THIRD WHAT IF

43 3 0
                                    


THIRD WHAT IF

"What if meeting the past would be a life-changer?"

~ Anonymous

~~~

ALLIAH'S POV

Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi, kung magpapasalamat ako o magdududa. Para kasing may kakaiba sa ikinikilos ni Allen. Tapos 'yung sugat niya pa. Para kasing...

Nakikipag-away siya sa univ.

Hindi ko alam kung nagkulang ba ako o ano. May hindi ba ako nagawa para sa kaniya? May mali ba akong nasabi? May hindi ba ako naibigay? May hindi ba ako napaintindi?

Andaming tanong pero kasi... kilala ko ang kapatid ko. Alam kong hindi niya magagawa ang makipag-away kasi ayaw nila Papa sa ganoon eh.

Ang pangaral ni Papa ay 'wag na 'wag gagamit ng kamao, kung kaya namang solusyunan ng isip. Kaya imposible talagang makipag-away si Allen.

Pero kasi... Bakit may kaduda-duda siyang sugat?

Tapos 'yung sa pera. Ang laki masyado noon. Tinanggap ko na lang ang sinabi niyang gawin sa commission niya pero kasi... parang masyadong malaki.

Napailing na lang ako saka inilagay na rin sa sobreng ibinigay sa akin ni Allen ang sahod ko para sa buwan na ito. Kulang pa kami ng fifteen thousand pero paniguradong kakayanin namin ito.

Kailangan ko na lang ulit makipag-usap at magdasal na sana naman eh pagbigyan kami.

Napabuga naman ako ng hangin saka binilang ang perang kakailanganin namin ngayon ni Allen. Naihiwalay ko na ang para sa bill ng kuryente at tubig. Wala naman kaming WiFi at panay data lang minsan kaya nakababawas din kahit papaano sa gastusin.

"Allen! Tara na!" tawag ko sa kaniya nang masigurado ko nang maayos ang suot ko.

Saktong pagkalabas ko ng kwarto ko ay kalalabas lang din ni Allen. "Nailista ko na 'yung mga kailangang bilhin, 'Te."

Tumango naman ako. "Eh 'yung calcu? Dala mo na?"

May kinuha naman siya sa likod na bulsa niya saka ipinakita sa akin ang sci cal niya. "Dala, syempre." Nakangisi pa siya kaya naman hindi ko napigilang guluhin ang buhok niya saka batukan tapos i-headbutt tapos ibalibag—deh seryoso. Hanggang gulo lang ng buhok.

"Tara na nga," yaya ko saka naunang lumabas ng bahay. Si Allen naman ang nag-lock ng pinto at gate saka kami nagsimulang maglakad papuntang grocery store.

Ilang metro lang naman ang layo nun, kayang-kayang lakarin. Hindi rin naman ganoon kainit dahil pahapon na. Hindi rin kami marami mag-grocery dahil dadalwa lang naman kami kaya hindi rin magiging mabigat ang bitbitin pag-uwi.

Nang makapasok na sa loob ng grocery store ay agad na kumuha si Allen ng cart habang ako naman sa basket. Ilang saglit lang ay kumukuha na ako ng bibilhin na nasa listahan habang si Allen naman ang nag-co-compute ng mga iyon.

"Ate, bawasan na kaya natin yung mga biscuit. Nagmahal eh," rinig ko namang medyo bulong ng kapatid ko.

Nakakunot ang noong humarap ako sa kaniya. "Bakit? Magkano na ba?"

Napakamot naman siya ng batok. Halatang nag-aalangan siyang sumagot pero nang pandilatan ko naman ay bumungisngis lang ang loko. "Naka-nine hundred na kasi tayo, Ate."

Naningkit naman ang mata ko. "Ano? Seryoso ka ba?" Napameywang ako sa stress saka napahampas ng noo nang ipakita sa akin ni Allen ang calcu. Nine hundred na nga. Pare kakaunti pa lang ang nailalagay namin sa cart. Ni wala pa ngang mga toiletries eh.

15 What Ifs [COMPLETED]Where stories live. Discover now