TENTH WHAT IF

26 2 0
                                    


TENTH WHAT IF

"What if your whole system stopped functioning properly just because of a single laugh?"

~ Anonymous

~~~

DAX' POV

"Nababaliw ka na." Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya. Minsan na nga lang mag-Tagalog, ganyan pa kasama ang mga sinasabi.

"Gusto ko lang naman na seryoso at opisyal na makipag-kaibigan sa 'yo. Like start over. Hindi ba mas okay 'yun? Sasabihan ko rin si Tita na 'wag na akong bayaran ng kung ano konektado sa pakikipagkaibigan sa 'yo kasi this time, gusto ko na at hindi na labag sa loob ko." Muli kong inangat ang kamay kong kanina pa medyo nangangalay sa tapat niya. "Kaya tanggapin mo na lang. Kung hindi edi mas dodoble ang kaingayan ko, gusto mo ba 'yu—"

Bigla naman niyang tinanggap ang kamay ko at nakipagkamay nang saglit bago mabilis na binitawan din iyon. "Whatever. Just don't annoy me again."

Ngumisi naman ako. "Mababawasan lang nang kaunti pero hindi mawawala 'yun, 'no," pang-aasar ko. Inismiran niya lang naman ako at kahit papaano ay kumalma na ang loob-looban ko. "So magkaibigan na tayo?" Nakita kong inikot niya ang mga mata niya na ikinangiti ko. "Pero seryoso, ayos lang kung may galit ka pa sa akin tungkol sa relo at pagnanakaw—"

"Just let it be. I don't care about the money. Ibinalik mo na rin naman ang relo ko. I just hope that you won't do it again. I'm pretty sure Mom will take good care of you and your sister anyway." Habang sinasabi niya iyon ay nakatingin lang siya sa hardin at hindi sa akin, pero sobrang laking bagay na noon.

Ilang beses tuloy akong napatango. "Hinding-hindi na. Kung gusto niyo ay pagta-trabahuan ko ang mga nanakaw ko—"

"Forget it. Don't mention it again." Tumango na lang ako saka nanatiling nakangiti habang nakatingin sa kaniya.

Hinding-hindi ko pagsisisihang nakilala ko ulit siya, kasi katulad ng sinabi ko kanina, nagkukunwari lang talaga siyang masama at mataray dahil parang defense mechanism niya iyon pero ang totoo ay mabait naman talaga siyang tao.

Hinding-hindi ko pagsisisihang nakipagkaibigan ako sa kaniya, sana lang ay maging maayos at nararapat akong kaibigan. Katulad din kasi ng sinabi ko kanina ay gusto kong makita ang magiging proseso ng pagbabago niya at pagtanggap sa sarili niya. Alam kong magiging maganda iyon.

"HOY, Dax Allen Acenas! Anong kalokohan 'yan, ha?" nakapameywang na naman na tanong sa akin ni Ate nang saktong makauwi siya mula sa Saturday class niya at nadatnan niya ako sa sala.

Napakamot naman ako ng batok ko at hindi ko mapigilang hindi mahiya sa suot ko. Agad akong tumalikod kahit alam kong nakita naman na niya. "K-Kasi Ate—"

Hinatak niya ako paharap sa kaniya at kitang-kita ang pagkakunot ng noo niya. Nagulat naman ako nang ayusin niya ang butones ng polo shirt na suot ko pati na ang collar. "Magsusuot na lang ng damit hindi pa maayos-ayos. Ano ka? Bata?"

Ako naman ngayon ang naguguluhan. Akala ko pa naman eh 'yung mismong disenyo ng damit na suot ko ang punterya niya. "Hindi mo man lang ako tatanungin kung bakit ganito ang suot ko, Ate?"

Medyo tumagilid naman ang ulo niya saka lumayo para tingnan nang buo ang itsura ko. "Bakit naman? Malay ko kung fan ka na pala ni Mickey Mouse. Matanda ka naman na, kaya mo na 'yan. Kahit mag-Minnie Mouse ka pa o Donald Duck, pake ko naman?"

Mahina naman akong natawa saka nag-pose pa. "Ano, Ate? Pogi ba?"

Naging blangko naman ang tingin niya sa akin. "Seryoso ka na riyan? Nasisiraan ka na ba? Aba't teka nga... May nililigawan ka na ba?"

Ako naman ang natigilan saka mabilis na umiling. "Ha? Ako? May liligawan? Wala kaya, Ate! Wala nga akong crush eh."

Pinaningkinitan niya naman ako. "Oh edi bakit pormang-porma ka tapos nagtatanong ka pa kung pogi ka riyan?" Nameywang na naman siya. "At Sabado ngayon, malay ko ba kung may ka-date ka—"

"Wala nga!" Agad akong tumalikod sa kaniya saka tumingin sa salamin. "Pupunta ako kela Eric ngayon. Makikitambay lang ulit. Saka one week na kaya kaming totoong magkaibigan."

"Wow. Happy weeksary," sarkastikong sabi ni Ate habang papasok na sa kwarto niya. Mahina na lang akong natawa saka inayos ang buhok ko. Nakita ko namang lumabas na ulit ng kwarto niya si Ate nang nakapambahay na. "Sabihan mo na lang ako kung may kailangan ka at dito lang ako sa bahay. Gusto ko nang magpahinga bago ang shift ko mamaya."

Tumango naman ako saka humarap sa kaniya. "May gusto kang ulam, Ate? Kela Eric tayo kakain ng hapunan ulit, diba?"

Dumiretso naman siya sa sofa saka roon nahiga. "Kung doon tayo? Oo. Nag-text sa akin kanina si Tita Evelyn. Kung anong gusto kong ulam? Wala rin akong maisip. Kahit ano. Nakikikain lang din naman tayo eh."

Napailing na lang ako saka inabot ang backpack ko. "Noted, Ate." Lumapit ako sa kaniya saka akmang kukunin ang kamay niya para magmano nang agad niyang hilahin iyon. Tumawa lang naman ako nang tumawa. "Joke lang. Alis na ako, Ate."

Tinanguan niya lang naman ako. "Mag-ingat. At paki-lock yung pinto at gate."

"Opo, Ma!" loko ko bago tuluyang lumabas ng bahay.

Nag-jeep lang ako saka isang tricycle papunta sa mansyon nila Eric. Sa totoo lang ay pwede naman akong magpasundo sa driver nila pero nakakahiya na masyado kaya naman commute na lang. Mas sanay pa rin ako sa ganoon kaysa sa kotse-kotse.

Pagkapindot ko sa doorbell ay agad na bumungad sa akin sa isa sa maid nila. "Hello po, Ate Daisy. Gising na ho ba si Eric?"

Ngumiti naman sa akin si Ate Daisy saka binuksan ang gate. "Opo, Sir Dax. Nasa garden po siya kasalukuyan at nagtatanghalian." Tuloy pa rin naman siya sa pagsasalita kahit nakapasok na ako at nagsasara na lang siya ng gate. "Nasa trabaho na po kasi si Ma'am Evelyn at may emergency meeting. Si Miss Khiena naman po ay may klase."

Napatango naman ako saka nagpasalamat bago dumiretso papuntang garden. So siya lang mag-isa ang magta-tanghalian? Buti na lang at kaunti lang ang kinain ko kanina. Sumaglit muna ako sa kusina para kumuha ng gagamitin pangkain bago ulit dumiretso sa garden.

Nandoon pa rin nakapwesto sa loob ng pavillion si Eric at tahimik na kumakain. Hindi ko nga lang maintindihan kung pangtanghalian ba ang pagkain niya o pang-almusal.

"Grabe. Sobrang saya naman ng umaga mo," sarkastiko kong bungad habang nakatayo sa harapan niya.

Hindi muna ako kaagad umupo para makita niya ang suot ko. At hindi nga ako nadismaya nang makita kong kumislap ang mga mata niya saglit bago pilit na tinanggal iyon at ginawa na namang blangko ang mukha niya saka nagpatuloy sa pagkain na akala mo ay hangin na naman ako.

Pabagsak tuloy akong umupo saka ipinatong sa lamesa ang plato, baso, kutsara't tinidor ko. Para akong nawalan ng gana pero syempre kunwari lang para naman mahiya siya. Hindi naman ako nagkamali at naapektuhan nga siya dahil siya ang unang nagsalita.

"Buti naman at may matino ka pa lang damit."

'Yung kaninang ngiti ko ay biglang bumaliktad. Bakit ba sobrrang bait ng taong 'to? "Pinaglihi ka ba ni Tita sa sama ng loob?" agad kong balik sa kaniya na sinagot niya lang naman ng sama ng tingin.

Ilang saglit kaming natahimik dahil parehong busy sa pagkain—o ako lang ang busy sa pagkain dahil nagkukunwari na naman siyang hangin ako—hanggang sa muli siyang magsalita. "Mom's not here and so as Khiena. Aren't you going to like leave or whatever? There's nothing to do here."

Ako naman ang tumingin sa kaniya nang masama. "Grabe. Feel na feel ko ang pagiging welcome. Salamat ha?"

Hindi ko alam kung pinaglololoko lang ako ng mga mata't tenga ko pero nakita at narinig ko siyang tumawa na ikinatigil ko. First time 'yun. First time 'yun! Hindi ko alam pero nanatili akong nakatitig sa mukha niya. Mukha siyang totoong masaya at sa hindi malamang dahilan, bigla kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

A-Anong nangyayari?

15 What Ifs [COMPLETED]Where stories live. Discover now