6: Transmit

1K 47 4
                                    

Uriel

May 20,2022
9:46 pm

Isang beses ko lang kayang kumopya ng permanenteng ability kaya dapat pagiisipan ko ang pagpili ng mabuti.Sa ngayon ay superhuman strength at healing and defense ang pwedeng i-mimic ko.

Kung ita-transmit ko ang super human strength sa akin ay walang kasiguraduhan ang epekto nito sa akin dahil sa mababang stats ko.Ang healing&defense naman ay hindi ko basta magagamit tuwing makikipag laban sa mga zombies.Mas gusto ko ang lumalaban kesa sa maging support.

Temporal Transmitted Abilities(2/3)

Super human strength
Healing&Defense

Lumakad kami pababa ng second floor habang buhat ang sari-sarili naming backpacks na naglalaman ng pagkain,damit at iba pang basic necessities.Hinayaan namin ni Lynn na patayin ni Axel ang mga natitirang zombies.

Pre-quest:
Eliminate the zombies within the school perimeter.

"This is literally like those RPG action games."Wika ni Lynn."Hindi parin ako makapaniwala na Awakeners na tayo and i cringe whenever i think about it."Dagdag pa niya.

"I feel the same way."Sagot ko at bumaba na kami ng second floor.Muling iwinasiwas ni Axel ang duguan palakol niya ng walang hirap at tila ba hindi siya napapagod.

He's like a Tank.

"I need a weapon."Wika ko at pawisang pinunasan ni Axel ang noo niya bago lumapit sa kinatatayuan namin ni Lynn.

"Me too,walang kwenta ang ability sa gitna ng laban."Wika ni Lynn na sinangayunan ko.

"There."Tinuro ko ang dalawang pinto na nakalock."Think you can open them?"Tanong ko kay Axel na buong kompyansang ngumisi.

"Piece of cake."Sagot niya at sinira ang mga makakapal na locks ng dalawang pinto at binuksan ang mga ito."Diba??"Tanong niya.

"This room is the teacher's office who's in charge in managing the Archery Club."Wika ko kay Lynn na tumango tango."Kaya mo naman sigurong pumana ng mabuti diba?"Tanong ko at mabilis na tumango siya.

"Tulungan mo siyang hanapin yung pana,dito lang ako sa kabila."Paalam ko kay Axel at pumasok na sa office ni Sir.Agatsuma.

Isang filipino japanese na teacher in charge sa mga taekwando students.May mga rumors tungkol sa kaniya na isa raw siyang yakuza kaya magaling siyang makipag laban lalo na kapag gamit ang katana.

Lumapit ako sa desk niya at binuksan ang rectangular na kabinet.Nasa loob ang isang kulay itim na kaluban at katana.Kinuha ko at hindi ito ganun kabigat sa inaasahan ko.

Inilabas ko ang makintab na patalim at mababasa ang iilang japanese characters dito.Muling binalik ko ito sa kaluban at binuksan ang mga kabinet ng desk niya.Hanggang sa mahanap ko ang isang kabinet na nakalock.

Binuksan ko ang nakalock na kabinet gamit ang katana.Napaamang ako ng bumungad sa akin ang isang GLOCK-22 na baril.Holy molly,why am so lucky??

Maingat na kinuha ko ito at sinuri ang kondisyon nito.Pagkatapos ay sinilid ko ito sa bag ko at maingat na tinago mula sa mga kasama ko.

I'll use this when it's emergency.

Lumabas na ako ng office at bumungad sa akin si Lynn na hawak hawak ang isang pana at suot ang arrow bag sa likod niya.Ang bag na suot niya kanina ay binuhat muna ito ni Axel.

"Katana ba yan?"Namamanghang tanong ni Axel at tumango naman ako."Ayos."Komento niya at pinagmasdan niya ito ng mabuti.

Nauna kami ni Axel sa pagbaba ng 1st floor sa ground at nakapagtatakang walabg zombies na bumungad sa amin.May mga bangkay na nagkalat sa mga corridors lalo na sa hall.Bukas din ang pinto at gate na sinara namin kahapon.

"Mukhang may survivors din katulad natin."Komento ko at pinagmasdan ang isang bangkay na puno ng saksak at hiwa.The people who killed these zombies...they're too rough and brutal.

Is it a student?Or maybe a student awakener?

"Let's go."Aya ko at lumabas na kami ng  entrance hall.Bumungad ang field na kung saan iilan nalang ang mga zombies na makikita at nagkalat dito ang mga bangkay.

"Someone eliminated the zombies."Lynn commented and she's right.It's someone who's better and stronger than us.I felt discomfort all over my body and i started to get anxious.

I'm bothered and i don't like it.

*Cough!!*

Nakarinig kami ng ingay sa isang sulok ng mga halaman.Lumakad kami sa sulok ng gate at doon namin nakita ang isang estudyante na naghihingalo.Duguan ang dibdib,tiyan at leeg niya at walang tigil sa pagbulwak ng dugo ang bibig niya.

Nagmamadaling lumapit si Lynn sa kaniya."Hang in there i'll heal you."Wika ni Lynn at tinapat ang mga palad niya sa babae.Makikita sa duguan na nameplate niya na isang grade 10 student siya.

"Hmpph..."Atungal niya at umiling siya.Pinagmasdan namin ang kalunos lunos  niyang kalagayan at doon ko napansin ang kagat sa leeg niya.

"Wait."Pigil ko kay Lynn at tinuro ang kagat ng babae."You might be able to heal her wounds but she's already infected.It's useless."Dahilan ko.

"How can you say that?She's still breathing,i can help her."Giit ni Lynn at unti unting lumiwanag ang mga palad niya.

"S-stop...."Sambit ng babae at nasasaktang tinampal ang mga palad ni Lynn palayo.

"Stop it Lynn."Segundo ko.

"I can do it!!"

"Lynn."Sabay ni Axel."Please listen to him,do you want to see her suffer more and become a monster??"Kalmadong tanong ni Axel at nagiwas ng tingin.

"Because i can't Lynn."Dagdag ni Axel at matunog napaupo nalang si Lynn sa sahig.

"I'm sorry."Bulong ni Lynn at yumuko.

I crouched down and face the dying girl."Who was it??"Deretsong tanong ko sa kaniya na umigting ang panga.

Matunog na lumunok siya."T-troy...and the o-other....thugs"Nahihirapang sagot niya at kumawala ang isang butil ng luha sa kanang mata niya.

Tumango ako."Thank you."Pasasalamat ko at tumayo na ng maayos bago ko ilabas ang katana mula sa kaluban nito.

Inalalayan ni Axel si Lynn paatras at handang pumikit naman ang babae."This will be over in an instant and it will be painless."Paalala ko at randam ko ang panginginig ng mga braso.

Fuck Uriel,let the girl rest!!

Pumikit ako ng mariin at tuluyang pinugutan na siya ng ulo."Ha..Ha...Ha..."Hinihingal na napaatras ko at pinagmasdan ang walang buhay na bangkay sa harap.

Permanent Transmission is now possible.

Would you like to transmit the ability?


Ability detected:
Telekinesis

Awakening: Apocalypse(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon