46: Tough Game

204 23 0
                                    

Asher
July 21,22
9:30 pm

Mabilis na tumakbo ako at pinalibutan ko si Brutus.Unti unting nagkaroon ng hipo hipo sa paligid niya at mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko.Mas lalo namang lumiwanag ang buong katawan niya at pinag ekis ang mga braso nito.

An energy pulse was formed around his entire body.

Sumigaw siya at pinakawalan ito.Tumilapon ako dahil sa pagsabog at malakas na pwersang kumawala sa kaniya.Nawala ang hipo hipo at mabilis na tumakbo akong muli papunta sa kaniya para sipain siya.Tumilapon naman siya dahil sa impact ng sipa ko.Tumakbo ako sa kaniya habang nasa ere siya at kinwelyuhan siya.Naramdaman ko ang pagpagso ng enerhiyang nakapalibot sa kaniya sa mga kamay ko.

Ngunit hindi ko ito pinansin at hinampas ang mukha niya sa lupa.Tumakbo muli ako habang mariin na kinaladlakad ko siya.Sumigaw siya sa galit habang nakadapa siya sa sahig.Nabiyak ang lupang tinatakbuhan ko at pwersahang hinagis siya sa isang electric tower.Sumabog ang poste at nagspark ang mga kable ng kuryente.

Nakukuryenteng tumayo siya at nababadtrip na ngumisi sa akin.I raised my middle finger at him at doon na niya ako inatake gamit ang ability niya.Walang hirap na umilag ako sa energy beam niya at tumakbo sa harapan niya.Sinuntok ko siya at huminto siya sa pag atake.

Hinawakan niya ang panga niya at sinuntok ako pabalik.Umilag ako sa mga suntok niya at ngumisi.Pinagsusuntok ko siya at sa sobrang bilis ay hindi siya nakailag.I gritted my teeth at mas nilakasan ko ang pagsuntok sa kaniya.

"Man,what you doing?Are you massaging me or what?"Tanong niya at sinalo ang kanang kamao ko gamit ang palad niya.Nanlaki ang mata niya sa tuwa at ngumisi sa akin."You whimpy bastard."Mura niya at sinuntok ako sa sikmura.

Tumilapon ako palayo at gumulong sa lupa.Napangiwi ako at bumalktot ang katawan ko sa sakit.Hinawakan ko ang sikmura ko at nilapitan naman ako ni Brutus.Doon ko nalang napansin ang mahapdi at natunaw kong balat sa mga kamao ko.Parang nasusunog ang sikmura ko at mabagal na natunaw din ang balat na tamatakip sa laman dito.

Sinakal niya ako itinaas sa ere gamit ang kaliwang kamay niya.Unti unting binalot ng kulay berdeng enerhiya ang kanang kamay niya at tinutok ito sa mukha ko.

"Fucking die you insec-"

Naputol ang sasabihin niya ng may isang kamao ang tumama sa pisngi niya.Pwersahang tumilapon siya palayo at nahulog naman ako sa lupa.Tiningala ko si Axel na suot ang mga gauntlets.

He offered his hand and i accepted it.Nakangiwing pinagmasdan ko ang mga kamay ko at umubo ng dugo.Pinunasan ko lang ito at hinarap namin si Brutus na preskong lumakad papalapit sa amin.Naunang sumugod si Axel at nakipag suntukan kay Brutus.Marahas na sinuntok ni Axel si Brutus sa mukha at dumugo ang ilong niya.Muling sinuntok siya ni Axel at hinarang ni Brutus ang palad niya.

Dumulas sa palad niya ang kamao ni Axel dito at muling nasuntok siya nito.Nabiyak ang labi ni Brutus at naiinis na nakipag suntukan na naman kay Axel.Axel blocked his bare attacks with his artifact.Sinuntok niya pataas sa baba si Brutus na umangat sa ere.Dumura siya ng dugo at napaatras kay Axel.

Gumawa siya ng bola ng enerhiya at pinakawalan ito kay Axel na hinarang ang mga kamao niya.Napaatras si Axel at bumaon ang binti niya sa lupa.Mabilis na kumilos ako at tumatakbong pinulot ang mga naputol na kable ng kuryente.

Huminto ako sa likod ni Brutus at dinikit ko ang dulo ng kable ng mga kuryente sa magkabilang sentido niya."AAAAHHH!!"Nasasaktang sigaw niya tumigil sa pag atake.Siniko niya ako sa tagiliran at kabilis na umatras ako palayo sa kaniya.Hinawakan ko ang tagiliran ako at ngumiwi sa sakit bago muling umubo ng dugo.

Tumalon si Axel sa ere at sinuntok si Brutus kanang sentido.Lumagapak siya matigas na lupa at muling pinagsusuntok siya ni Axel sa mukha ng walang tigil."Fucking die!!"Sigaw ni Axel nang hawakan ni Brutus ang kanang gauntlet niya.Hinila ito ni Brutus at mabilis na sinuot.Sinapak naman siya ni Axel at gamit ang kaliwang gauntlet.

Tumakbo ako at hinila si Axel palayo kay Brutus nang umatake siya gamit ang energy blast niya.Mas lalong kumapal ang energy blast niya at mas lumala ang pinsala nitong dala dahil sa kinuha niyang artifact.

Tumigil siya sa pag atake at tumigil naman ako sa pagtakbo.Nakangising naglakad sjya papalapit sa amin at pinigil ko si Axe sa paglusob.

"Let me try something."Wika ko at pinagmasdan ko ang kanang kamay ko.I channeled my powers and concentrated my ability on my right hand.Inikot ikot ko ito hanggang sa parang maging power drill ito.Binuhos ko ang buong lakas ko sa pagtakbo at paglusob ko sa kaniya.Sumulpot ako sa harap niya at pinuntirya ang sikmura niya.

"Payback time."Wika ko at tagumpay na bumaon ang kanang kamay ko sa sikmura niya.Unti unting tumulo ang dugo sa bibig niya at tumingin sa akin na hindi makapaniwala sa ginawa ko.

Hinila ko ang nasunog kong kamay mula sa sikmura niya.Lumaki ang mga mata niya at pumula ang buing mukha niya sa galit."YOU FUCKER!!I'LL KILL YOU!!I'LL KILL-"Sigaw niya nang biglang suntukin siya sa dibdib ni Axel.

Napaupo nalang ako sa sahig at hinayaan silang maglaban upang magpahinga.Marahas na umiling ako nang lumabo ang paningin ko at tumulo ang dugo sa ilong ko.Unlike the two of them,my ability can't compensate my durability.Vitality yes but i'm not that tough.

Muling ginamit ni Brutus ang energy blast niya at hinarang ni Axel ang kamao niya.Umilag sa Axel at hinayaang tumama ang energy blast sa likod niya.Mabilis na tumakbo siya papunta kay Brutus at tagumpay na nasuntok niya ito sa kanang mata.

All this time,i can tell that Axel was angry.Is it because of Lynn?I think so.

Bumigay na si Brutus at bumagsak na siya sa lupa.Tumayo si Axel sa taas ng ulo niya at pwersahang sinuntok muli si Brutus sa noo.Nabiyak ang lupa at bumaon ang buong katawan ni Brutus dito.

We did it.

Lumakad ako papalapit sa kanila at nakita ang duguang ulo at buong mukha ni Brutus.Ngumisi siya sa amin ni Axel."You fought well,i give you that."Nahihirapang wika niya.

"But you're too late."Dagdag niya nang marinig namin sa himpapawid ang mga helicopters.Naiinis na tumingala kami at pinanuod na bumaba ang mga military soldiers mula dito.

Pinalibutan nila kami at tinutok ang mga baril nila sa amin."In the name of our republic country,surrender now awakeners."Wika ng isang sundalo gamit ang isang megaphone.

Damn it.

Nilabas ko ang mga daggers sa bulsa ko at maayos na hinawakan ang mga ito.Kinuha ni Axel ang isang gauntlet niya mula kay Brutus at sinuot na ito.

"Let's finish this."Wika ni Axel bago kami sumugod sa mga panibagong kalaban.

Awakening: Apocalypse(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon