50: Battle Tides

345 24 0
                                    

Uriel
July 21,2022
9:00 pm

Magic Knight
Rarity: High-grade

Mabilis na nagtransform si Brent bilang isang itim na gorilla.Kinuyom niya ang mga mabalbong braso at kamay niya bago buong lakas na hinampas ang konkretong sahig.Tagumapay na nabiyak ang lupa at lumuhod naman dito si Vera bago nilapat ang mga palad niya sa sahig.Unti unting lumabas ang mga makakapal na vines sa nabiyak na sahig at gumapang ang mga ito sa dalawang binti at bewang ng estatwa.Tumayo si Vera at tinapat ang mga kamay dito bago kinuyom ang mga kamao niya.Her vines coiled around the statue's hips and ankles and kept him from walking.

Tinaas naman ni Yoo-jin ang mga kamay niya sa ere at unti unting lumutang ang kulay gray na alikabok.Nagmula ang mga ito sa mga knights na nakalaban namin kanina at unti unting gumawa siya ng mga makakapal na kadena.Ang mga hook ng mga kadena ay sumabit sa balikat ng estatwa at marahas na hinampas ni Yoo-jin ang mga kamay niya sa ere pababa.Bumaon sa sahig ang kabilang hook ng mga kadena kasabay ng pwersahang pagluhod ng estatwa.Galit na sumigaw ito sa amin at umugong ang napakalakas na hiyaw ng kalaban.

Doon naman kumilos si Eros upang gawing yelo ang mga paa at palad nito sa sahig.Nilingon ng estatwa si Eros at napansin ko ang pagilaw ng mga mata nito.Umiling ako at mabilis na lumipad sa harap ng estatwa.Nagkaroon ng kulay lilang enerhiya sa mga mata nito at lumabas ang dalawa energy beams mula dito.Hinarang ko ang mga ito gamit ang protective forcefield at marahas na tumilapon ako sa konkretong pader.

"ARGH!!!"Sigaw ko sa sakit nang humampas ang likod ko sa matigas na pader.Dahil sa napakalakas na impak ng pagsalpukan ng beams at protective forcefield ko ay wala akong nagawa kundi ang tumilapon nalang.Nanginging ang mga kamay kong pilit na hinarang at itulak ang pwersa ng energy beams palayo sa akin.Nasisilaw na napapikit ako at nagpokus sa pag gamit ng ability ko.

Nagpantig ang magkabilang sentido ko at unti unting dumaloy pababa ang sariwang dugo mula sa dalawang butas ng ilong ko.Sinamaan ko ng tingin ang nagliliwanag na mga mata ng estatwa at nagngitngit ang mga ngipin kong lumutang paitaas.Habang harang harang ko ang energy beams niya ay hinila ko ito papunta sa mga naginginig kong kamay at braso.Galit na humiyaw ito sa akin upang yumanig ang buong lugar.

Tumigil ito sa pag atake at pwersahang binalik ko ang energy beams niya.Pinatama ko ang makapal na energy beam sa puso niya na kung saan inaatake rin ni Bastian.Mas lumalakas ang paghiyaw nito dahil sa sakit.Unti unting nagkaroon ng biyak ang forcefield ng puso ng estatwa at mas tinulak ko pa ng mariin ang energy beam papasok sa puso ng estawa.

Tuluyang nasira ang forcefield at tagumpay na tumama ang mga atake namin ni Bastian sa puso nito.Sa isang iglap ay nasunog at nalusaw ang mahiwagang puso.Unti unting nagkabiyak biyak ang buong katawan ng estatwa at muling humiyaw ng napakalakas.Humampas ang malakas na hangin sa buong katawan ko at napapikit ako sa sobrang ingay ng sigaw nito.Gumuho na ang buong katawan ng estatwa at binalot ng alikabok ang buong palagid.

Sabay sabay na bumuntong hininga kaming lahat at marahan na lumapag ako sa sahig.Lumitaw ang kulay asul-lilang enerhiya sa kanang kamay ko kasabay ng pagkalat nito buong paligid.Inikot ko ang kanang palad ko at mabilis na umikot ang alikabok sa paligid namin.Inipon ko ito sa loob ng isang forcefield at pinatama sa makapal na kisame.

Mabilis na nawala ang alikabok sa paligid at hinihingal na nagtinginan kaming lahat nina Yoo-jin,Vera,Brent at Eros bago namin lingunin si  Bastian.Lumakad siya papalapit sa ulo ng pinakamalakas na estatwa at kinuha ang dalawang nagliliwanag na mata nito.Lumapit kaming lahat sa kaniya at tinitigan ang kulay itim-lila na liwanag mula sa dalawang mata ng estatwa.

"It's not done yet."Wika ni Bastian sa amin at lumakad siya papunta sa panibagong pinto na gawa sa makapal at matigas na bato.May dalawang butas ang magkabilang handle ng malaking pinto.Sa bandang ilalim ng handle na gawa rin sa bato ay doon pinasok ni Bastian ang dalawang mata ng estatwa.Lumitaw ang kulay lila na liwanag sa bawat designs na nakaukit sa pinto.Unti unting bumukas itong magisa at bumungad sa amin ang isang malawak at madilim na throne room.

Biglang lumiyab ang mga kulay asul na torches na nakasabit sa bawat sulok ng throne room.Sinalubong kami ng malamig na simoy ng hangin matapos kaming pumasok dito.Walang ibang laman ang malawak na throne room kundi ang nagiisang throne seat na nasa gitna ng misteryosong kwarto.

"Who's that??"Tanong ni Vera sa amin at tinuro ang isang kawal na nakaupo sa trono.Nakatingin ito sa direksyon namin habang hawak hawak ang isang nagni-ningning na espada.Gawa sa ngangawalang na ginto ang armor niya.Bakas ang kalumaan ng buong suot niya lalo na ang royal cape at ang nangangalawang na korona nito.Tanging ang espada lamang nito ang nananatiling bago at kumikinang sa kagandahan.

"Grit your teeths everyone,because this time,the battle will be different."Seryosong wika ni Bastian sa amin at matunog huminga ako ng malalim bago namin harapin ang panibagong kalaban.

Jarvis
July 21,2022
10:10 pm

"Keep an eye on Gwen."Wika ko kay Claire na tumango at nagpatuloy sa pagkanta ng isang lullaby.Pinagbabaril ko ang mga sundalong walang tigil na nilusob kami at nakipag barilan pabalik.Nagkalat ang mga awakeners at mga sunadalo sa paligid habang ako ay nanatili sa tabi ni Claire.Tinutukan ko ng laser riffles si Gwen na maliksing umilag naman mula sa mga laser beams ko.

*BOOGSSHH!!*

"AAAAHHH!!"Sigaw namin ni Claire nang biglang tumama sa amin ang isang pasabog.Sumalampak ako sa buhangin at napangiwi ako sa sakit.Bumaluktot ang katawan ko habang hawak hawak ang sikmura ko.Nabibinging nilingon ko si Claire na duguan ang ulo at walang malay.

Napansin ko ang isang airship sa madalim na kalangitan at ang isang sundalo na gamit gamit ang isang bazooka.Pinatamaan nito ang mga kasama ko pati na ang mga sundalong nahagip ng bawat pagsabog.Napapikit ako ng mariin dahil sa sunod sunod na pagsabog at pagyanig ng lupa.

Pilit kong hinawakan ng mabuti ang mga riffles ko nang sipain ni Gwen ang mga palayo sa akin.Tuluyang naglaho ang mga sandata ko at tiningala ko siya na tipid na ngumisi sa akin.Kinuyom ko ang panga ko at malalim na tinitigan siya.

"You're quiet unlucky aren't you?You almost had us but now,this is really the end."Wika niya sa akin at mabagal na inalis ang facemask niya.

Well shit.

Awakening: Apocalypse(COMPLETED)Where stories live. Discover now