Chapter Sixteen

104 4 0
                                    

"H-huh?" Naiilang na tanong ko sakanya.

"Wala. Forget about it." Ani niya kaya naman hindi ko nalang din pinansin. Baka mamaya sabihan pa akong feelingera o assumera nito. Mahirap na.

"Ang ganda talaga ng view, noh?" Sabi ko na para bang naiiyak na.

Siya lang ang tanging tao na dinala ako sa ganitong lugar. He made me feel special tonight. Kahit gantong pagdala lang sa isang lugar. This is really something else.

Di ko tuloy mapigilang mahulog pa sakanya. Sana ako nalang yung nauna. Baka hanggang ngayon kami pa. Sana ako nalang.

Pero kahit naman hindi ako yung nauna, pwede namang ako yung panghuli at muli niyang mamahalin diba?

How I wish I could be the person he always dream of having about.

"Tara magsa-sunset na, upo tayo dun." Aya ko sakanya to enlighten up the vibe. He just simply nod as his answer kaya naman hinawakan ko ang kamay niya ng walang hiya hiya at hinila siya papunta sa tinuro kong lugar.

Gusto ko lang magsaya ngayon cause that's what he wants for us, to celebrate our wins.

"Thank you for celebrating with me," I told him while looking at the sunset, "This means a lot."

The sunset is too precious kaya naman kinuha ko ang cellphone ko para mag-update sa ig story ko. Kinunan ko ang sunset using a grain filter effect and I just simply put 'mahiwaga' text on it and the time and place.

For sure tatanungin nanaman ako nina Clei bukas sa mga nangyari ngayon. Mga chismosang yun talaga.

We just watched the beautiful sunset together. I can't help to not admire this place's beauty and view. Ang ganda dito sa spot na 'to, Tagaytay's Picnic Grove is just really something else talaga. Perfect place to relax kasi marami karing pwedeng gawin na activities.

We just silently watched the sunset hanggang sa tuluyan na itong lumubog at gumabi na. This is not the first time that we're together but this is the first time na I feel very very special because of him and his presence.

"Sana nagustuhan mo." Huling sabi niya bago ako iginiya pabalik sa kotse para dun muna umupo habang ineenjoy namin ang gabi.

"Gustong-gusto kaya salamat." I was so alive oh my god!

"Di ba mag-aalala sayo mga magulang mo?" Panimula niya ng usapan. Nag-order na nga pala siya ng pagkain kanina habang papunta kami dito nung nakatulog ako kaya yan ang kinakain namin sa ngayon.

"As if," I sarcastically answered at napansin niya naman yun kaya napatingin siya saakin, "Sana true." Dagdag ko pa.

"Why?" Tanong niya pa. "Di kayo masyadong close, noh? May conflict ba kayo sa isa't isa?"

"Ayaw nila saakin." Mahina at simpleng sagot ko kaya naman tinitigan niya ako.

"Huh? Then why are you still here when they don't want you in the first place?" Dire-diretsong tanong niya habang inuubos ang burger na kinakain niya.

"Kasi kasalanan ko rin," Wala na. I lose it! Naiyak na ako. Ano ba naman yan, kumakain ako tas umiiyak. Umay!

"Mind telling me what happened." Seryosong usal niya habang matiim paring nakatitig saakin.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba o hindi pero parang mapagkakatiwalaan naman siya at di niya naman ata ako huhusgahan, sabihin ko nalang.

"I was in eighth grade that time, oh diba ang bata pa," Panimula ko habang iniiwasan ang mga titig niya pero nagpatuloy parin ako sa pagkwento, "Malapit na nun mag-end ang school year at nasa at-risk ako ng mga honor students. I was so devastated and depressed kase sumabay yung yaya ko, she passed away. Siya lang napagsasabihan ko dati ng nga problema ko, but she also became my problem that time, because she left me. Pero I understand naman. She has cancer." Patuloy ko pa at this time, nagtagpo na ang mga tingin namin.

"You know daddy and mommy, they got high expectations from us, I was always on the third or second place so, they've been pressuring me to make it to the top talaga. Na-pressure ako to the point na parang ayoko na magseryoso, to the point na naisip ko na 'maybe I should live for myself now' ganun yung mga naisip ko that time, kaya nag-bar down talaga ako sa rankings." This is really a long story to tell pero I should still tell him parin since nasinulan ko na.

"So diba I was at the at-risk line, kasalanan ko yun I know pero na-pressure lang din ako, kaya di ko alam kung paano ko sasabihin or ipapaliwanag kayna mom and dad. Isang linggo ko ring inisip kung sa paanong paraan ko ipapaliwanag sa kanila, and during that one week, I met this man who is actually seven years older than me, and already a college student, Kaiel." Banggit ko sa pangalan niya kaya naman mas tumiim ang tingin saakin ni Blake.

"I was stressed, depressed and devastated that time pero he still managed to make me smile. He asked me if he can court me and I said 'yes', nadala lang din ako kasi syempre he was there for me when no one else was. He was so patient, caring and loving. Yun, after a week also, we became official. I was so focused on him to the point na nakalimutan ko nang at-risk nga pala ako at malapit na final result ng rankings. We'll have our secret meet ups sa park ng village namin. Bawal eh, bawal ang kami. Bawal talaga." Naiiyak ko pang kwento habang nakita ko naman si Blake na nakatingin sa labas ng bintana at nakakuyom ang kamao.

"Pero kahit bawal, sumugal ako. Wala akong magagawa, tinamaan ako eh. Minahal ko eh." I sarcastically stated, remembering how much I loved that man before. "Everything was going on smoothly until the night where my cousins from my father side went to our house for a mini reunion. Nasa park pa ako nun kasama si Kai nung tinext ako ni daddy na umuwi ng maaga kasi nandun daw mga pinsan ko."

Grabe, ngayon ko lang ulit narealize after how many years na ganun pala pinagdaanan ko dati. I was very weak and fragile.

"That night, nagpaalam na ako kay Kai. I hugged him to bid my goodbye, pero little did I know na last hug and pagkikita na pala namin yun kasama ang isa't-isa." I sarcastically laughed again pero naiyak parin. "So I went home na nga, only to see my spoiled brat cousins from my father's side."

They are literally so spoiled to the point that I'm tempted to kill them because of their kaartehan. Di naman sila binabagayan. Chos.

"We were just having a nice dinner until my dad opened up about my failed rankings. They scolded me non-stop, my parents, even my aunts and uncles too, why can't I make it to the top daw. Dad and mom was very disappointed. Then I found out that Jemimah, my freaking cousin who is very envious at me, was the one who told daddy pala about my failed rankings for my eighth grade. The audacity." Naaalala ko nanaman ginawa sakin ni Jemimah kainis larin hanggang ngayon. "The fucking audacity of that bitch." Puno ng sarkasimo kong pagkwento.

"Then? What happened next?" Tanong niya nang mpansing napatigil ako sa pag-kwento.

________________________________

(Unedited.....so sorry sa mga typos, incorrect grammars, wrong spellings and etc.

Saka ko na i-edit ko pag natapos ko na yung story hehehe!)

Eto lang munaaaa, next chap na ang continuation.

Thank you sa mga patuloy paring nagbabasa at tumatangkilik sa istorya ko na ito. God bless sainyong lahat, nawa'y pagpalain kayo. Stay safe pipolz!

Through The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon