TWELFTH WHAT IF

33 3 0
                                    


TWELFTH WHAT IF

"What if iiwan niya rin ako kagaya ng ginawa noon sa akin na diko akalaing mangyayari rin ngayon?"

~ Stephanie Repe Yaco

~~~

DAX' POV

Pagkatapos noong hapon na naligo kaming dalawa sa ulan ay hindi na ulit ako kinausap ni Eric. Noong una ay iniisip ko lang na balik na naman siya sa dati kung kelan nagkukuwari na naman siyang hangin ako, pero hindi eh. Mas malala, pansin ko. Kasi ngayon, kulang na lang ay magkulong siya sa loob ng kwarto niya para lang hindi ako makita eh.

Napabuga na lang ako ng hangin saka tumambay sa library ng mansyon nila Tita. Dito na lang muna ako para i-busy ang sarili ko sa mga assignment ko habang nagpapaka-ninja si Eric sa akin.

"Oh. That's a miracle. Parang ngayon lang ata kita nakitang not with my Kuya ah," pang-aasar ni Khiena pagkapasok niya rin sa library.

Mukhang gagawa rin siya ng school projects dahil andami niyang bitbit na mga libro. Napabuntong hininga naman ako. "Iniiwasan ako ng kuya mo. Hindi ko rin alam kung bakit kaya 'wag mo nang tanungin."

Narinig ko naman ang mahina niyang tawa. "Hinawaan ka na ni Kuya ng pagiging rude niya ah. I remember you almost being as silent as a mute when you first enter our home."

Napailing naman ako saka nahawa sa tawa niiya. "Sorry. 'Yung kuya mo kasi. Pinapalabas ang kadadalan ko. Nakakainis din kasi siya minsan eh."

"Minsan?" Mahina ulit siyang natawa. "You can say palagi. But he's a great kuya. He cares about me and asks if I'm okay, especially if I came home from school looking like a zombie. Hindi rin niya nakakalimutan when it's my exam day, he would always want to celebrate it. Sabi niya I deserve it since he knew that I did my best."

Hindi ko naman napigilang mapangiti. 'Yun din kasi ang nasa isip ko. Mukha lang talagang masama—o mataray talagang umasta si Eric pero mabait naman talaga siya.

Kaya nga hindi ko maintindihan kung anong nangyari.

"Khie, alam mo bang naligo kami sa ulan ng kuya mo nung isang araw?" Pagkuha ko ng atensyon niya. Nakaupo na siya ngayon sa upuan sa tapat ko dahil katatapos niya lang ulit kumuha ng mga panibagong libro sa shelves.

Bahagyang nanlaki ang mga singkit niyang mata. "Wait, so it's really true? I thought I was just hearing rumors about it from the maids. Hindi rin naman kasi kayo nagk-kwento ni Kuya so I thought it was just really a made up rumor." Ibinaba niya kaagad ang hawak-hawak at binabasang libro saka interisadong tumingin sa akin. "Start making kwento, come on. I want to know what happened and how you managed to help Kuya overcome his ombrophobia."

Ilang beses akong napakurap. Narinig at nabasa ko na ang tungkol sa ombrophobia, lalo na noong nalaman ko ang kwento ni Eric kay Tita Evelyn. It's the fear of rain at isa sa pinaka-effective na treatment sa ganoon ay exposure theraphy.

Noong una ay hindi talaga kinakaya ni Eric ang kahit tunog ng ulan pero napapansin nila Tita na kahit paunti-unti ay sinusubukan ni Eric na i-expose ang sarili sa ulan. Kaya lang ay nagiging negatibo ang epekto nito sa kaniya, kaya naman nagulat ako nang marinig ko sa kaniyang gugustuhin niya na namang lumabas at maligo sa ulan.

Hindi ko naman alam kung bakit parang mabilis ang pagiging okay niya kahit papaano noong araw na iyon. Siguro ay dahil nag-a-adjust din paunti-unti ang katawan at utak niya, at mas lalo lang nag-loosen up noong isa araw. Pero sobrang saya ko dahil ako ang unang-unang kasama niya noong naging okay siya sa phobia niyang iyon.

15 What Ifs [COMPLETED]Where stories live. Discover now