Chapter Thirteen

110 6 0
                                    

Nasaktuhan namang ako na ang magse-serve pag-pasok ko ng court. Kaya bumalik na ako sa service line.

"Now serving, Number 19, Kaye Gomez."

That sounds good. Music to my ears. Hearing my name and hearing the crowd's wild cheer.

Mabigat ang bola ko kaya naman nag-position ako ng jump serve pero float serve talaga gagawin ko. That's how you play, babies.

Bigla naman pumito ang referee kaya naman I did what I have to do. As I said, mabigat nga bola ko tsaka malikot kamay ko kaya naman hindi yun mabilis na nakuha ng kalaban. Mas lalo tuloy lumakas ang sigawan ng crowd.

"That's an ace from Kaye Gomez."

I smiled humbly after hearing my name again.

After that, nag-serve ulit ako at dalawa pa muling service ace ang nakuha ko kaya naman tuwang-tuwa ang crowd. Hanggang sa nakuha na nila yung bola ko at nagpatuloy na ang mainit na laro sa pagitan ng dalawang teams.

Sumilip ako saglit sa pwesto nila Blake, pati ng parents ko, at nakita kong nandun pa sila. Akala ko aalis na sila. Pero mukhang tatapusin nila yung laro.

10-9 na yung score pero lamang kami ng isa. Pero kahit ganun, di dapat kami makampante dahil isa lang yan at maaari nilang mahabol yan lalo na't sakanila ang bola ngayon.

Pagod na ako pati mga paa ko pero di ko pinapakita yun sa lahat. Ayokong mag-alala sila saakin at huling laro ko na 'to kaya susulitin ko na. It's Do or Die, baby.

Humahabol na sila dahil sa mga quick attack na ginagawa ng middle blocker nila, 10-12 na ang score at lamang na sila ng dalawa kaya naman nag-tawag muna si coach ng time-out.

"Ano ba naman girls, umayos kayo." Panimula ni coach saka nagpaliwanag ulit, "Hulog lagi ginagawa nila so dapat tayo receive lang ng receive, tsaka yung floor defense natin. Lahat gumalaw. Kaye, paulanan mo nalang ng attacks mo tsaka Clei, hulugan mo nalang tsaka mag-one two play ka. Middles, sundan niyo yung palo ng bola, payungan niyo para di na makapasok bola nila. Let's Go Girls! Kaya niyo 'to! Naniniwala ako sainyo. Mahahabol pa yan. Let's Get It On, Titans!" Sigaw ni coach na nagpa-buhay ng lakas ng loob namin at kumpyansa sa sarili.

"Let's go girls. Bigay niyo na sakin 'to, last ko na. Do or Die. Let's Go, Titans!" Inilapag ko naman ang palad ko sa gitna tsaka sumunod naman sila at sinigaw ang aming cheer pagkatapos ay bumalik na kami sa court.

Bola parin nila pero sana naman ay mabuhayan na ang mga teammates ko para makalamang naman kami.

Nagserve na sila at sakto naman na ako ang nakakuha ng bola, tsaka pinasa ko kay Clei since siya ang setter namin, nag-one two play naman siya nung makita niya yung butas sa gitna. Points for us. 11-12 na.

Si Mira naman ngayon ang magseserve, Middle Blocker namin. Float serve lang ang ginawa niya kaya mabilis makuha ng kalaban.

Umatake naman si Kei, Outside Hitter sa kabila. Same kami ng name actually, mag-kaiba lang spelling. Malakas ang palo niya pero na-dig parin yun ng libero namin kaya naman pinasa niya kay Clei at sumenyas naman ako kay Clei na sa akin ibigay sa gitna.

Ibinigay naman ni Clei sa gitna at nag-combination play naman kami ni Mira at ako yung pumalo sa bola kaya naman pantay na ang score dahil nakapuntos ulit kami.

Mas umingay pa ang crowd ng maabot na namin ang set point or should I say championship point.

"Serving for the championship point, team captain, number 19, Kaye Gomez."

Through The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon