SIXTH WHAT IF

39 3 0
                                    


SIXTH WHAT IF

"What if that guy in your dreams, makikilala mo ten years from now?"

~ Karmela Alejo

~~~

DAX' POV

"Tita, hindi niyo po kailangang i-kwento sa amin ang tungkol po riyan kung nahihirapan po kayo," narinig kong sabi ni Ate nang makita naming parang nanghihina at malapit nang umiyak si Tita Evelyn.

Kahit naman ako ay nanaisin kong patigilin na lang si Tita dahil halata namang nahihirapan siyang i-kwento ang tungkol sa nangyaring aksidente sa anak at asawa niya. Kahit kakikilala pa lang namin kay Tita ay mas bagay sa kaniya ang nakangiti at ang pagiging masayahin, kaya siguro medyo nakakasikip ng dibdib noong makita siyang naluluha.

"Inom po muna ulit kayo, Tita." Inabot ni Ate ang baso ni Tita saka ito ibinigay sa kaniya. Nakinig naman si Tita na ikinangiti namin ni Ate.

Ngumiti na rin naman pabalik sa amin si Tita saka ibinaba ang baso ulit sa coffee table. "Thank you, but I really need you both to understand and know about the accident." Pareho kaming naguguluhan ni Ate na tiningnan si Tita at hinintay na muling magsalita at ipaliwanag ang sinabi. "Because you are involved," sabi niya habang nakatingin sa akin.

H-Huh? Eh wala naman akong ginawa ah. H-Hindi naman ako ang bumangga sa sinasakyan nila. B-Ba't ako involved?

Huminga nang malalim si Tita Evelyn saka nginitian ako. "I need a favor from you, Dax. I believe only you can do it. I'm willing to support you and your sister, but I just need something from you?"

Medyo kumalma ako pero naroroon pa rin ang kaba. "A-Ano po 'yun?"

Muling huminga nang malalim si Tita saka seryosong tumingin sa akin. "Befriend my Ericson and convince him to get the therapy he needed."

Naguguluhan naman akong tumingin sa kaniya. "P-Po? P-Pero hindi naman po ata mangyayari iyon." At ayoko pong maging close sa kaniya at baka malaman niya ang tungkol sa pagnanakaw namin, malagot pa ako, at ang mas malala ay baka madamay pa si Ate.

Siya naman ang tumingin sa akin ng may kaguluhan sa mga mata. "But why? You were best friends before, Dax. I'm pretty sure that Ericson remembers or will remember you, it would be easy—"

"Pasensya na po, Tita, pero kasi po... Ako po mismo ay hindi ko po siya maalala. At mukhang ibang tao na rin naman po kami compared po sa batang kami po," pagpapaliwanag ko. Sana naman tanggapin niya 'yung paliwanag ko. Hindi talaga kasi pwedeng mas lalo pa akong mapadikit sa lalakeng iyon.

Napabuga naman ng hangin si Tita saka napayuko at napailing bago bumulong. "But you're supposed to be one of my last hopes." Ilang saglit na binalot kami ng katahimikan sa sala nang muling umimik si Tita, ngayon ay inangat na niya ang ulo saka tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Dax, I'm willing to pay your debt, make sure to give you and your sister both of your needs and wants, and even provide you a fully paid house. I'm going to give you anything you both desire... Just... Just help me with my Ericson." Mukhang desperadong-desperado na si Tita na nagpabigat sa pakiramdam ko.

Nilingon ko naman si Ate at halatang hindi siya makaimik sa gulat at gulo na nararamdaman. May nakikita rin akong awa sa mga mata ni Ate, at kung siya ang in-offer-an nitong deal na ito ay paniguradong tatanggapin niya kaagad.

"I don't care if you fakely befriend my son, but I just need you to convince him to take the therapy and we're through. I won't ask for anything else, Dax. As a mother, all I want is the betterment of my kids. Please." Ibinalik ko ang tingin kay Tita at malapit na naman siyang umiyak. "You know... Khiena and I... We tried everything we can just so we can see Ericson walk and be happy again. To have the normal life he had, he deserved. But he... He always shuts that door. He doesn't say it to me but I could feel that he's blaming himself for his father's death." Tuluyan nang may nahulog na mga luha sa mga mata ni Tita. "We never blamed him for anything and yet he blames himself. And with his kind of personality, I'm sure that he believes that his incapability to walk is his punishment and he accepts it wholly. But he doesn't deserve that, Dax. My son... He... He doesn't deserve the pain."

Para naman akong nasasaktan sa sinasabi ni Tita. Alam ko kasing parang hawig lang din ang sitwasyon namin, hawig ang sitwasyon ni Ate at ni Ericson. Pareho nilang inaako ang sakit at paghihirap nang hindi naman talaga dapat. Pakiramdam nila ay deserve nila 'yung negative outcome ng nangyari pero hindi naman talaga. Biktima lang din sila.

Muli akong napatingin kay Ate. Nakita ko siyang nakatitig kay Tita hanggang sa lumingon siya sa akin at may maliit na ngiting namuo sa mga labi niya. Iyon ang ngiti niya kapag gusto niyang sabihing gawin ko iyon pero na sa akin pa rin ang huling desisyon.

Napapikit na lang ako saka napahinga nang malalim. Biglang pumasok sa akin ang mukha ni Ericson. Sa hindi malamang dahilan ay pamilyar ang mukha niya. Hindi lang iyong nakababatang berson niya kundi pati ang kasalukuyan niyang itsura.

Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang lalakeng ilang beses ko na ring napapanaginipan noon. Simula noong bata ako ay nakikita ko na siya. Akala ko ay gawa-gawa lang ng imahinasyon ko pero hindi ko inaasahang makikita ko siya sa personal nang nasa ganitong sitwasyon.

Napabuga ako ng hangin saka idinilat ang aking mga mata at tumingin muna kay Ate para ngumiti. Kung gagawin ko ito, hindi lang ang gusto ni Tita Evelyn at Ate na tulungan si Ericson ang magkakaroon ng magandang resulta kundi pati ang kinabukasan namin ni Ate. Hindi na kami mahihirapan, financially speaking, mababayaran na rin namin nang tuluyan ang utang na iyon at magiging maluwag na ang buhay namin.

Kaya mas tamang pumayag na lang, Dax. Sa susunod mo na lang isipin ang tungkol sa iba pang problema. Panigurado naman ay maiiwasan mo pa rin siya kahit papaano, hindi ba? Nakamaskara ka rin noong araw na iyon kaya paniguradong hindi ka talaga niya makikilala. Ayusin mo na lang ang trabaho mo, Dax. Para ito sa ate mo.

Tumango ako saka tumingin kay Tita Evelyn. "Sige po. Makikipagkaibigan po ako sa anak niyo po at kakausapin ko po siya tungkol sa pagpapagamot at pagpapagaling po."

Ngumiti naman nang malaki si Tita Evelyn saka tumayo at nagtititili habang tumatalon. Bigla naman siyang lumapit sa akin, hinatak ako patayo saka ako niyakap nang mahigpit. "Thank you so much, Dax. I'll take good care of you and Alliah. I really will. Thank you so much."

Napatango na lang ako saka pilit na ngumiti kahit na medyo nahihirapan na akong huminga. Napatingin pa ako kay Ate na halatang pinipigilan ang tawa habang nakatingin sa miserable kong posisyon. Hindi man lang naawa sa kapatid niya. Grabe talaga.

Napailing na lang ako sa isip ko saka itinarak doon na simula ngayon ay gagawin ko na lahat ng makakaya ko para lang maipa-consider kay Ericson ang theraphy na iyon. Sana lang talaga ay makipag-cooperate siya.

15 What Ifs [COMPLETED]Where stories live. Discover now