SEVENTH WHAT IF

36 3 0
                                    


SEVENTH WHAT IF

"What if yong inaarte or inaasal niya, taliwas sa sinisigaw ng kanyang nararamdaman or puso?"

~ Julian Rubio Cirujano

~~~

DAX' POV

Limang araw. Limang araw ko nang sinusubukang pakisamahan ang lalakeng iyon habang pasimpleng iniiwasan ko siya. Mahirap na at baka maalala niya pa ang tungkol sa pagnanakaw namin. Buti na nga lang at magaling na ang sugat kong kasalanan niya eh.

Pero sa loob ng limang araw na iyon ay halata rin namang iniiwasan niya ako. O sadyang iwas lang talaga siya sa mga tao. Kasi kahit sa mga maid ay hindi rin naman ganoon karami ang interaksyon nila eh.

Sa limang araw pagkatapos kong um-oo sa deal na inilatag ni Tita Evelyn ay bahay, univ, at mansyon ang laging eksena ko. Pagpatak ng alas-otso ng gabi ay uuwi na ako sa amin, inihahatid naman ako ng driver nila Tita. Hindi pa rin kasi pumayag si Ate na lumipat kami kela Tita Evelyn eh, pero pagdating naman sa utang ay bayad na bayad na kami. 'Yung twenty thousand na nakuha ko noon sa operasyon namin noon ay hindi na rin ginamit sa utang dahil buong-buong binayaran iyon ni Tita.

Maliban doon ay mukhang hindi naman na namin pa-problemahin ni Ate ang pagpasok sa univ nang pagod. Kadalasan kasi noon ay nilalakad lang namin iyon lalo na kung kakapusin kami sa budget. Pero ngayon ay mukhang magiging masaya ang pagpasok namin sa univ, kahit na sa part time job ni Ate. Hindi na naman kasi pumayag si Ate na ihatid sundo kami ng isa sa mga driver ni Tita, gamit ang isa sa mga kotse nila, pero pumayag si Ate sa bisikletang ibinigay ni Tita.

Sa totoo lang ay mas natuwa pa nga ako sa bisikleta kaysa sa isipin na inihahatid-sundo kami ng mukhang pang mayaman. Nakakailang kaya 'yung ganoon.

Ay speaking of mayaman na hatid-sundo, nakikita ko na rin madalas si Khiena sa parking lot ng univ tuwing papasok ako. Kapag naman uuwi na ay sabay kami pero hindi pa ganoong nakakapag-usap. Dahil nga sa usapan namin ni Tita Evelyn ay kada matatapos ang klase ko ay didiretso ako sa mansyon nila para kausapin at simulan ang pakikipagkaibigan kay Ericson—which is, hindi talaga madali at all.

So ito na nga at nasa mansyon na naman ako. Nasa loob ako ng recreational room nila at naglalaro ng Tekken mag-isa. Niyaya ko kasi kanina si Ericson pero hindi naman ako pinansin. Parang hindi niya ako nakikita madalas kung umasta siya, pero minsan naman ay sinasamaan niya na lang ako ng tingin lalo na kapag pinipilit ko siya, katulad kahapon. Binibigyan ko siya ng cookies pero hindi naman tinanggap, pilit kong isinusubo sa kaniya iyon kaya lang ang naging resulta ay sinamaan niya ako ng tingin sabay sagi sa tray na hawak ko't may nakapatong na cookies.

Inis na inis din ako sa kaniya nun kaya lang ay inaalala ko na lang ang perang kapalit ng pagiging mabait ko sa lalakeng iyon. Alam kong medyo hindi kagandahan ang motibasyon ko para pakisamahan ang lalakeng iyon pero kasi nagiging praktikal lang naman ako. Ayaw niya sa akin, ayaw ko rin naman talaga sa sa kaniya. Kaya kung wala lang talaga ang kapalit na iyon para sa kinabukasan namin ni Ate ay hinding-hindi ko gagawin ito.

May bigla namang kumatok sa pinto ng recreational room kaya pinause ko muna ang laro saka tumayo at binuksan ang pinto. "Sir Dax, pinapatawag po kayo ni Sir Eric sa kwarto niya po," ani ng isa sa mga maid nila.

Ngumiti naman ako saka tumango. "Sige po. Salamat po."

Bahagya lang siyang yumuko saka tuluyan nang umalis. Binalikan ko naman ang laro ko para patayin na iyon nang tuluyan bago lumabas ng kwarto at tinahak ang kwarto ng lalakeng mas malala pa ang ugali kaysa kay Ate tuwing time of the month niya.

15 What Ifs [COMPLETED]Where stories live. Discover now