49: Knights

214 22 0
                                    

Uriel
July 11,2022
8:45 pm

"I'll take care of the Longsword Knight."Wika ni Bastian sa amin at lumakad papalapit sa estatwa na may hawak na longsword.Pumili rin ang iba ng kakalabanin nila at doon na nagsimula ang panibagong pakikipaglaban ng lahat.

Hinarap ko naman ang estatwa na may Estoc sword na hawak.Patilos ang espada nito lalo na ang dulo ng patalim.Ang handle naman ay parang hango sa isang crucifix.It's basically a thrusting sword.

Knight Statue
Rarity: Mid-grade

Lumutang ako hinagis ang mga energy spheres sa ulo nito ng magkasunod.Tumama ito at naglaho na parang walang nangyari.Kumilos ang estatwa at tinusok ako gamit ang espada nito.Hinarang ko ang atake niya gamit ang pag gawa ko ng force field.Napaatras naman ako sa ere nang sumalpok ang dulo ng espada nito sa harang ko.Mariin na tinulak ko ang estoc sword palayo at lumaban naman ang estatwa sa pag tulak ko.

It's tougher and stronger than the Hybrids we fought earlier.However,i don't think it's fast, maybe because of its huge and heavy body.

Tinulak ko ang estoc sword pataas at pinakawalan ang energy blast sa mga kamay ko.Pinatama ko ito sa pagitan ng armor nito sa ulo at sumabog naman ito.Umangat ang ulo nito at napaatras dahil sa pagsabog.

Inespada ako nito at tumigil ako sa pagatake upang umilag.Lumapid muli ako paitaas at tagumpay na nakailag sa espada.Napansin ko ang parteng nabiyak na armor ng estatwa at lumitaw ang kanang mata nito.Nakapikit ang kanang mata nito at muli akong inatake.Umilag ako sa espada at gumawa ng energy spheres.Hinagis ko ang mga ito sa kanang mata ng estatwa at tagumpay na tumama ang mga ito.Umangat na naman ang ulo nito sa pagsabog at inatake na naman muli ako.

Hinarang ko ang force field ko at sinalo ang dulo ng espada.Humakbanng paabante ang estatwa at muling tinaas ang espada nito sa ere.Hinawakan ng estatwa ang espada nito pababa gamit ang dalawang kamay at tinutok ang dulo sa akin.Tinusok ako ng estatwa sa sasahig at hinarang ko naman ulot ito gamit ang forcefield ko.Lumagapak ako sa sahig dahil sa impak nang magtama ang espada nito at ang forcefield ko.

Napaamang ako at dahan dahang tinulak paitaas ang dulo ng espada.Tumingala ako at napansin ang nasirang kanang mata ng estatwa.The inside of its head was hollow.Lumalim ang tingin ko sa estatwa at tuluyang naitulak ko paitaas ang espada nito palayo sa akin.Napaatras muli ito at mabilis na lumipad ako papasok sa kanang mata nito.

Bumungad sa akin ang kadiliman at lumipad ako pababa,papunta sa loob ng sikmura nito.Tumingkad ang kulay asul-lilang enerhiya sa mga kamay ko at pinatong ang kanang palad ko sa kaliwa Mabagal na itinaas ko ang kanang palad ko at gumawa ng isang energy sphere.Pumikit ako para magpokus at pinalaki ng pinalaki ang bola ng enerhiya.Tinaas ko ang mga palad ko at lumutang ang bola ng enerhiya papunta sa dibdib ng estatwa.

My fingers fiddle the air at unti unting tumibok ang energy sphere na ginawa ko.Lumalabas ang kulay-asul lilang enerhiya mula sa paligid nito na parang malilit na alon.Kinuyom ko ang kanang kamay ko at huminto ito sa pag tibok.

Nagsimulang manginig ang malaking energy sphere at naging unstable ang kondisyon nito.Tuluyang sumabog ito at lumabas ang marahas na alon ng enerhiya mula sa paligid nito.Pwersahang humampas ang alon ng enerhiya sa loob ng estatwa at nabiyak ang buong katawan nito.

Kinontrol ko ang nagkalat na enerhiya sa loob ng estatwa.Umilaw ng kulay asul-lila ang mga nabiyak na parte ng estatwa at pinag-ekis ko ang mga braso ko.Humiyaw ako at marahas na pinakawalan ang alon na enerhiya palabas sa katawan ng estatwa.

Tuluyang nasira ang estatwa at gumuho ang kabuuan nito.Lumikha ako ng forcefield para sa mga nahulog na bato mula sa itaas.Nilingon ko si Yoo-jin na katatapos lang din na patumbahin ang kalaban niya.

Nagtanguan kami at hinayaang makipag laban ang iba pa naming kasama sa mga napili nilang kalaban.Lumipad ako sa ere at pinagmasdan ang kinalabasan ng Estoc Knight matapos ang pagkawasak nito.Napansin ko na ang tanging espada lang nito ang natirang buo.

Nilingon ko si Bastian na nakalatuang sa ere gamit ang kulay itim niyang pakpak na may halong itim na usok.Preskong umilag lang siya sa mga atake ng estatwang kinakalaban niya.

Nilabas niya ang mata ng Cyclops at gumapang ang kadiliman sa paligid nito.Tinutok ni Bastian ang mata na binalot ng kadiliman sa bandang dibdib ng estatwa at biglang lumabas dito ang itim na energy beam.

Malakas na sumabog ang dibdib ng estatwa at nasira ang armor nito.Nagpatuloy na pinasabog ni Bastian ang estatwa hanggang sa gumuho ang buong katawan nito.Kumunot ang noo ko at pinagmasdan ang kadilim na mawala sa mahiwagang mata ng Cyclops.

He channeled his dark power through the eye of the Cyclops and it even amplified the attack output.The eye,was it an Artifact?

Sunod sunod na natapos ang lahat sa pakikipaglaban at nang matalo na nila ang mga estatwang kinalaban nila ay muling yumanig ang lupa.Nagsimula ng gumalaw ang pam-pitong estatwa at umilaw ang mga mata nito.Ang pinakamalaking estatwa sa pitong mga kawal na nasa hall na ito.

Pinaghalong itim at lila ang kulay ng mga mata nito at tumitig ito sa amin.Gamit ang Claimore sword ay lumakad ito sa papalapit sa amin bago hawakan ng mabuti ang espada nito.

Inespada kami nito at mabilis na umilag kaming lahat palayo sa estatwa.Napansin ko ang armor nito kung saan may sun design ang breast plate na gawa sa matigas at mapinong bato.Nanguna si Bastian sa amin at pinuntirya ang dibdib ng estatwa.

Muling lumabas ang itim na energy blast mula sa mata ng Cyclops at tumama ito mismo sa sun design ng armor.Sumabog ang dibdib ng estatwa at umugong ang malakas na sigaw nito kahit hindi man lang bumukas ang bibig nito.

Nasira ng tuluyan ang breast plate armor ng estatwa at bumungad sa amin ang isang malaking puso na kulay lila.Nagliliwanag ang loob nito at tumitibok tibok pa habang unti unting gumawa ito ng sariling force field.

"Distract him,i'll destroy the Heart."Utos sa amin ni Bastian.

Awakening: Apocalypse(COMPLETED)Where stories live. Discover now