Chapter Seven

125 5 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi parin nagsisink-in sakin na naka-akbay si Blake sakin ngayon.

Pinagtitinginan tuloy kami. Nakakahiya shet.

"What is the meaning of this Blake? Argh!" Rinig kong sigaw ni Mirelle sa likuran namin kaya naman tinanggal ni Blake ang kamay niya sakin. Panira talaga 'tong tubol na 'to. Kainis.

"Do not remove this jacket." Pabulong niyqng utos sakin kaya tumango nalang ako. Speechless padin ang atemo yes naman. "Mauna na ako." Paalam niya saka pinuntahan si Mirelle at inakbayan saka naglakad na sila paalis. Binelatan naman ako ni Mirelle.

Ang childish niya. Mukha siyang tubol kingina.

Napailing nalang ako at nagsimula nang maglakad papunta sa cafeteria ng biglang may kumalabit sakin.

"Elijah." Tawag ko sa pangalan niya.

"Mukhang iniwan ka ni Blake ah. Taray nasayo varsity jacket niya." Natatawa niyang sabi kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "Lika ako nalang sasama sa'yo baka umiyak ka nanaman." Sabi niya sabay akbay ulit sakin kaya hinayaan ko nalang. 'Bestfriends' naman kami eh. Friendly to eh.

"Uy thanks pala sa panyo mo ah. Palabhan ko muna bago ko ibalik sayo." Nakangiting pasasalamat ko sakanya. Pi-nat naman niya ulo ko.

"Wala na yun. Sa'yo na yun para kapag wala ako sa tabi mo pag umiiyak ka, andyan naman yung panyo ko para sumalo ng mga luha mo." Awww. That made me smile.

"Whatever. Bestfriend!" Mataray kong sabi kaya naman tinawanan niya lang ako..

We used to be bestfriends before, dahil mula pre-school nagkakilala na kami. We're family friends. Pero ngayon, nabawasan na nga lang ng konti closeness namin dahil meron na nga siyang mas solid na tropa as well as me. Pero boy bestfriend parin naman turing ko sakanya.

Alam niya problem ko sa family ko. Best secret keeper kaya ito. Siya lang ang tanging lalaking alam kung ano man ang mayroon sa pagitan namin ng pamilya ko. Clei and Elijah was there when I needed someone the most, even Elijah's ex was there. Pinakamamahal niya parin hanggang ngayon kasi nagibang-bansa kaya kailangan nilang maghiwalay. Minsan nga inaasar ko nalang si Clei at Eli na sila nalang tutal parehas silang may "ijah" sa mga pangalan nila, pero sa huli ako parin inaasar ni kay Blake. Kainis.

Habang naglalakad kami ay nakasalubong ko naman mga alipores ni Mirelle pero aorry sila dahil kasama ko 'tong unggoy na Elijah na ito ay di nila ako malalapitan.

Kita ko lang kung makapag-cheerdance pa sila sa wednesday pag binully nila ako sa harap ni Eli.

We were about to open the door of the cafeteria pero may nauna nang nakahila, Issa.

Napatingin nalang siya saaming dalawa saka dumako ang tingin niya kay Eli at nag-ngitian sila.

I know na may nabuild naman sila na friendship kahit hiwalay na si Issa and Blake. 1 year relationship was never easy ha. Kaya I understand Blake kung bakit di nalang siya makamove on ng agad-agad but it's been almost 2 years since their break-up.

Maybe a man's broken heart is really hard to fix.

Napailing nalang ako sa naiisip ko saka pumasok na kami ni Eli sa cafeteria. Pinagtinginan naman kami ng estudyante maging ng Black Ace. Oh right, Eli and his charms.

Ang iba kasi dito ay hindi alam na sobrang close talaga kami ni Eli. Kahit ata ang Black Ace ay walang alam dahil kasunduan namin 'yon ni Eli. Dapat walang makaalam na ako ang pinaka-close ni Eli sa lahat ng babae dahil baka sugurin ako ng fangirls niya. Pero sa gantong sitwasyon mukhang mai-issue kami neto.

"Eli." Tawag ko sakanya kaya naman tinanggal niya na pagkaka-akbay niya sakin at nilingon ako. "Baka di na kita malapitan mamaya pero enjoy sa game. Play well okay? Best of luck to you and your team."

Through The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon