35: Fooled

220 25 0
                                    

Uriel
July 21,2022
4:00 am

Bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto dahil hindi ako makatulog.Sinalubong naman ako ng malamig na simoy ng hangin.Suot ang puting manipis na pajamas at puting longsleeve ay niyakap ko ang sarili ko.I leaned against the railings of the rooftop as i looked up to the starry night sky.Hindi ako makatulog,hindi ako mapakali at hindi ko gusto ang nararamdaman ko.Pakiramdam ko ay may mangyayaring masama kapag nakatulog ako.Or is it just my lively mind that i can't sleep?

Hindi ko alam.

Temporal Transmission Abilities(1/3)
Superhuman Speed

Sa ngayon ay heto muna ang available kong temporal ability.Sa loob ng isang buwan ay wala akong mahanap na ibang awakener sa lugar na ito.Without other awakeners,i can't transmit any various abilities.

*BOOGSH!!*

Napakapit ako sa railing nang yumanig ang lupa at sumabog ang gate ng villa.Sumiklab ang apoy
sa front gate at mabilis na tumakbo ako doon gamit ang ability ni Asher.It's quiet.Despite the explosion earlier everyone was still asleep and everything is ironically calm.

Galit na bumungad si Damien sa labas ng gate at nagmartsa papunta sa kinatatayuan ko."Happy to see me??"Inis na tanong niya at binugahan ako ng apoy.Mabilis na hinarang ko ito gamit ang force field ko.I pushed the fire blast away at tumilapon naman siya palabas ng villa.

"Anong ginawa mo?"Tanong ko at makahulugang ngumisi lang siya matapos bumangon sa pagkakatilapon."Anong ginawa mo?"Mariin na tanong ko ulit sa kaniya

"Nothing.I just gave them all a nice dream that they will enjoy."Ngumiti siya ng matamis at unti unting sumama muli ang mukha niya."Now let's finish what we started."Asik niya at binalot ng apoy ang buong mga braso niya.

Lumitaw ang kulay asul na liwanag sa mga kamay ko.Kinalikot ng mga daliri ko ang hangin at lumikha ng dalawang bola ng enerhiya.Nagsabayan ang mga atake namin at gumawa ito ng napakalakas na pagsabog.Yumanig at nabiyak ang lupa.Lumipad ako sa ere at kinontrol ang mga nabiyak na bato.

Hinagisan ako ng naglalakihang mga bato ni Damien at umilag naman ako habang pinapalibutan ko siya ng mga ito.The big chunks of earth floated around him.Kinuyom ko ang mga kamay ko at pwersahang nagsama sama ang mga bato bilang isa.

Nadurog siya sa gitna nito at minabuting ikinulong ko siya dito.Iniksik ko siya sa loob at buong lakas na hinagis siya sa isang building.Gumuho ang building at natabanun siya ng panibagong naglalakihang mga bato.I made another spheres of energy and wasted no time in combining the energy together.Lumipad ako sa nasirang building at pinasabog ang paligid nito.

Lumipad ako sa paligid ng building habang tutok tutok ko ang mga kamay ko dito.Nagpatuloy ang pagsabog dahil sa energy beam na atake ko.Sumiklap ang nagbabagang apoy sa paligid ng building at namataan ko si Damien na nahihirapang gumapang mula sa pagkakabaon sa mga bato.I heard him screamed in anger and pure frustration.

Huminto ako at iwinasiwas pababa ang mga kamay ko bago ako lumanding.A wave of blue energy came out from the ground where i landed and Damien got pushed back."The difference between you and me is that you've grown too arrogant by wielding a lot of abilities."Panimula ko at nagsimulang kontrolin ang sumiklab na apoy sa paligid namin.

Sinamaan lang niya ako ng tingin."I don't think so because i know to myself that i'm special.Kaya wag mo akong igaya sa tulad mo."Singhal niya at ginamit ang water manipulation ability niya bago siya lumikha ng napakalaking bola ng tubig.

Lumusob ang nagbabagang apoy na kinontrol ka kaniya at nilabanan naman niya ito gamit ang bola ng tubig.Binalot kami ng makapal na usok at lumipad siya sa ere gamit ang mg pakpak niya.Nilabas ko ang espada ko at hinagis sa direksyon niya.Umilag naman siya at tinapat ang kanang kamay sa akin."Not this time."Wika niya at bumaon ang buong katawan ko sa lupa nang lumambot ito.

Nagwaging ngumisi siya.My gaze deepen when i controlled the sword and it came back from the air.Tumarak sa likod niya ang espada at tumagos ito sa dibdib.Napasinghap siya at nahulog siya mula sa ere.I pulled myself from the ground using my powers and approached him.Duguang sinamaan niya ako ng tingin at sinapo ang dibdib niya.

"I was right,your heart is your weakness."Wika ko at tinapat ang palad ko sa dibdib niya.The blue light on my hand entered his chest and my fingers fiddled the energy as i started ripping out his heart from his chest.

"AAAAHHHH!!"Maingay na nasasaktang sigaw niya.Pumikit ang mga mata niya at marahas na nagpumiglas siya.Bumulwak ang dugo sa bibig niya at biglaang lumabas ang isang laman mula sa dibdib niya.Naramdaman ko ang pagtibok ng sariwang puso niya sa palad ko at ang pagtulo ng malapot na dugo.Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na siya gumalaw pa at naghihingalong namatay siya ng tuluyan.Finally,he's dead.

*BOOGSH!!*

Napabalikwas ako sa gulat dahil sa napakalakas na pagsabog at tumalikod ako para suriin ang villa."No."Bulong ko nang makita ang isa pang Damien na kasalukuyang inaatake ang villa.Gamit ang mga Pyrokinesis ability niya ay tumatawang naghasik siya ng kaguluhan.

"Hahaha,you got fooled bitch."Hinarap ko ang napatay kong Damien na ngayon ay buhay na naman.Nang iinis na ngumisi siya at unti unting naglaho sa paningin ko.Damn it!!

Mabilis na lumipad ako pabalik sa villa at hinawakan ko ng mabuti ang espada ko.It seems like he finally used his brain in fighting me but how did he do that?A clone with the same abilities,strength and characteristics.Ilang araw lang matapos ang nangyaring labanan namin ay ganito na agad siya kalakas.

As expected,hindi ko pwedeng hayaan na mabuhay pa siya sa mundong ito.He needs to die or else he'll be unstoppable.Bumungad ang villa sa akin ng walang galos.Napansin ko ang mga pentagon patterns na lumilitaw sa ere sa tuwing tumatama ang mga atake ni Damien dito.

So Jarvis finally developed the barrier huh.

Sinugod ko si Damien sa at hiniwa siya sa likod.Sinipa ko pa ang likod niya at hinagisan siya ng energy sphere.He screamed in anger as his wounds instantly regenerated.

"God!!You're so annoying!!"Galit na sigaw niya sa akin."Don't you understand?You can't get rid of me bitch."Asik niya at tinaas ang mga kamay niya sa ere.Sumiklab muli ang nagliliyab na apoy sa mga kamay niya."I'll make this whole villa the biggest oven in this world."Wika niya at mas pinalaki pa ang bola ng apoy.The flames suddenly became a boulder of fire.

Hinanda ko naman ang sarili ko upang harangin ang magiging atake niya.

Awakening: Apocalypse(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon