42: Curiosity

221 24 0
                                    

Uriel
July 21,2022
4:00 pm

"Tsk."Asik ko nang pinuntirya na naman ako ng Cyclops.Mabilis na umilag ako sa laser beam nito at lumipad pakanan,pakiliwa,paitaas at paibaba habang nasa ere.Tumingin ako sa likod ko kung nasaan ang laser beam na patuloy ako g hinahabol at mas binilisan pa ang paglipad.

Namataan ko naman kung paano lumipad si Bastian gamit ang itim na pakpak niya na gawa sa itim na enerhiya at makapal na usok.Sumugod silang lahat papunta sa Cyclops na abalang pinupuntirya ako.Lumipad ako paibaba at siniguradong natamaan ang mga Hybrids at Orc Warriors.Nagdala ito ng sunod sunod na pagsabog sa mga Hybrids at Orcs na mabilis namang nasunog.

Nilingon ko si Eros na inihagis ang sibat niya na gawa sa yelo.Tumarak ito sa laman ng Cyclops at sumunod namang umatake si Yoo-jin na gumawa rin ng sibat gamit ang ability niya.Pinatama niya ito sa kabilang tuhod ng Cyclops at tagumpay nabumaon itong muli.Humiyaw sa sakit ang Cyclops at tumigil sa pag atake sa akin.Mabilis na sumugod ako papunta sa kinaroroonan nila nang lingunin ng Cyclops si Eros.

Nabiyak ang lupa at mabilis na tumubo ang mga makakapal na vines.Gumapang ito sa bewang ng Cyclops at pilit na hinila siya pababa ni Vera gamit ang ability niya.Nagtransform si Brent sa isang itim na gorilla at kumapit sa isa pang vines.Tinulungan niya si Vera sa pamamagitan ng paghila dito gamit ang mga kamay at braso niya.

Umilaw na naman ang mata ng halimaw at umiiling na umilaw rin ang mga kamay ko.Mabilis na gumawa ako ng energy blast at pinakawalan ko ito.Tumama ang psionic energy blast sa mata niya at saktong lumabas naman ang makapal na laser beam mula dito.

Oh shit.

*BOOGSH!!*

*WOOSHH!!*

The collision of the two energies made an explosion mid air.The Cyclops faced me again and screamed angrily

Malakas na humampas ang hangin sa mukha ko at nagngitngit ang ngipin ko sa sakit dahil sa panginginig ng mga braso ko Hindi kaya ng katawan ko ang biglaang impact.Nahihirapang tinulak ko ang pwersang tumutalak sa akin at napaamang ako sa taimtim na kosentrasyon.

Pumikit ako at pinakalma ang sarili ko.Minulat ko muli ang mga mata ko at malalim na tumitig sa Cyclops.Imbis na itulak ko ang laser beam gamit ang energy blastay hinila ko ito papunta sa akin.My arms spread wide open as my fingers fiddled the air.Unti unting sinipsip ng psionic energy ko ang laser beam ng Cyclops at napasigaw muli ito sa akin.I hissed and inhaled while absorbing the beam energy.

Nilapat ni Bastian ang kanang palad niya sa sikmura ng Cyclops at marahas na lumabas ang kadilaman sa kaniya.Nilamon ng kadiliman ang buong sikmura ng halimaw pataas sa dibdib niya at balikat, pababa sa mga hita niya at mga paa.

*ROOOAAAARRRR!!!*

Palahaw ng Cyclops at naglaho na ang laser beam mula sa mata niya.Nagpokus naman ako sa pagkontrol sa kulay kahel na enerhiya na inabsorb ko mula sa Cyclops.Lumiwanag ito sa nanginginig kong mga kamay at nahihirapang inutok ko ito pabalik sa halimaw.

Bumulusok pababa ang laser beam at tumagos ito sa dibdib ng Cyclops.Gumawa ito ng panibagong pagsabog at tumilapon kaming lahat palayo sa halimaw.Napaluhod ito sa lupa bago tuluyang bumagsak at mamatay.Nakahinga naman ako ng maluwag hinintay na mawala ang makapal na usok.

Bumungad silang lahat na pinanuod si Bastian na kunin ang mata ng Cyclops.Lumapag ako sa ere at nilapitan ko sila."Good job."Wika ni Bastian sa akin at nilagpasan ko lang siya.Hinawakan ko ang ulo ng Cyclops at dismayadong bumuntong hininga.

"It's not possible."Komento ni Bastian sa ginawa ko.Nilingon ko siya na nakatayo sa likod ko at nagtitigan lang kami."You can't absorb a monster's ability."Paglilinaw niya.

"I was just hoping i could."Sagot ko at nilingon ang mga natitirang halimaw na isa isang bumagsak sa lupa."They're dying."Komento ko.

"No,they're loosing their strength since the Cyclops is their Alpha and we killed it."Sagot at paliwanag niya sa akin.

Matapos naming patayin ang natitirang mga halimaw ay tinuro ni Vera ang sapa na nawalan nalang bigla ng tubig.Lumapit kami dito at bumungad ang isang lagusan pababa sa lugar na kinalalagyan namin.Nanguna si Bastian na bumaba sa mga hagdan at sumunod naman kami sa kaniya.Ang maduming pader na nasa gilid ng hagdan ang bumungad sa amin at ang spiral structure nito pababa.

May torches na nakasabit sa pader at ang kulay asul na apoy.Tinaas ko ang kanang kamay ko sa tabi ng balikat ko.Kumalikot ang mga daliri ko at lumutang ang asul na apoy mula sa isa sa mga torches.Nilaro laro ko ito at habang pababa kami ng hagdan.Matapos ang ilang minuto ng paglalakad ay tuluyang nakababa na kami.There's nothing special on the ground floor except for an another door with the same carved image of the King and his Knights.

"Let's rest here."Wika ni Bastian at matunog na nakahinga ng maluwag ang lahat.Kinuha ni Bastian ang magic item at naglabas sila ni Brent ng mga gamit at supplies.Inabutan ako ni Eros ng tubig at isang plato ng pagkain.Naghila kami ng isa isa naming upuan at kumain sa paligid ng bilog na table .Nagsimula na kaming kumain at tinuro turo ako ni Brent.

"You're really strong.I like you."Wika niya at tumawa naman sina Yoo-jin at Vera.Tumaas lang ang kilay ko habang ngumunguya."Haaah!!"He suddenly imitated my hand and body movements.

"Pfft!!"Eros covered his mouth to stop himself from laughing.

"Since when did being carried a funny thing?"Tanong ni Bastian sa kanila na awtomatikong tumahik.Nakangiting ngumuya sila at nagsulyapan lang ng tingin.

Eros cleared his mouth."So?Who wants to join me in my tent??"Tanong niya at makapal na mukhang ngumiti sa akin.

"Eww no."

"Hell no dude."

"Neo michyeoss-eo?"(Are you crazy?)

Sagot at reklamo nina Vera,Brent at Yoo-jin.Umiling lang ako at hinayaan silang magdaldalan.Kumain na lang ako at matapos naming kumain ay pumasok na ako sa sarili kong tent.I turned off my watch to take off the Nano suit.Preskong humiga ako sa mattress at pumikit na para matulog at magpahinga.Then i opened my eyes again to look at my temporary abilities.

Temporal Transmission Abilities(2/3)
Clairvoyance
Darkness Manipulation

I clicked my tonque and decided to try Selene's ability out of curiosity.

Temporal Transmitted Ability✓

Clairvoyance

Duration:
30 seconds

Naging blangko ang isip ko at biglang dumilim at tumahik ang buong kapaligiran.Kumurap kurap ako at bumungad sa akin ang pamilyar na complex building.Nasira ang iilang buildings pati na ang matatag na harang nito.Nagkalat ang mga bato at apoy sa paligid ng institution.Pati na ang mga duguang bangkay ng mga estudyante,teachers,doctors at mga sundalo.

Kumunot ang noo ko nang makita ko sina Lynn,Axel,Selene at Cleo na malubhang sugatan at nakaluhod sa lupa.Sa harap nila ay ang dalawang tao na nakasuot ng puting military uniforms.Isa sa mga ito ay babaeng may violet na facemask at ang lalaki na nanlalaki ang mga matang nakangisi kay Axel.

Who are these people?


Awakening: Apocalypse(COMPLETED)Where stories live. Discover now