41: Bad

226 22 2
                                    

Uriel:
July 21,2022
3:00 pm

"Gusto mo?"Tanong ni Eros sa akin at inabot ang burger na nakabalot sa isang baking paper.Tinanggap ko naman ito at nagsimula nang kumain.Nilingon ko ang magic item na hawak ni Bastian kung saan niya kinukuha ang mga supplies nila.Napagpasyahan naming magpahinga sa lugar na ito dahil wala ng mga halimaw na lumitaw matapos ang pagdating nina Vera at Yoo-jin.

Matapos ang ilang oras ng pagpapahinga ay biglang yumanig na naman ang lupa.Napabalikwas ako sa higaan ko na pinagpatong patong na dahon.Lumipad ako sa itaas at nakita ang dambuhalang pader na nahati sa gitna.Bumukas ito at lumabas ang mga Hybrids mula dito kasama ng mga bagong halimaw.

Orc Warriors
Rarity: Mid-grade

Mas malaki ang katawan at mas matangkad ang mga Orc kesa sa mga goblins.Pula ang balat ng mga ito at mas makapal ang nakausling pangil nila.May armors silang suot kasama ng dalawang palakol na hawak ng mga ito.Sabay sabah na sumigaw ang mga ito at sumugod papunta sa direksyon namin.Sa sobrang dami nila ay halos sakupin nila ang malawak na lupain.Lumipad na ako papunta sa mga ito at hindi na hinintay pa ang utos ni Bastian.

Inipon ko ng mabuti ang asul-lilang enerhiya sa dalawang kamay ko at pinakawalan ang energy beam sa mga halimaw.Nagkaroon ng pagsabog sa lupa kasama ng mga halimaw na nasunog at tumilapon sa iba't ibang direksyon.Malayang lumipad ako habang patuloy na lumalabas ang enerhiya sa mga kamay ko at gumawa ng pagsabog sa mga kalaban.

Namataan ko si Bastian na preskong nakatayo sa paligid ng mga mga Hybrids  at Orcs na sabay sabay siyang nilusob.Pinalibutan siya ng itim na enerhiya kasama ng makapal at itim na usok.Biglang nilamon ng kadiliman ang  mga halimaw na tila ba may may sarili itong isip.Matinis at malakas na nagsigawan ang mga halimaw na natakpan ng kadiliman.

Lumusob naman sa iba pang mga halimaw ang kadiliman at iniwan ang mga biktima nito.Kumunot ang mata ko nang makita ang itsura ng mga hybrids at orcs.Moisture left their bodies,parang natuyo ang mga katawan nila at nagmukha silang mga payat na mummies.It was almost like the Darkness itself sucked out their life force.


Napatingila si Bastian sa direksyon ko at nagiwas na ako ng tingin.Huminto ako sa pagatake at lumipad ako kung saan nanggagaling ang mga halimaw.Pinaulanan ko ng mga energy spheres ang mga Hybrids at Orcs."Urgh!!"Hiyaw ko at hinagis ko pababa ang mga ito.Tumingala ang mga orcs sa akin at hinagis ang mga palakol nila paitaas.

Umilag naman ako at kinontrol ang mga palakol nila sa ere.Pinaikot ko ang mga ito bago pinabulisok pababa at pabalik sa mga halimaw.The spinning axes chopped the monsters into chunks of meat.Napansin ko ang unti unting pagcrack ng makapal na pader.Nilingon ko si Yoo-jin na nakasakay sa likod ni Brent habang nakatutok ang mga kamay niya sa pader.Si Brent naman ay nag-anyong agila na may espada na gawa sa metal.

He literally looks like a humanoid eagle.

Yoo-jin took out the minerals from the walls and it finally collapse.Lumutang sa ere ang kulay abo na buhangin at unti unting naging silver stakes ang mga ito.Bumulusok ang mga silver stakes pababa at tumarak sa ulo at likod ng mga halimaw.

Kinontrol ko ang mga duguang palakol pabalik sa akin.Pinaikutan ako ng mga ito at bumilis ng bumilis.Lumapag ako sa lupa at nagsilbing matalim na hula hoop ang mga palakol sa paligid ko.I tilted my head as my fingers fiddled the air and i created a blue-violet energy all over my hands.Tinaas ko ang dalawang kamay ko at lumutang ang dalawang malalaking bato mula sa lupa.

Iwinasiwas ko pababa ang mga kamay ko at nadaganan naman ang mga halimaw na sumugod sa akin."ROOOAARRR—"I cut of the two charging orcs at me by flinging them away and snapping their necks.Muli kong inalala ang ginawa ni Eros kaninang nasa loob kami ng kweba habang kinakalaban mamin ang mga Hybrids.

Temporal Transmitted Ability✓
Cryokinesis

Duration:

1 minute

Nilapat ko ang mga palad ko at unti unting lumikha ng maliliit na hipo hipo na gawa sa yelo.Pinaghalo ko ang mga ito at inikot ikot ang dalawang kamay ko.Gamit ang sarili kong ability ay hinaluan ko rin ito ng psionic energy.Tinignan ko kung paano maghalo ang dalawang ability at buong pwersang hinampas ko ito sa lupa."Aaahhh!!"Sigaw ko at lumabas ang malaking alon ng yelo at psionic energy sa paligid ko.

Tumilapon ang mga orcs at nalusaw ang mga hybrids dahil sa ability ko.Nagyelo naman ang lupa at patuloy itong gumapang sa malawak na lupain.Sumulpot ang nga ice spikes na siyang pumatay sa mga orcs habang ang mga hybrids naman ay mabilis n nagyelo.

Duration exceeded.

Tumayo na ako ng maayos at bumuntong hininga.Lumipad ako sa ere at nilkngon sina Yoo-jin at Brent na titig na titig sa akin."What is it?"Tanong ko.

"That was fucking cool."

"You use it better than that air head."

Sabay na wika nila.

"Thanks."Sabi ko at hindi ko nalang sila pinansin pa.Biglang may kumislap sa madilim na sulok ng entrance ng mga Orcs at Hybrids.Naningkit ang mga mata ko nang biglang tumama sa akin ang isang makapal na laser beam.Hinarang ko ang mga palakol sa isang pwesto at unti unting nalusaw ito ng laser.

"Shit."Asik ko at mabilis na ipinalit ang protective force field.Marahas na tumilapon ako palayo nang tumama ang laser sa force field ko.Mariin na pumikit ako nang magpasirko sirko sa ere."Aurgh!!"Sigaw ko at gumawa ng force field sa buong katawan ko.Humampas ako sa matigas na pader at napaamang ako sa sakit ng impact.

Dumulas ako pababa at nahulog sa isang sanga ng puno.Kung hindi dahil sa force field na ginawa  ko kanina ay baka nalamog na ang buong katawan ko ngayon.Nahihilong marahas na umiling ako at tumingin sa direksyon kung nasaan ang labanan.

Nagpahulog ako mula sa sanga at lumipad muli para bumalik sa pakikipaglaban.Doon na lumabas ang isang malaking halimaw at nanigas ang katawan ko sa sobrang laki at tangkad nito.A Cyclops!!

*ROOOAAARRR!!*

Dumaundong ang sigaw niya at malakas na humampas ang hangin sa mukha.Puti ang balat nito at ang nagiisang nakadilat na mata niya ay unti unting lumiwanag na naman.

This is BAD.

Giant Cyclops
Rarity: High-grade


A/N

Giant Cyclops

Giant Cyclops

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Orc Warrior

Orc Warrior

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ctto.

Awakening: Apocalypse(COMPLETED)Where stories live. Discover now