Chapter Four

112 6 0
                                    

"Ofcourse, non other than, Kaye!"  Sigaw ni coach kaya naman nagpalakpalakan mga team mates ko kaya nakipalakpak ako. Go with the flow nga diba. "Congrats Kaye! You are the newest team captain of Athens Lady Titans!"

Wait pala! What? Sino? Ako?

Hala? Nagsisitinginan sakin lahat kaya dun lang ako natauhan na ako nga. Wow! Daebak!

"Uhm. T-thank You po coach for the trust!" Pagpapasalamat ko nalang kay coach. Di ko alam sasabihin o gagawin eh kaya niyakap ko nalang siya.

"I know you can do this. I trust you." Bulong ni coach sakin habang magkayakap kami kaya naman tumango nalang ako dahil hanggang ngayon di padin nagsi sink in sa utak ko lahat.

"Wow! Beshieee! I'm so proud of you! Deserve mo yan, KAPITANA!" Clei shouted at me while giggling around. Parang batang may bulate e. Parang kiti-kiti. Inemphasize niya pa talaga yung kapitana ah. Siraulo.

"Para kang tanga!" Sabi ko nalang sakanya habang nililigpit na ang mga gamit ko saka inilalagay ito sa gym bag ko. Nakarinig naman ako ng phone call kaya chineck ko phone ko. Wala naman. Napalingon ako ngayon kay Clei na parang nagtatakang tinitingnan ang kanyang phone. Her dad's calling.

Kaya naman sinenyasan niya ako na kakausapin lang daw muna niya ang kanyang daddy. Inggit ako dito eh, daddy's girl 'to. Grabe bonding nila ng daddy niya. Sana all.

Dahil nga maarte ako sa gamit at gusto ko organize ay natagalan nanaman ako sa pagliligpit ng mga gamit ko sa gym bag ko.

"Beshiee, sorry ah!" Ani ni Clei na may malungkot na mukha.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

"Si lolo kasi e, sinugod nanaman daw sa hospital." Naluluhang sabi niya. Awwww. Her heart's really soft for her grandparents. "Di kita maihahatid pauwi ngayon kasi they need me there, cause you know I'm the favorite apo. Sorry talaga ah. Pasundo ka nalang or grab ka nalang. Sorry talaga. Unexpected eh. Sorry" walang katapusang pagpapaumanhin niya saakin. Naiintindihan ko naman siya. Lolo niya yun and I know how much she love her lolo.

"Hay naku, Clei. Okay lang ako. Mag-grab nalang ako pauwi. Naiintindihan kita. Paki-kamusta nalang ako sa family members mo ah. Take care." Pagpapatahan ko sakanya tsaka niyakap siya. This is what she needs right now.

"Bye beshie! Text mo ako kung nakauwi ka na ha!" Naluluha paring pamamaalam niya habang kinukuha ang gym bag niya. Kinawayan lang ako saka umalis na. Di bagay sakanya magdrama na ala-MMK, amazona siya eh. Bitchessa siya.

Isa-isa nang nagsisiuwian ang mga athletes at nasa labas narin ako ng gym dahil iko-close na ito. Pati Men's basketball team, tapos nadin magpractice kaya isa-isa na silang nagsisilabasan sa basketball practice gym nila.

Mag-isa lang akong naglalakad habang nakasalpak ang airpods ko sa isa kong tenga nang may narinig akong nag-uusap usap sa likuran ko. Medyo malayo pa naman pero naririnig ko parin, oh it's Black Ace.

"Tara bro, bar tayo ngayon"

"Tara pampatanggal pagod lang."

"Tara"

"Tara"

"Arat"

"Oh ikaw, MASTER Blake, sama ka?"

"Sunod ako."

"Tara na guys."

Nakikinig lang ako sa usapan nila nang lagpasan na ako ng apat sakanila saka sila dumiretso sa parking lot at sumakay sa kanya kanyang kotse nila. Sana all may kotse na. Naiwan naman ang kanilang leader sa aking likod na naglalakad. Di ko nalang pinansin at nagpatuloy nalang akong maglakad patungo sa waiting area sa labas ng gym section ng school para maghanap ng taxi pauwi. 8pm pa lang naman, meron pa naman ata yan.

Through The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon