang meetings niya dahil sa paglaki ng business lalo nila. At noong nakaraan lang ay na-feature pa siya sa isang business magazine bilang youngest billionaire and entrepreneur. Mas dumami pa tuloy ang taga-hanga niya. At hindi man sa pag-aano pero mas natakot ako't kinabahan.

Walong buwan na kasi ang nakalipas at nakakalakad na ulit si Eric. Kaya naman di hamak na mas naging busy siya at nakakalipad na siya sa ibang bansa para sa mga business meeting meeting o convention na iyon. Ibig sabihin, mas maraming tao na siyang nakikilala.

Hindi pa rin kami dahil kapapasok ko lang sa second-year, ang usapan ay pagkatapos pa nitong pangalawang taon. Kaya ewan pero seryosong kinabahan ako sa magiging desisyon sa dulo.

Hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kaniya, sa totoo langg ay mas lumalim pa ito. Alam kong hindi na lang basta pagkagusto ang nararamdaman ko sa kaniya pero nang dahil sa daming ganap sa buhay ay natatakot na akong sabihin sa kaniya ang tungkol sa bagay na iyon — ang tungkol sa dalawang salitang iyon.

May mga gabi tuloy akong hindi ganoon makatulog dahil sa kaiisip. Kung noon ay minsan na lang kaming mag-usap, ngayon ay mas madalang na lalo. Halos blang na lang sa isang buwan ang magkausap ko siya. Halos sa TV at internet ko na lang din siya nakikita. Kaya naman nitong mga nakaraang buwan ay hindi na lang din ako pumupunta sa mansyon nila.

Napabuga naman ako ng hangin saka pinatay ang TV. Wala na akong iba pang mapanood — o siguro ay wala na talaga ako sa mood na manood.

Bukas na ang death anniversary nila Mama at Papa. Plano namin ni Ate na bisitahin sila. Ang nakakatawa roon ay mas nauna pang ipakilala ni Ate ang girlfriend niya kela Mama, kesa sa ipakilala ko si Eric. Palibhasa mass may oras sina Ate at ang girlfriend niya. Muli akong napabuntong hininga saka pumasok na lamang sa kwarto.

Nakasara ang sari-sari store namin dahil wala si Ate, nasa school, at tinatamad naman ako. Parang gusto ko na lang humilata at makipagtitigan sa kisame. Tamad na tamad talaga akong kumilos. Buti na nga lang at hindi pa ako tinatamad mag-aral eh.

15 What Ifs [COMPLETED]Where stories live. Discover now