2: Zombies

700 40 3
                                    

Uriel

"Run!!"

Sigaw ni Lynn ngunit huli na ang lahat.Sumalampak kaming lahat sa lupa at pinikit ko ang mga mata ko sa nakakasilaw na liwanag.I crossed my arms to protect myself from the impact ngunit walang nangyari.

Binuksan ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang bulalakaw na nakalutang sa harap ko.Nagsigawan ang lahat at tumakbo palayo dito.

Kumunot ang noo ko nang mapansin ang panginginig ng bulalakaw at ang unti unting pagikot nito.

"Uriel,let's go!!Delikado diyan!!"Hinala ako ni Lynn palayo sa nakalutang na bulalakaw.Nilingon ko muli ito at nilapitan ng iilang mga estudyante ang bulalakaw.

"What are they doing??"Nai-stress na tanong ni Lynn at umiling nalang.Tumakbo kami papasok sa groundfloor at umupo sa sulok ng entrance hall.

Sumilip ako sa bintana at nagkaroon ng kulay asul na kuryente  ang bulalakaw sa paligid nito.Kinuhanan pa talaga ng litrato ng mga estudyante kasama na ng mga iilang kaklase namin.

"What are you doing?!Pumasok na kayo dito!!"Sigaw ni Lynn sa kanila.Nilingin ko ang pintuan ng entrance hall at ang gate nito.

"There's nothing wrong with it Lynn,come here let's take a picture!!"Giit nung girlfriend ni Axel at nagsimulang magpicture picture sila.

"Idiots."Bulong na asik ni Lynn at mariin na pumikit.Pinagmasdan ko naman ang bulalakaw navmarahas na  umikot.Pabilis ito ng pabilis at mas lumiwanag ang kuryente na pumapalibot dito.

Napaatras ako."We have to go."Wika ko kay Lynn na kunot noong pinagmasdan ang bulalakaw.

"Get away from it!!Look,it's acting weird!!"Sigaw ni Lynn at tumayo sa pinto ng entrance hall."Tara na!!"Dagdag niya at hinanda ko na ang gate para isara ito.

"Gosh you're being bossy!!"

Nagsimula silang magreklamo at napahilamos ng mukha si Lynn.The meteor suddenly exploded and all of us got blasted away.It created a blue energy pulse that covered the entire area including the whole school.

Tumilapon ako sa pader at dumausdos ako pababa sa mga halaman.Napaungol ako sa sakit at umunat ang katawan ko matapos dumaing.Nanlalabo ang paningin kong tumitig sa mga kamay ko.

Tila ba thermal image ng kamay ko ang bumungad sa akin.Kinakabahang lumingon ako sa paligid at parang thermal images lahat ng nakikita ko.Kumurap ako at mariin na pumikit.

Doon na bumalik ang normal na paningin ko at ramdam ko ang pagtulo ng malansang likido mula sa ulo pababa sa kanang mata at pisngi ko.

Nahihilong tumayo ako at napaamang sa nakita.

Nagkalat ang mga zombies sa field at papunta ang mga ito sa eskwelahan.Namataan ko si Axel sa mismong harap ng gate at umungol ito sa sakit.

Mukhang hinagis rin siya ng pagsabog kanina.Lumakad ako at kumapit sa railings ng gate.Nilingon ko si Lynn na walang malay sa loob ng hall.Nakahiga siya sa sahig at makikita ang nabasag niyang eyeglasses.

"F-fuck."Dinig kong mura ni Axel na nakaupo sa sahig.Nanlalaki ang mga mata niyang tumitig sa isang pamilyar na katawan.

"Tsk."Asik ko at nagiwas lang ng tingin sa bangkay ng girlfriend niya na basag ang ulo.Nagkalat ang malansang dugo sa lupa at ang laman loob niya.

"Get up."Utos ko sa kaniya.

"H-hindi ko kaya."Ngumiwi siya sa sakit habang hawak hawak ang ulo niya.Tumitig lang siya sa girlfriend niya at bakas ang takot at pagsi-sise sa mukha niya.

*ROAR!!*

The zombies started approaching us and they ate the unconscious people scattered around the field.My stomach churned and i quickly supported Axel to stand up.

I grunted as i let go of him when we entered the hall."Fuck,what are those??"Tanong niya at lumabas muli ako para isara ang gate.

"Isn't it obvious??"Tanong ko at sinara na ang gate.

"Cannibals?Zombies??"Tanong niya."And you don't seem scared."Dagdag pa niya.

Asshole,you don't how much i badly want to run right now.

"Stop!!Papasukin niyo kami!!"

Dinig kong sigaw ng iilang mga estudyante na tumatakbo palayo sa mga zombies.Muli kong binuksan ang gate."Come on!!"Sigaw ko sa kanila.

Nagkanda dapa dapa pa ang mga ito.Mabuti nalang ay mabagal ang mga zombies na humahabol sa kanila.

"Ahhh!!Tulong!!"

"Stop!!It hurts!!"

"Waaah!!Stop it!!"

"Ahh,tama na!!Tama na!!Tama na please!!"

Hiyaw ng mga estudyante habang kinakain sila ng mga zombies.Humigpit ang kapit ko sa gate at tinatagan nalang ang loob ko.Hindi ngayon ang tamang oras para magpakain sa takot.

Hinintay ko silang makapasok at nagiwas nalang ako ng tingin sa mga minalas na nahuli ng mga zombies.Muli kong sinara ang gate pati na ang pinto ng hall.

Pumikit ako ng mariin."I'm sorry."Bulong ko sa sarili ko.Nilapitan ko so Lynn at marahan na ginising siya.

"Lynn,ayos ka lang??"Tanong ko sa kaniya na dumaing at hawak hawak ang ulong umupo.

"Anong nangyari?"Tanong niya.

"The meteor exploded."Sagot ni Axel at umupo sa tabi namin."The teachers who were inspecting the meteor earlier died including some of the students."Dagdag niya at tumingala sa kisame.

"Oh no."Nagaalalang wika ni Lynn at kinuha ang cellphone niya mula sa bulsa niya.Mabilis na nagdial siya at hinintay na may sumagot sa tawag niya.

"Walang signal."Dismayasong wika niya."Ano ng gagawin natin??"Tanong niya sa amin.

"For now,let's close some doors and windows.We have to make sure that those zombies can't enter the school building."Wika ko at tumayo na kami para magsimula.

"Do you guys have any idea what's happening out there?"Tanong ni Axel.

"Hindi ko alam."Sagot ko.

"Personally,i think it's connected to the news article earlier."Sagot ni Lynn."Where's your girlfriend anyway?"Tanong ni Lynn kay Axel na natahimik.

"Oh..."Wika ni Lynn at malungkot hinawakan sa balikat si Axel."I'm sorry."Paumanhin niya at tinapik lang siya nito bago kami magpokus sa ginagawa.

"Ahhhh!!"Tilian ng mga estudyante ng biglang nangisay ang isa sa mga kaklase namin na pinapasok ko kanina.Pumutla ang balat nito at pumuti ang mga mata niya.Bakas ang isang kagat sa braso niya at makikita ang nangingitim niyang mga ugat sa paligid ng sugat.

Huminto ito sa pangingisay at mabagal na tumayo.

"Ayos ka lang??"Tanong ng isa sa amin nang biglang talunan siya nito at kagatin sa leeg.

"Aahhh!!"Sigaw ni Lynn.

"Shit."Mura ko nang magkagulo na muli ang lahat.

Awakening: Apocalypse(COMPLETED)Where stories live. Discover now