1: Comet

1.5K 72 6
                                    

Uriel

Kumakalam ang sikmurang pinagkrus ko ang mga braso ko at tamad na sumandal sa upuan ko.Nilingon ko ang makulimlim na panahon mula sa nakasarang bintana at muling ibinalik ang tingin sa projector.

"So for your homework in our Oral Communication,think of an interesting topic in your speech writing and make an audience analysis checklist to know your target audience."Pagtatapos ng lecturer sa klase niya bago magsimulang iligpit ang mga gamit niya.Malamyang sumagot naman ang lahat bago siya nagpaalam at lumabas na ng classroom.

Biglang nagtilian ang iilan sa amin nang kumulog ang kalangitan.Pasimpleng umikot ang mga mata ko at pumikit na muna.Isang subject nalang bago mag lunch,kaya ko pa namang tiisin ang gutom.

"Uriel,tara sa canteen."Aya ni Lynn sa akin.Ang president ng classroom at ang nagiisang kaklase ko na tinitiis ang kausapin ako.

Nilingon ko ang mga kasama niyang ngumiwi at bulgar na inirapan ako."Kayo nalang,hindi pa ako gutom."Dahilan ko nalang at tipid na ngumiti lang si Lynn bago sila tuluyang lumabas ng classroom.

Sumukob ako sa armchair ko at pinanood ang mga kaklase kong magkatuwaan habang naglalaro ng online games.Kumulog na namang muli at nagsimulang magingay ang mga jalousie.

Weird,sobrang lakas ng hangin at ng mga kulog pero hindi man lang umuulan.

"May bagyo ba?"

"Ewan,wala namang binalita sa tv kaninang umaga."

"Eh ngayon?"

"Wala rin eh."

Humikab ako at pumikit nalang.Ilang minuto lang bago ako makatulog ay may kumalbit sa akin.Tumitig ako kay Axel na nakasuot ng basketball jersey at hawak hawak ang personal niyang bola.

Inabot niya ang isang mamon at tinitigan ko lang ito sa kamay niya."Pinapabigay ni pres."Wika niya at nilingon ko si Lynn na nakaupo sa sulok kasama ang mga group of friends niya.

Tumango nalang ako at kinuha na ito.Umupo siya sa tabi nina Lynn at sinimulan ko ng kainin ang mamon dahil sa gutom.Matapos kong maubos ito ay kumulog na naman ng sobrang lakas.

"Kyaahh!!!"Tilian ng lahat nang mawalan ng kuryente.Nagsimulang magbulungan ang lahat at binuksan ang sari sariling flashlights.Pumikit ako at tumingala sa madilim na kisame.

Ha...mas lalo yata akong inantok sa malamig na panahon kasama na ang napaka komportableng dilim.

"Wahhh!!!"

"Kyaahh!!"

"Hahahaha!!"

Nagsimula silang magbiruan at magtawanan.Muli akong lumingon sa labas at makikita ang sobrang sama ng panahon.Makulimlim na kalangitan at ang malakas na hangin na nililipad ang mga plastik na basura at tuyong mga dahon.

"What the..."Bulong ko nang makita ang iilang mga bitwin.Sobrang laki at liwanag ng mga ito at patuloy na kumikislap sa kalangitan.Kumurap kurap ako nang mapansin kong lumalaki ang isang bitwin at paliwanag ito ng paliwanag.

"Wow..."Namamangha komento ng mga kaklase ko na nagsiksikan sa mga bintana.Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas ng classroom para mag-cr at maghilamos ng mukha.

"Saan ka pupunta??"Pahabol na tanong ni Lynn.

"Restroom."Simpleng sagot ko at lumabas na ng classroom.Dumaan ako sa isang tahimik na corridor at pinasok ang men's bathroom.Madilim,sinubukan kong buksan ang ilaw pero wala parin.

Binuksan ko ang flash ng phone ko at pinasok ang isang stall para umihi.Pagkatapos ay binuksan ko ang phone ko at data para makapagscroll sa internet.

Kumunot ang noo ko sa isang headline na napukaw ng antensyon ko.

Comet: End of the World

Pinindot ko ito at binasa ang mga comments.

:Lol,ano na namang kagaguhan to.

:Comet??Cool!!!

:Another conspiracy theory ba'to?

:Nakakasawa na yung mga ganitong headlines.

:At least give us some update about Arcania!!

:Lol,lol...

:Mamamatay na tayong lahat!Bwahahaha!!

:Pwede ba?Baka prank lang 'to ha?

Inilingan ko lang mga comments at sumandal sa pader habang nasa loob parin ng stall.Pinindot ko ang artikulo at binasa ito.

Comet: End of the World

May,19 2022.During 11:00 pm,the comet Arkturus have finally entered the Earth's atmosphere.The comet will be visible in the sky for one hour however,according to NASA there's an 83% of probability that the comet will split into two.

The teared part of the comet will hit the earth that will result a cataclysmic event that will annihilate about 35% of the human population.

"What?"Tanong ko sa sarili ko at muling binasa ito.Totoo ba'to?I checked the media outlet that posted the article but i'm sure that even back then they never posted articles like this.

Which means....they're not bluffing.

Mabilis na pinatay ko ang phone ko nang biglang lumindol.Napakapit ako sa pader at biglang nagpatay sindi ang ilaw.Doon ko na narinig ang iilang mga sigawan ng mga estudyante at ang nagmamadaling mga yapak ng mga ito.Tila ba may tinatakbuhan sila at nagmamadaling lumabas ng eskwelahan.

Pinilit kong tumayo ng maayos at lumabas na ng restroom.Bumungad sa akin ang mga estudyanteng nagtatakbuhan sa corridor palabas ng school.

"Uriel!!"Nilingon ko si Lynn na hinila ako at sabay na tumakbo kami."Nabasa mo naba yung article?It's true!!Tignan mo."Nagmamadaling giit niya at tinuro ang bintana.

Doon ko namataan ang mga nagliliyab bulalakaw pababa mula sa makulimlim at kumukulog na langit.

"Wait,akala ko ba comet pero bakit parang metoerites?"Tanong ko sa kaniya na nagpapanik na mabilis na umiling.

"Ewan ko pero parang sa tingin ko ay nagsplit ang comet into many parts.Ngayon ang mga debris ng comet ay siyang nakikita natin ngayon."Mabilis na sagot ni Lynn sa akin at bakas ang takot sa mukha niya.

"Oh my gosh Ax,i don't want to die."Naiiyak na reklamo ng maarteng girlfriend ni Axel.Magkahawak ang mga kamay nilang dalwa jabang pababa kami ng third floor.

"Teka,bakit ba tayo lumalabas ng building?Hindi mas safe kung nasa loob tayo??"

"Idiot!This is a natural disaster and no one exactly knows what protocols we should follow during a....meteor attack!!"

"This is not an earthequake drill or a tsunami drill.This is worse than that."Malakas na wika ni Lynn sa aming lahat.Nagpatuloy kami sa pagbaba hanggang sa makarating kami sa field.

Lahat ng teachers at students ay tumayo sa field.Tila ba nawalan ng pagasa ay walang gumalaw sa aming lahat ni isa.

Makikita ang mga bulalakaw na bumulusok pababa sa langit at ang iilang pagsabog.Kumidlat at kumulog ang kalingitan at napasigaw ang lahat sa takot.

Namataan ng lahat ang isang bulalakaw na pabulusok sa mismong eskwelehan.Napaatras ang iilan sa amin at napako naman ako sa kinatatayuan ko.

Kumislap ang bulalakaw at tulalang timitig ako sa nakakasilaw na liwanag mula sa nagbabaga nitong apoy.

"Run!!"

Awakening: Apocalypse(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon