Thirty-Five

129 7 7
                                    

"I'll pick you up later after your class." Blake said, while we were having a video call. It's our lunch time kasi and tumawag siya bigla para kamustahin ako.

Parang last week lang nung pumayag ako sa 'Can we make it happen this time?' moments niya, tapos ngayon parang jowa ko na kung maka-aligid sa akin. Hindi ako sanay.

"Hoy, ang layo. Huwag na!" Pagpupumilit ko, sayang ang gas noh. Ang mahal na kaya ng gas ngayon. "Espanya ako, katipunan ka. Ang layo-layo. Sayang gas, Blake." Pagmamaktol ko sa kanya.

"Gas lang 'yan, mas importante sa akin ang maiuwi ka nang ligtas. You've been commuting on your way home. It's not safe." Aba! Hindi din siya sumusuko sa pagpupumilit.

"Korni mo naman," Sabi ko. I've never seen this side of him before. Parang sa akin niya lang pinapakita, kinikilig tuloy ako. "Oh siya, bahala ka. 4pm uwian namin ngayon. Sunduin mo nalang ako sa hospital, kung gusto mo." Sumuko na rin ako kakapilit. Bahala siya, ginusto niya 'to eh.

"Copy, madam." Sabi niya bago magpa-alam na aalis na kaya tinapos na rin namin yung video call.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. It's like magic, no, it's more than just a magic. It seemed so real. Parang dati lang, nangangarap ako sa kanya tapos ngayon parang abot kamay ko na siya.

Ginanahan tuloy ako sa klase namin ngayong hapon. I aced my tests this afternoon. Napansin din iyon ng blockmates ko kaya nagtaka sila.

"Wow, inspired ka ghorl?" Pabirong tanong ni Rina. Napatawa ako kaya napatingin silang lahat sa amin habang nag-aayos kami ng gamit para umuwi na.

"Di ba pwedeng nag-review lang?" Maangas na sagot ko naman sa kanya.

"Teh, lagi ka namang nagrereview, pero ngayon ka lang ata nag-review na sobrang saya." Natatawang sabi niya, "Inspired moments nga naman."

Inirapan ko nalang siya para hindi na humaba ang usapan. Hinabol naman nila ako nang mapansin na paalis na ako sa room namin.

"Teka--huy!" Pagtawag sa akin nina Rina, nasa likod niya ang iba pa, kabilang na si Kio na nakatitig sa akin ngayon, tinaasan ko tuloy siya ng kilay kaya napatawa siya at napailing, "Madaling madali? Teka lang. Pasabay kami."

"Bilis na, tagal naman." Saktong pagkasabi ko nito ay nag-pop up ang notification ng aking cellphone kaya sinilip ko ito, at napangiti ng bahagya sa nabasa kong message.

Blake:

I'm here na sa parking.

Grabe, so conyo naman this Atenean. Halatang mayaman. Expensive ang mga replies and texts.

Sumunod na sa akin ang aking mga tropa dito sa UST, at huminto lang kami nang makarating na kami sa hospital. We parted our ways nang makarating na sa entrance, ako naman ay umiba na ng direksyon dahil pupunta pa ako sa parking.

"Kayepot," Tawag ni Kio sa akin nang hindi pa ako masyadong nakakalayo.

"Oh?" Sagot ko.

"Sabay na tayo, parking ka rin di 'ba?" Paano niya nalamang papunta ako doon.

"Pano mo nalaman?" Pinag-krus ko ang braso ko at humarap sa kanya na naka-taas ang isang kilay. Inirapan niya naman ako.

"Yung dinadaanan mo papunta sa parking." Ah, oo nga pala. Ang bobo ko naman sa part na 'yon. Napatawa nalang tuloy kami at naglakad na papunta sa parking area.

Naabutan kong nakasandal si Blake sa sasakyan niyang Mercedes Benz, ang yaman naman. Nakakunot ang noo niya habang matalim ang tingin sa kasama ko, at sa hawak nitong mga gamit ko. Binigay ko kasi kay Kio yung ibang dinadala ko kanina habang papunta kami dito para daw hindi na ako mabigatan sa pagdadala.

Through The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon