FIFTEENTH WHAT IF

37 1 0
                                    


FIFTEENTH WHAT IF

"What if... ikaw ang ini-imagine niya na kasama sa future?"

~ Elaine Dominique Nase

~~~

DAX' POV

"DAX,, may reviewer ka ba sa Arts Appre?" rinig kong tanong ni Adessa, isa sa mga kaklase ko. Lumapit pa siya saka umupo sa upuan sa tapat ko.

Tumango naman ako habang kinakabisa ang mga term sa Arts Appreciation. Kinapa ko sa badd ko ang folder ko roon nang hindi inaalis ang tingin sa reviewer ko saka inabot iyon kay Adessa. "Hanapin mo na lang 'yung sa Arts."

Pansin ko namang ngumiti siya saka tumango. "Maraming salamat!" Ilang saglit lang ay mukhang nakita na niya kaya ibinalik na ang folder ko. "Babalik ko mamaya. Salamat ulit."

Tinanguan ko lang naman siya. Ang atensyon ko ay nananatiling nasa ni-re-review ko nang hindi ko mapansing pumasok na pala ang prof namin.

"Alright, class. Magiging hati ang Midterms niyo. Twenty percent written exam, and twenty percent activity. I have already mentioned this at the start of our semester so I hope that you will do your best to pass this midterm."

Napabuga na lang ako ng hangin saka inihanda ang sarili ko. Matapos niyang magsalita ay ipinapasa na niya ang test papers saka kami pinagsimula na.

Halos forty-five minutes rin ang inabot ng exams na iyon, bago kinolekta ng prof namin ang mga papel saka nagpapasa ulit ng panibago. Mabilis ko namang inilabas ang art materials na binili pa ni Tita Evelyn sa ibang bansa.

Nang saktong ilagay ko ang box ng oil pastels sa lamesa ko ay otomatiko akong kumalma at napangiti. May nalagay kasi roon na kulay berdeng sticky note.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

D,

Good luck with your exams. I know you'll do well. Looking forward to seeing you again.

~ E

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pakiramdam ko ay may nagwawala sa kaloob-looban ko dahil sa simpleng note na iyon. Simple pero ang lakas ng epekto sa akin.

Hindi tuloy katulad kanina na kabado ako at seryoso ang mukha habang nag-e-exam, nakangiti na ako at magaan ang pakiramdam habang nag-d-drawing.

Dalawang buwan na rin ang nakaraan simula nang makipag-usap ako nang seryosohan kla Tita Evelyn at Khiena tungkol sa intensyon ko kay Eric. Dalawang buwan na rin simula nang magsimula kaming mag-date tuwing matatapos ang klase ko.

Halos isang buwan naman na simula nang magsimula si Eric na mag-take ng therapy niya para makalakad na ulit. At halos isang buwan na rin simula nang hawakan ni Eric ang family business nila.

Katulad ng ninais ko noon ay nakita ko ang dahan-dahang proseso ng pagtanggap ni Eric sa sarili niya. Ang dahan-dahang pagmamahal sa sarili niya.

Hindi na niya sinisisi ang sarili niya sa pagkamatay ng Dad niya at ipinaalam ng Mom niya kung gaano kagusto ng dad nila na siya ang mamuno ng Klein Enterprises. Paniguradong proud na proud si Tito Kirk sa achievements ni nakukuha at developments na nangyayari kay Eric.

Kahit naman ako ay proud na proud sa kaniya. Nakita ko ang pinakamahinang state ni Eric hanggang sa dahan-dahan siyang maging malakas. At gusto ko na sana hanggang sa pinakamalakas niyang state ay nandoon ako sa tabi niya.

15 What Ifs [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant